Part 23

6.2K 211 17
                                    

CT

"Is there a place you know where we can eat?" Tanong nya habang lulan kami sa kotse nya. Papauwi kami sa condo nya galing sa school.

"Meron." Agad na sagot ko

"Where?"

"Sa Kahit Saan, masarap sisig-."

"I'm seriously asking Isipbata." Inis na putol nya sa sasabihin ko.

"Sa Kahit Saan nga." Dahil sa sinabi ko eh matatalim na tingin nya na akong nilingon. "Oh bakit?" Maang ko hangang sa marealize ko 'yung pangalan ng restaurant. "wait..." Pigil ko sa akmang pagsusungit nya "Kahit Saan talaga ang pangalan ng kainan na 'yun." Paliwanag ko agad

Nakakatuwa nga ang pangalan ng restaurant na 'yun eh. Galing nila mag isip ng name ng resto nila. Lagi mo kasi maririnig ang salitang 'yan pag may magtatanong kung san gusto kumain.

"Oh, you didn't explain it." Biglang alis ng kasungitan nya eh

"Eh paano naman kasi, ang hilig mo mamutol sa sasabihin-." At di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagbanta na sya ng tingin "Sabi ko nga, kasalanan ko, di ko kasi in'explain." Sarkastiko at nagtatawang sambit ko ng muli syang nagtuon ng pansin sa daan.

"Is it my fault they name it like that? I thought you're just mocking me." Medyo pahiya na usal nya

"Kasalanan ko nga kasi." Pang-aasar ko pa

Pag asar na sya at alam nya na mali nya, tumatahimik na lang din sya. Pero tipong di mo na pwedeng asarin.

"Are you sure na restaurant 'to?" Bulong ni Sungit sakin matapos naming makarating at makapwesto sa isang table.

"Oo naman."

Natawa ako kasi don sya nagbabasa sa menu na nakadikit sa wall na nasa tapat namin. Nakasulat kasi don, ikaw bahala, kahit ano, 'yung masarap, etc.

"Bakit ganyan ang menu nila?" Tukoy nya pa don sa tarpaulin.

"Pa echoz lang 'yan, andon ang tunay na menu oh." Sabi ko at itinuro 'yung nasa malapit sa counter "Gusto mo ng sisig at siomai?" Tanong ko

"Sisig? Does it taste good?" Curious na tanong nya "I know siomai, it's like a dimpling right? But the other one you're saying, i'm not familiar."

"Sige, ako na bahala. Sure ako magugustuhan mo din 'yun." Nakangiting sambit ko at saka ako tumayo para um'order na.

Nag order ako ng sizzling sisig na good for two person, eight pieces na siomai at fried rice. Pag sa mga budget friendly na kainan malilibre ko sya, pero pag sa mamahalin bahala na muna sya, mayaman naman sya eh. Minsang isinama nya ako sa mamahaling restaurant, 'yung budget ko na for one month, dalwang dish lang ata doon, jusko.

"Masarap ang food nila dito Sungit, I'm sure magugustuhan mo." Sabi ko sa kanya makabalik ko.

"Ok." Tanging sagot nya at saka sya luminga-linga sa loob nitong resto.

Napansin ko na tingin ng tingin 'yung isang lalaking service crew kay Sungit. At mas ikinagulat ko ay nang ngumiti 'yung lalaki, nang magawi ang tingin ni Sungit sa kanya. Ikinagulat ko na ngumiti din pabalik si Sungit doon sa lalaki.

Ah ganun? Sa lalaking 'yan na unang kita pa lang niya, ngumingiti sya. Unfair. Sakin unang kita nya pa lang, malalang irap at mala-lazer beam. Hmp! Dapat di ko na lang sya isinama dito. Tsk! Nawawalan na tuloy ako ng gana na kumain dito. Wala sa mood na nag cellphone na lang ako habang nag iintay ng order. Nakakainis si Sungit, pangiti-ngiti pa sya don sa lalaki na 'yun. Tsk!

"What's wrong with you?" Dinig kong usal ni Sungit

"Wala naman." Sagot ko pero di ko siya man lang sinulyapan.

Alexa West a.k.a SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon