Part 33

5.6K 177 32
                                    

CT

Nadatnan ko si Bianca na nakatayo sa may block ng hall na marahang umiiyak. Nong nakita niya ako mabilis siyang yumakap sa'kin. Nag sigh ako saka niyakap siya pabalik at marahan kong hinaplos ang likod niya.

Alam ko kung gaano kasakit yang nararamdaman niya ngayon. Dumaan ako diyan eh. Heartbreak ika nga.

May ilang minuto na siyang nakayakap sa'kin pero hindi pa'rin siya kumakalas. Hinayaan ko na lang siya, hindi ako nagsasalita kasi sa ganyang sitwasyon, no words can easily ease the pain. It's better na ilabas niya muna at iiyak.

Maya-maya'y tumigil na siya sa mga hikbi niya saka siya kumalas, not totally kumalas, kasi nakahawak pa rin sa mga leeg ko ang dalwa niyang kamay. Inayos ko ang buhok niyang tumatabon sa mukha niya.

"Maybe hindi ito 'yung tamang panahon." Sabi ko sa marahang boses.

Malungkot siyang ngumiti "Walang tama o maling panahon, she does not like me. 'Yun lang 'yun."

May point siya

"So pano, tara laklak tayo?" Biro ko

Kanina nong tumawag siya sa'kin alam ko na nabasted siya ni April. Halata ko na sa boses niya kaya agad ko na siyang pinuntahan. Yap ang babae pong ito ay manliligaw ni April.

Itong si Bianca, sya yung tinutukoy kong pretty'ng nakasabay ko sa elevator nong ikalwang lipat ko sa condo ni Sungit. Siya din 'yung babaeng hinalikan ni April sa may floating garden dahil sa dare game namin noon. At sabi din niya, yun yung simula kung bakit nagustuhan niya si April, matagal na din pala siyang may pag sinta kay April. Kaya ayun, ni-close ako para maka-awra kay April, ginawa akong tulay. Taga abot niya ako ng kung anu-ano, saka taga turo kung san nag tatago si April. Oh di ba? Syempre minsan may kapalit 'yun, hinihingan ko siya ng pagkain o kaya nag papalibre ako. Minsan lang naman. Hanga nga ako sa lakas ng loob niya eh, yun nga lang nabasted! Hays! Saklaph!

"CT pwede favor?" Sabi niya

Tipid akong ngumiti "Oo naman. Ano 'yun?"

"Kiss me." Nanlaki bigla ang mga mata ko. Nak ng... si Sungit lang, kay Sungit ko lang gustong humalik. Ehem!

"T-teka lang naman."

"Nag oo ka na eh. So please." Aba malay ko bang halik 'yung favor niya. Kakaiba din 'tong babaeng to abah.

"Ehh, bakit kasi 'yun pa?" Alanganin kong sambit

"Please CT." Tinitigan ko si Bianca at hindi ko siya mabakasan ng pag bibiro. Seryoso ba talaga siya? Kiss talaga?

"Please.... That will be a big help. With that, malalaman ko yung gusto kong malaman." Sabi pa niya?

Hanu daw?

At para matapos na, mabilis ko siyang hinalikan sa labi niya. Ramdam ko ang init ng mukha ko. Im sure namumula na ako ngayon. Grabeng babae 'to, ito pa talaga hininging pabor. Juice ko Lord.

"Walang kuryente 'yung halik mo." Saka siya nag pout. Gusto ko siyang tawanan ng malakas pero syempre, respeto muna sa broken hearted mga par'.

So yun pala ang gusto niyang malaman?

"Oh anong meron sa kuryente?" Tanong ko, pinipigil ko lang talaga tumawa.

That kiss means nothing to me. Pwede bang tawagin na friendly kiss yun? Ah basta, wala lang naman yun eh!

"Sayo wala, pero yung kiss niya sakin may kuryente, 'di ba sign 'yun na may intimate something sa'ming dalwa. Like sa pocket books and wattpad stories?" Tanong niya na parang bata lang.

Marahan akong tumawa "I try natin sa electric ill Bianca. Sure akong may intimate something sa inyo ng electric ill."

Tinangal na niya ang mga kamay niya sa leeg ko saka ako kinurot. Bagay talaga sila ni April, mga mapanakit. Mga amazona!

Alexa West a.k.a SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon