The Beginning

65.5K 1.1K 153
                                    


Pitong taong gulang palang ako ngunit alam kong may pangit at maganda, maputi at maitim, mabuti at masama para sa ikaka-balance ng mundo, but I don't practice that belief. Pag pangit ka, dun ka sa mga pangit. Pag maganda ka, dapat ang mga kaibigan mo, magaganda rin. Kung mayaman ka, wag kang tatabi sa porita.


"No. Pangit ng doll mo, you can't play with me!" Sabay tapon ko sa manikang kahoy na pinagduduldulan saakin ni Hazel. Ayoko ng doll niya, russian doll daw yun at binili pa daw ng mama niya sa isang antique shop sa Russia. Eww. Pangit pangit eh.


Nakita ko na sumimangot siya at kinuha uli yung doll niyang yuckie.


"You know what Anahi, you're so maarte. This doll is so expensive." Tapos lumapit siya saakin at hinablot yung barbie doll ko!


"Hey, that's mine!" Sigaw ko habang pilit kinukuha ang barbie sakanya pero laking gulat ko ng baklasin niya ang braso at legs ni barbie!


Tinapon niya ito sa gilid habang nakangisi. "So ano? Maganda parin ba yung barbie mo?"


"Ahhhh! I hate you, bitch! bitch!" Maktol ko sabay sabunot sa buhok niya. Binitawan niya rin yung pangit niyang manika at sinabunutan din ako, ouchy!


Pero di nagtagal ay nakita kami ng mga maids at inawat kami. I hate her! I like her a lot but she's so bitchy and her doll? Eww. Who cares if it's expensive? Without aesthetics, expensive is just a waste.


"I don't want to see you ever again!" I shouted at her ng paghiwalayin kami ng mga yaya ko.


She looks at me with sarcasm. "Sure. From now on, we're nothing." Sabay tingin niya sa yaya Nely ko na humahawak sakanya. "Bitiwan mo 'ko!"


Nakita ko siyang nagdial sa cellphone niya at nagpasundo sa tauhan ng daddy niya. Umalis siya ng bahay ko na walang lingon likod. She will regret this! She will regret not saying sorry to me and just walked out like that. Hmp.


"Oh, tahan na señorita.." Alo saakin ni Yaya Meding habang nililigpit ni Yaya Nely ang mga laruan ko. Hindi ko alam, naiyak na pala ako. Nakakainis.. Wala na si Hazel Grace. I know her. Hindi na niya ako papansinin ever. Hmp. It's ok. I'll badmouth her to Rylai nalang para wala na siyang friends. Kala niya.


Wala na akong daddy. Namatay siya dahil sa sakit sa puso when I was three daw kaya si mommy na ang naghandle ng mga business namin. I'm the only child and I hate it because I feel so alone sa bahay na ito. Mom's always busy, ni hindi ko na nga siya makausap ng maayos dahil pag umuuwi siya, aalis din agad. That makes me independent. Halos ako na ang gumagawa ng mga bagay na dapat ay may gabay ng isang ina tulad ng pagbibihis ng uniform pag papasok sa school, pagbabasa ng fairytale stories para makatulog, paggawa ng homework, paggising sa sarili gamit ang alarm clock, and so on. Yaya Meding and Yaya Nely don't treat me like a seven year old girl. They talk to me like i'm already an adult, which is good dahil namulat ako ng maaga sa mga bagay bagay. I learn how to make decisions, but you know, deep inside, im still that young girl who needs love and attention.. well, especially from my mom.


Kaya isang gabi, nung narinig ko ang boses ni mommy, agad akong nagising. Oh no! Sasama na ako kay mommy! I really want to be with her. Pwede naman akong mag- homeschool nalang eh, gaya ni Rylai.

The Sleeping MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon