Chapter 8

3.3K 143 8
                                    

"MOMMY!" tumatakbong palapit sa kanya si Forth. Naupo siya at sinalubong ang yakap nito. Nasorpresa siya. Alas-dos pa lang, pero narito na kaagad ang bata. Malamang na sa likod-bahay ipinarada ni Micky ang sasakyan kaya hindi niya nakita pagpasok sa gate.

"Nasaan ang Daddy mo?" ani Matilda matapos bumitaw ng bata sa kanya.

"Inside. I love it in here, Mommy! I saw the beach and the sand is black! I want to go swimming, Mommy!"

Sanay ang bata na puti ang buhangin sa mga beaches na napuntahan nila, kaya bago rito ang itim na buhangin.

"Later, baby. Masakit pa sa balat ang sikat ng araw. Mapapagalitan tayo ni Daddy kapag naligo tayo kaagad."

"I will ask Daddy. Gusto ko na po talaga maligo sa dagat, Mommy," anito.

Tumingala ang bata, lumampas sa balikat niya ang tingin. Kumunot ang noo nito, bago bahagyang ngumiti, "Hello. Are you Mommy's friend?"

Biglang nanigas ang katawan ni Matilda nang malingunan kung sino ang binati ni Forth. Malamang na kotse ni Leandro ang nakasunod sa kanya. Hindi niya naisip iyon kaagad.

"Yes," naupo si Leandro katabi niya, "What’s your name?"

"Michael Anthony Libreo IV, you can call me Forth," bibong sagot ng bata.

Tumango si Leandro, "Hi Forth, I am Leandro. How old are you?"

"I am seven years old. My birthday is January 28."

Nilingon niya si Leandro. Kita niya ang pagkalito at gulat sa mukha ng lalaki, kumikibot ang mga labi nito, nakatitig sa bata. 

"Let's go, baby. Baka hinahanap na tayo ni Daddy," tumayo si Matilda. Inakay ang bata papasok sa bahay. Iniwan niya si Leandro na parang namatandang nakatitig lang sa kanila ni Forth. Pero dagli itong tumayo at umagapay sa kanila.

"Sandali, Maty. May kailangan ba akong malaman tungkol sa bata?" nakatiim-bagang nitong tanong.

Tinaasan niya ito ng kilay, "Ano naman ang dapat mong malaman?"

"Ang totoo, Maty."

"Go inside, baby. Susunod ako," aniya sa bata, pinagmasdan niya ito habang naglalakad papasok.

"Kung iniisip mong anak mo ang bata, nagkakamali ka, Leandro. Nasa loob ang Daddy ni Forth."

"Ang totoong Daddy?" nanunukat ang tingin ni Leandro, sinusuri kung nagsasabi siya ng totoo.

Sinalubong niya ang tingin nito, "Oo. Ang totoong Daddy ni Forth."

Matagal silang nagsukatan ng tingin, pero hindi nagbawi ng tingin si Matilda. Alam niyang darating ang pagkakataong may magtatanong kung sino ba si Forth. Hindi lang niya akalaing si Leandro pa pala ang unang-unang magtatanong tungkol sa bata.

"Mommy, what's taking you so long? Daddy's looking for you!"

"Papasok na, Baby. Tell Daddy to wait," nilinga niya ang bata na nakatayo sa main door. Tumakbo ito muli papasok sa loob ng kabahayan.

"In good terms kayo? Bakit hindi pa kayo nagpapakasal?"

"Look, Leandro, kung ano man ang buhay ko ngayon, wala ka nang pakialam."

"Wala tayong closure, Maty."

Natigagal si Matilda, laglag ang mga panga niya. Nang makabawi sa gulat ay hindi niya napigilan ang pagtawa, "Oh God! Patawa ka talaga. Pakalbo ka na nga, para komendyante ka na talaga," naiiling si Matilda. Tinalikuran na niya si Leandro.

Pero hindi pa siya nakakapasok ay lumabas na si Micky sa bahay. Nakakapit sa kamay nito si Forth. May kausap ang lalaki sa telepono, pero agad iyong ibinaba nang makita siya. Sinalubong siya nito ng kayap.

"I love the house, Babe. Maganda talaga ang taste mo," anito. Nginitian niya ito. Pero kumunot ang noo ni Micky nang makita ang lalaking nakatayo sa likuran niya, "May bisita tayo, Babe?"

"Leandro, pare," anito, iniabot ang kamay.

"Michael Anthony III, pero pwede mo akong tawaging Micky," mahigpit na pagkakamay ng dalawang lalaki. Nanunukat ang tingin ni Leandro, pero kaaliwan ang nasa mga mata ni Micky. Nagtanguan ang dalawa bago nagbitaw.

"Daddy, please! Can we go swimming?" anang bata, hinigit ang laylayan ng damit ni Micky.

"Later anak. Masyado pang mainit, baka mangitim ka," ani Micky, ginulo ang buhok ng anak. Lumingon ang lalaki sa kanya.

"Now, Babe, I understand why you wanted to jump off that bridge when I first saw you," nakakaloko ang ngiti ni Micky sa kanya.

Pinandilatan niya ito, "Hindi ako tatalon sa tulay! Gusto ko lang mag-alis ng bara sa ilong kasi...." Natigilan si Matilda, "Iyon ba ang akala mo kaya mo ako nilapitan?"

My Trending Affair (R-18 / PUBLISHED @ Ebookware)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora