Chapter 6

3.3K 139 2
                                    

Nang makawala siya sa bisig ng binata ay lumayo kaagad si Matilda. Ang dalawang kamay niya ay ihinarang niya sa dibdib. Nagawa na palang kalasin ni Leandro ang pagkakatali ng bra niya.

"Dati, sa beach na ito, sinubukan mo ring makipaghiwalay sa akin. Pero imbes na maghiwalay tayo, iba ang nangyari. At sisiguraduhin kong mauulit iyon, Maty."

Humakbang pasulong si Leandro. Dali-daling siyang umatras. Alam niyang oras na makulong siya sa bisig ng binata ay magtatagumpay ito, dahil maging siya ay handa nang isuko ang lahat sa binata.

Pero kung noon ay napahinuhod siya nito, hindi na pwede ngayon. May responsibilidad na siya sa mag-ama. Oo nga't hindi sila kasal ni Micky, pero may kasunduan sila ng lalaki. At kung sakaling aatras siya sa kasunduan, alam niyang mauunawaan naman ni Micky. Hindi lang sila basta partners in crime, magbest friend din silang dalawa. Pero hindi lang si Micky and dapat niyang isipin, maging ang patriarka ng mga Libreo, at ang magiging epekto kay Micky nang pagtalikod niya rito.

At unang-una sa listahan ng isasaalang-alang niya ay ang anak, si Forth.

Kung sakaling aatras siya, kaya ba niyang dalhin sa konsensya ang posibleng maging epekto sa bata? Tiyak na si Forth ang unang maaapektuhan kung sakali. Paano niya iyon ipapaliwanag sa bata? Kakayanin ba niyang mapalayo kay Forth, na siguradong mangyayari, kung sakaling madawit siya sa ibang lalaki?

Mula ng ipanganak si Forth ay Libreo na ito. At alam niya na hindi niya iyon madadala sa korte. Hindi niya kailanman kakalabanin at sasaktan ang mga taong tumanggap at nagtrato na parte siya ng isang pamilya noong ipinagtabuyan siya ng mismong mga kadugo niya.

Gustuhin mang magsalita ni Matilda ay hindi niya magawa. Nanunuyo pa rin ang kanyang lalamunan. Umiling na lang siya, dali-daling tumakbo palayo sa binata.

Pero bago siya makalayo roon ay nilingon muna niya si Leandro, at ang dagat na naging saksi rin sa lungkot at ligayang naramdaman niya sa loob lamang ng iisang gabi….

Kanina pa niya gustong pumunta sa tabing dagat. Pero dahil maliwanag pa, nagkasya na lang siyang tumambay sa tabi ng puno. Private proterty ang lugar na ito na nasasakop ng pag-aari ng mga Acuzar. Mula sa madalas na pagtambay sa kubo ni Tatang Imo ay natuklasan nila ang daan papunta sa private beach. Doon niya inaantay ang paglubog ng araw.

Maaga siyang nagsara. Bahala na kung makagalitan siya ng Tiya Conching dahil hindi na naman niya nameet ang dapat na kita ngayong araw. Pero hindi muna niya gustong makita si Leandro, at kung mananatili siya sa stall, alam niyang tiyak na makikita lang niya ang binata.

Nakatanaw siya sa dagat. Ilang saglit na lang at didilim na ang paligid, makakapaglakad na siya sa baybay dagat at makikipaglaro sa mga alon.

"Maaga ka raw nagsara. Kanina pa kita hinahanap. Pupunta na nga sana ako kina Nanay Conching, nagbakasakali lang akong nasa kubo ka. At kaya pala parang may humihila sa aking sumaglit dito, kasi narito ka nga," ani Leandro, naupo sa tabi niya.

Napapikit si Matilda. Nakagat niya ang mga labi. Biglang napuno ng luha ang kanyang mga mata.

"Sabi ni Helen masama ang pakiramdam mo. Nagdala ako ng gamot, kaso, nasa kotse. Halika na," anito, hinawakan ang kamay niya, pilit siyang itinatayo. Pero hindi nagpatangay si Matilda, nanatili lang siyang nakaupo.

"Maty, hindi mo dapat tinitiis ang dysmenorrhea. Kung masakit talaga, pwede ka namang uminom ng gamot. Halika na," muling hinigit ni Leandro ang kamay niya.

"Hindi masakit ang puson ko," aniya.

Natigilan si Leandro, bumuntong-hininga at naupong muli sa tabi niya.

"Kung gano’n, ano ang problema nating dalawa? May nagawa ba ako? May maling nasabi? Ano? Hindi ako manghuhula, Maty. At hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang problema, hindi natin masosolusyunan iyan. Dapat d'yan, pinag-uusapan."

"Maghiwalay na tayo," ani Matilda, nakatanaw sa dagat.

Kahit hindi siya nakatingin ay alam niyang matagal siyang tinitigan ni Leandro, "Ano? Ulitin mo?"

"Sabi ko, maghiwalay na tayo," aniya, napuno na naman ng luha ang mata niya. Pumikit si Matilda, ayaw niyang umiyak sa harap ni Leandro. Pero hindi niya kayang pigilan ang emosyon.

"Bakit?" seryosong tanong nito.

"Natsitsimis na tayo, Leandro."

"Higit dalawang buwan na tayong halos araw-araw magkasama, Maty. Ngayon mo pa ba maiisip ang tsismis na 'yan?"

"Hindi mo naiintindihan, Leandro. Lalaki ka kasi. Pero ako, babae ako," nilingon niya si Leandro.

Natigilan ito. Tinitigan siya nang matagal, "Problema ba 'yon, bukas na bukas din, isasama ko sina Mama at Papa. Mamamanhikan kami sa inyo."

Napatayo si Matilda. Nakikipaghiwalay siya, hindi niya gustong magpakasal!

"Mag-isip ka nga, Leandro! Twenty four ka pa lang, nag-aaral ka pa! Nineteen pa lang ako! Anong mangyayari sa atin?"

"Magpapakasal tayo, isasama kita sa Maynila, itutuloy ko ang pag-aaral ko. Nasisigurado kong hindi tututol ang mga magulang ko."

Tumalikod si Matilda, kailangan niyang makalayo kaagad sa binata. Pero nakakailang hakbang pa lang siya ay nahagip kaagad nito ang kanyang baywang.

"Maty, ano ba? Mahal mo ako, hindi ba?"

"Hindi pagmamahal ang sagot sa lahat ng bagay, Leandro. At paano ka nasiguradong mahal mo nga akong talaga? Sabi mo nga, dalawang buwang mahigit pa lang tayong magkakilala!" naiiyak na si Matilda, hindi na niya alam kung anong paliwanang pa ang dapat niyang sabihin sa binata.

"Mahal kita. Sigurado ako roon. Mahal mo rin ako. Sigurado din ako roon. Hindi mo naman ibibigay ang sarili mo sa akin kung hindi, di ba?"

Hindi kayang pasubalian ni Matilda iyon dahil iyon ang totoo.

"Hindi mo ba nakikita? Tingnan mo ako, tapos tingnan mo ang sarili mo. Hindi tayo bagay. Matalino ka, ilang taon na lang magiging doktor ka na. Samantalang ako, hamak na tindera ng prutas sa palengke."

"Hindi iyon ang nakikita ko, Maty. Sa kabila ng pagiging mahinhin mo, ang nakita ko ay isang babaeng masipag, matatag, may paninindigan. Kahit dalawang buwan pa lang halos kitang nakikilala, alam ko sa sarili kong ikaw na ang babaeng ihaharap ko sa altar. At wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, Maty."

"Leandro...." naiiyak na siyang talaga. Saya at lungkot, sabay niyang nadarama.

"Ako ang una, Maty, at hindi ako papayag na magkaroon ng iba. Ako ang una, at sisiguraduhin kong ako ang huli," hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong makasagot. Siniil na lang siya nito ng halik.

At katulad ng dati, natangay lang muli si Maty.

"Let's make another memory, Maty. In this beach, in this cottage. Baka dito, makabuo na tayo ng baby...."

My Trending Affair (R-18 / PUBLISHED @ Ebookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon