Part 2

7 0 0
                                    


"Ano ang maipaglilikod ko sa inyo mahal na prinsesa" Fairy Mermaid

"Nais kong magkaroon ng Paa" Sagot ko

"Bakit nyo nais na magkaroon ng paa. Labag sa ating batas ang pagpunta sa mundo ng mga taga lupa" Fairy Mermaid

"Gawin mo na lang ang aking nais Fairy Mermaid. Kahit anong kapalit ibibigay ko" Sagot ko

"Wala akong gustong hingiin na kapalit. Ang tanong ko lamang sa iyo ay sigurado ka na ba sa iyong desisyon na pumunta sa mundo ng Lupa. Masyadong delikado sa inyo doon lalo na kapag may nakaalam sa inyo na kayo ay isang sirena." Fairy Mermaid

"Sige na naman Fairy Mermaid tulungan mo na ako. Gustong gusto ko talaga na makapunta sa mundo ng mga taga Lupa." Hirit ko

"Kung yan ang iyong gusto kamahalan" Fairy Mermaid.

Binigay nya sa akin ang isang bag na may mga buhangin.

"Yan ay isang buhangin. Kapag ikaw ay nakarating na sa Pampang ibuhos mo ito kaagad sa iyong katawan at ikaw ay magkakaroon ng mga Paa" Fairy Mermaid.

"Pagkalabas mo sa ating mundo ay Hanapin mo si Celine. Sya lamang ang makakatulong sa iyo sa Lupa. Magingat ka sa iyong paglalakbay mahal na prinsesa" Hirit ni Fairy Mermaid.

Sinimulan ko ang aking paglalakbay hanggang sa makarating ako sa pampang kung saan ko unang dinala ang lalaki na nakilala ko. Agad kong binuhos sa katawan ko ang buhangin. Tulad ng sinabi ni Fairy Mermaid Nagkaroon nga ako ng mga Paa katulad ng mga nilalang na tao. Sinimulan kong matanong tanong sa mga tao sa dalampasigan kung kilala nila si Celine. Ngunit may isang Mangingisda ang lumapit sa akin.

"Ito ba ang Celine na Hinahanap nyo?" Tanong nya sa akin

"Sa aking palagay." Sagot ko naman

"Pre! Artista na yan eh! Napaka labo naman nakilala nya itong babae na to!" Hirit ng kasama nya.

"Pinagtatawanan nyo ba ako?" Tanong ko

"Hindi. Masaya lang kami dahil may isang napakagandang babae ang pumunta dito sa maliit na isla" Hirt ng Mangingisda

"PARE!! MAY SIRENA NA NATAGPUAN SA KABILANG BARYO!" Sigaw ng isang Lalaki.

Nagsitakbuhan sila at agad naman akong sumunod. Sumilip ako sa pinagkakaguluhan nila. Nabigla ako ng makita ko ang isa sa mga kawal namin. Maraming tao ang nagsidatingan. May mga dala silang isang bagay na tila bang malaking mata. Itinitapat ito ng isang tao sa bawat kapwa nya. Lumapit ako sa bagay na iyon at Hinawakan. Hindi naman sya kumukurap katulad ng mga mata ng taga lupa.

"Ms. Excuse pero nag fi-film kase kami para sa news mamaya pwede bang huwag kang humarang sa camera" Sagot ng Lalaki

Maya maya lamang ay nagsimula nang magsalita yung babae na may hawak na isang stick? Namangha ako sa kagamitan ng mga tao dito. Kaya kinuha ko yung bagay na ito. Tinapat nya ito sa kanyang mga labi at nagsalita. Kaya ginawa ko din ito. Ilang Oras ang Lumipas may babae na humigit ng braso ko.

"Prinsesa Karen, Ako ito si Celine" Bati nya.

"Ikaw nga yung babae sa litrato ng isang mangingisda" Sagot ko 

TALE OF A MERMAIDWhere stories live. Discover now