BLOOD 1 [St. Trinity College]

173K 3.2K 592
                                    

Kath.. Mag-aaral ka sa school na gusto ko. Wala ng angal. Dun ka mag-aaral, dun ka titira. Doon ka sa loob ng apat na taon. Sa ayaw mo, at sa gusto mo.

Chapter 1

KATHRYN'S POV.

Ibinaba ko ang mga bagahe ko sa bus.

I took a deep deep breath. Kinakabahan ako. Magka-college ako sa lugar na hindi ko alam. Sa lugar na wala akong kilala. Sa school na 'to?

Tinitigan ko ang paaralang 'yun.

Maganda. Malaki. Pero.. weird. Para siyang kastilyo sa sobrang laki. Napapalibutan ng mga bakal ang paligid. Tapos nasa harapan ang isang malaking gate. May bantay na lalaking mukhang hindi na humihinga.

Lalo tuloy akong kinabahan.

Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako seryosong tao. Gusto ko sana masaya lang ang school na papasukan ko. Pero, naging ganto.

Bakit dito?

Huminga ulit ako ng malalim bago ko inilakad ang mga paa ko.

Tinitigan ako nung guard.

"Uhmm.. St. Trinity College?"

Sa sobrang kaba ko, feeling ko pumipiyok yung boses ko.

Tinignan niya lang mula baba hanggang ulo tapos binuksan na ang gate.

*creeeeeeeeeeeech*

Sa tunog na yun, nanuyo yung lalamunan ko.

Kinilabutan ako.

Hinila ko na yung bagahe ko at unti-unting lumakad sa loob.

May sumalubong sakin. Lalaking malaki ang tiyan at puti na ang buhok.

"Welcome, miss."

 

Nagbow lang ako at ngumiti.

Inabutan niya ako ng susi.

"This is your room key. Room 396."

 

"Thank you po."

Hinila ko ulit yung bagahe ko papasok na mismo sa loob ng school.

Mukha siyang bahay. Malaking bahay na puno na ng kwarto. Tapos dito na din ako magdo-dorm. Grabe. Saan kaya kinuha nila mama yung pera pampaaral sakin dito? -__-

CAMPUS VAMPIRES [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon