♥♥

551 15 0
                                    

Monday na ngayon at papasok na ako sa school. Pinahabilinan ko na rin sya sa mga gagawin nya at pinagbawalan na huwag lumabas ng bahay at huwag makipag usap sa mga taong hindi nya kakilala. 

"Oh pano Kai, alis muna ako ah. Babalik ako mamayang 3Pm. Yung mga habilin ko ah? Arasso? [okay] " pag uulit ko sa kanya. 

Tumango tango naman sya at ngumiti. 

"Bye~ lock mo ang pinto" sabi ko ng lumabas na ng bahay. 

"Mag iingat ka" sabi nya at nag wave sakin. Nag wave din ako sa kanya at sinara na ang pinto.

**

Nasa School Canteen na kami ng bestfriend ko, breaktime kase kaya kumakain kami ngayon dito. 

"Mimi, nabalitaan mo na ba yung sa mall, na may nakuha sa CCTV. Isang Angel daw? " tanong nya sakin. 

Natigilan naman ako sa pagkain ko at tumingin sa kanya. Kinabahan ako bigla.

"Hindi e. Totoo ba yun o rumor lang?" tanong ko sakanya. 

"Totoo nga, kuha na nga sa CCTV e, pano kaya pag nakita nila yun? Ano kayang gagawin nila? heto panoorin mo" tanong nya ulit habang naka salo yung baba nya at nakatingin sa itaas tapos tumingin sakin. at pinanood yung video gamit ang phone nya

(play the video at the side. Hindi ko alam kung Mall yan pero KUNWARI Mall na lang. Arasso? -->)

*gulp*

"Ehh... pa-paano nila makukuha yun... ehh angel nga e. Baka nakalipad na yun. Hayaan mo na!" sabi ko na nauutal. 

Naisip ko kase yung sinabi ni Kai nung una kaming nagkita. hindi kaya sya yun? 

"Sus! eh bakit ganyan yung reaction mo? bakit parang kinakabahan ka?" tanong nya sakin at ngumiti ang loko.

"Gaga! panong hindi ako kakabahan eh, parang hindi naman kapanipaniwala yun parang edit nga lang e" sabi ko nalang. 

**

Dali dali akong pumasok sa loob ng bahay at nakitang naka upo sa sala at busy sa panonood ng T.V. 

Naramdaman nya siguro ang presensya ko kaya napatingin sya sa gawi ko. 

"Oh! Nandito kana pala" sabi nya ta ngumiti. 

Nagulat ako ng bahagya sa sinabi nya at lumakad papalapit sa kanya. Umupo ako sa tabi nya

SILENCE AWKWARD

"Kai..?" tawag ko sa kanya. 

"Hmmm" sagot nya at tumingin sakin. 

"Ahh... Kai.., totoo ba-bang Angel ka?" tanong ko at napa paharap sa kanya. 

Eh paano kung totoo? 

Tumango tango sya at naka ngiti... So totoo?!

"Paano ka nagka katawang tao?" curious na tanong ko sa kanya, at inaabangan ang bawat sagot nya. 

Nag buntong hininga muna sya bago sya sumagot..

"Nung gabing nasa mall ako.. binabantayan ko ang mga taong nandun.. sa hindi ko inaasahan mula sa likod ko may biglang lumusot sakin. Hindi ko namalayang may isang tao pala ang dumaan kaya ayun nakaramdam ako ng pagka hina dahil hindi normal saming mga Angel yung naramdaman ko." huminto sya saglit at nagpatuloy.. "Unti unti akong nag hihina at nahulog mula sa ikalawang palapag.. pagkabagsak ko sa sahig kinuha ko ang lahat ng lakas ko upang nakalipad papalayo.. dahil alam ko sa sarili ko na nakita nila ako" tumingin sya sakin na may takot sa mga mata nya.

My Pervert AngelWhere stories live. Discover now