Chapter 4 : The Millionaire

Start from the beginning
                                    

"Pasensya na pero wala akong alam eh. " pag-iwas niya pa.

Alam ko, may alam siya sa pagkatao ni Cristine. Ayaw niya lang sigurong makisali.

"It's okay. Mag sstay ako dito hanggang sa araw na mawala siya. " determinado kong sabi.

"Pero Hector-----"

"I will. " sabi ko pa.

Gusto kong makatulong other than that ay wala na akong ibang gustong gawin.

Tinulungan ko siyang magluto kahit paano ay may alam din ako sa cuisine. Hindi nga lang halata. Madami akong natanong sa kanya at madami din kaming napag-usapan. Sinabi ko sa kanya kung sino ako.

"Mayaman ka po pala. " tugon niya ng sabihin ko na namamahala ako ng isang kumpanya.

"I'm not considered myself as mayaman. " sabi ko pa.

"Alam mo, kung iba siguro walang tutulong kay Ma'am Cristine. Buti na lang at mabait ka. " sabi pa niya habang hinahalo ang kanyang niluluto.

"Taga saan ka nga pala?? " hindi ko naiwasang tanungin siya.

"Taga Ilocos ako. Lumuwas ako at pumunta dito dahil malaki yung offer ni Ma'am sa akin kaya kahit malayo, titiisin ko. Saka naaawa din ako kay Ma'am. Ang bata niya pa para dumanas ng ganyan. "

"Parte siguro ng buhay natin yun. Lahat naman tayo doon din patungo. " tugon ko.

Kumuha ako ng pinggan at nilagyan ng pagkain ito. Ako na muna ang magpapakain kay Cristine. Wala pang ayos na kain yun simula kagabi.

"Sigurado ka bang ikaw na ang magdadala niyan?? " tanong niya pa sa akin.

"Oo naman. Kaya ko na 'to. Wala din kasi akong magawa. " sabi ko pa.

Seriously, sobrang tahimik ng lugar. Nakakabingi ang katahimikan. Walang maririnig na ingay ng mga sasakyan kundi ang hampas ng alon sa dalampasigan. Sobrang napakasarap sa pandinig. Ito na siguro ang pinakamasarap na tunog na narinig ko sa buong buhay ko.

Lumabas na ako ng kubo para dalhin ang pagkain na inihanda ko. Tirik na tirik ang araw at napaka aliwalas ng kalangitan.

Pumasok ako sa kubo kung saan siya naroon. Dere deretso akong pumasok sa loob ng kwarto na siyang kinagulat niya naman.

"Gising ka na pala. Tamang tama, mainit pa ang sabaw. " sabi ko at inilapag ito sa table malapit sa kanya.

"Nasaan si Nurse Mary?? Hindi dapat ikaw ang gumagawa niyan. "

"Ano ka ba. Kaya ko 'to. " nakangiting sabi ko.

"Please Mister stop! Hindi. Tawagin mo si Mary. Nurse!? " tawag pa niya.

"Ako na muna ang magpapakain sayo. May ginagawa pa kasi siya. " sabi ko.

Tiningnan niya ako na parang binabasa niya ang nasa utak ko.

"Ano ba talagang gusto mo?? " seryusong tanong niya habang malalim na nakatingin sa akin.

"Wala akong ibang gusto. Kundi matulungan ka. " seryusong sagot ko.

"Kahit na mawawala na ako. Mister tanggap ko na. " ang malungkot niyang tugon pero hindi ako nagpatinag.

"Hanggat humihinga ka pa, may pag-asa pang mabuhay. Lahat tayo ay kamatayan din ang hangganan. Kaya if I were you kumain ka na. " sabi ko pa sabay sandok ko ng sabaw at iniharap ang kutsara sa kanyang bibig.

Tiningnan niya lang ito bago tumingin sa akin. Isang makahulugang tingin ang ipinukol ko sa kanya na siyang naintindihan niya naman. Dahan dahan niyang hinigop ang sabaw sa kutsara. Medyo nahihiya pa nga siya at hindi ko maiwasan ang mapangiti sa aking isipan. Kakaiba ang sayang idinulot niya sa akin. Parang iba. Ang sarap niyang pagmasdan habang sinusubuan kong kumain.

His MillionaireWhere stories live. Discover now