Chapter 15

2.9K 115 5
                                    

Author's Note:

Ang manuscript na ito is under Desire-Uncut category sa My Special Valentine / Bookware.

Meaning, the story contains mature scenes. Please be guided po.

End note.

************

"Sabi ko na nga ba, hindi mo kayang ipatibag ang kubo."

Napatuwid ang likod ni Matilda dahil sa boses na narinig. Tumayo siya, tinaasan ng kilay si Leandro, "May bakod na iyan, a. Bakit napasok ka pa?"

Nagtatanim siya ng mga ornamental plants sa paligid ng kubo. Ilang araw na siyang nasa bahay lang at naiinip siya na walang ginagawa, kaya naisipan niyang pumunta rito at magpalipas ng oras. Si Forth ay naiwan sa bahay. Masukal pa ang daan papunta roon, hindi pa niya napapagamasan. Baka katihin ang bata sa mga damo kaya iniwan na muna niya kay Joan. Nagkapalagayan na ng loob ang dalawa kaya hindi na siya nag-aalalang maiwan ang bata.

"May kailangan lang kasi akong gawin kaya ako narito. Ilang araw na akong nag-aantay, actually," anito, kumukislap ang mga mata ng lalaki.
Kinabahan si Matilda. Itinaas niya ang gulok na hawak, "Hindi mo property ang lugar na ito. Kung ano man ang gagawin mo, doon sa lupaing pag-aari mo."

Hindi sumagot si Leandro, tumaas lang ang sulok ng labi. Lalong nangislap ang mga mata, naningkit iyong lalo dahil sa kapilyuhang alam niyang naglalaro sa isip nito. Napaatras si Matilda hanggang tumama ang likod niya sa dingding ng kubo.

"Wag kang lalapit!"

Tumawa si Leandro, "Maty, kahit na paulit-ulit mong sabihing nagbago ka na, hindi ako naniniwala," inabot lang ni Leandro ang gulok, ihinagis iyon sa lupa. Kasunod na tinaggal nito ang gloves na suot niya, bumagsak iyon sa paanan niya.

"Leandro, idedemanda kita! Trespassing ka! Lupain ko na ito!"

Ngumiti ang lalaki, "Hindi lang lupain mo ang plano kong pasukin, Maty," anito, unti-unting bumababa ang mukha sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Maty. Hindi pa man naglalapat ang labi nila ay nanlalambot na ang tuhod niya. Sinubukan niyang humakbang palayo sa lalaki ngunit niyapos siya ni Leandro.

"Kung nakalusot ka sa akin dati, hindi pwede ngayon, Maty."

"Anong hindi pwede? Leandro, idedemanda talaga kita," kulang na sa lakas at kompiyansa ang boses niya. Nalalango na naman siya sa mabangong hininga ng binata. Amoy pa niya ang aftershave nito.

"Sasamahan pa kita sa korte, Maty," anito bago tuluyang pinaglapat ang mga labi nila.

Nakailang punta na siya sa kubo, pero hindi siya napasok sa loob noon. Ayaw niyang makita ang loob ng kubo dahil alam niyang manunumbalik ang lahat ng pinagsaluhang sandali nila doon ni Leandro.

At ngayong buhat siya ni Leandro papasok doon, lalo niyang ipinikit ang mata. Pero hindi niya mapigilan ang sarili na tugunin ang mga halik ng lalaki.

Naramdaman ni Matilda ang paglapat ng katawan niya sa malambot na kama. Napamulat siya. Tanda niya noon, papag lang ang hinihiganan nila ni Leandro sa maliit na kwarto ng kubo.

Sinubukan niyang bumangon pero dinaganan kaagad siya ni Leandro, "Saan sa palagay mo ikaw pupunta, Maty?" pabulong na tanong nito sa kanya, ang hininga nito ay tumatama sa puno ng kanyang tainga.

Hindi napigilan ni Matilda ang kilabot na gumapang sa katawan niya. Pinipilit niyang paglabanan ang tukso. Hinahagilap niya ang matinong bahagi ng isip niya. Pero hindi na siya binigyan ng pagkakataong makapag-isip ni Leandro, gumapang ang labi nito mula sa punong tainga niya, sa panga, papunta sa kanyang labi.

My Trending Affair (R-18 / PUBLISHED @ Ebookware)Where stories live. Discover now