Chapter 30

1.3K 48 2
                                    

Happy 18th Birthday



"Happy Birthday to you..."

Iyon ang nagpagising sa akin ng umagang iyon. Habang gulo-gulo pa ang aking buhok at hindi ko sigurado kung malinis ba ang mukha ko, bumungad sa akin si Dad, si Tita April, si Wayne, si Nana Fe, si Ate Say at ang iba pa naming mga kasama sa bahay. Nakapalibot silang lahat sa aking higaan. Mabuti na lamang at maayos ang pajama na suot ko kagabi.

Hindi na rin ako nagtaka na nakapasok sila sa loob ng kwarto ko na nasa tabi ng kwarto ni Dad dahil mayro'n naman silang susi noon. Hindi ko malaman ang gagawin kaya naman hinawi ko muna sa isang tabi ang aking buhok.

"Thank you..." paos kong sabi. Pumiyok pa nga ako dahil umagang-umaga at iyon ang unang lumabas sa aking bibig. Nagtawanan tuloy sila dahil doon.

"How old are you, Sam?"

Napangiti ako dahil para naman akong bata sa ginagawa nila sa akin. Pero sobra kong na-appreciate na nandito sila. Mabuti nga at wala ang mga magulang ni Dad.

"I'm 18!" masigla kong sagot. Pinahipan nila sa akin ang labing-walong candles kaya pagkatapos noon ay kinapos ako ng hininga. Nag-abot din sila sa akin ng mga paper bags na sa tingin ko ay regalo.

"Salamat po. Nag-abala pa po kayo," nahihiya kong sabi lalo na kila Nana Fe at sa mga kasambahay. Sobra-sobra na nga ang ginagawa nila para sa akin lalo na sa pamilya ni Dad, tapos magbibigay pa sila ng ganoon.

"Anything for our princess." Kinilig ako sa sinabi ni Dad. Sobrang close na namin at maging si Tita April din ay gano'n.

It's funny how my quest to find my mother has led to this. Nasaktan ako noon but I am healing. Slowly, but... It's healing. Hindi man biglaan pero masasabi kong sa bawat araw, kasama sila, gumagaan ang pakiramdam ko. Pero mas lalo siguro kung nandito sila, ano? Alvah, Firene, Tita Rhea, Tita Marinel, Ma'am Sav, and Grant. I can only imagine kung ano ang maaaring mangyari kung nandito sila.

Matapos ang ilang sandali ay naglabasan na sila at nagsimula na kaming gumayak para sa mangyayaring kasalan mamaya. Pinagalitan pa nga ni Nana Fe sila Dad at Tita April dahil nagkita na silang dalawa ngayong umaga. Pero si Dad, hinawakan lang ang kamay ni Tita April at sinabi na: "We're inseperable."

Syempre, imbes na magalit si Nana Fe, kinilig lang din siya.

Long sleeve lace na may swarovski crystals ang wedding gown ni Tita April. Na-emphasize noon ang maliit niyang baywang at ang kanyang tangkad. Sobrang elegante niyang tingnan sa suot. Kahit nga ang makeup niya ay sobrang simple lang. Nagpalagay lang yata siya ng light na lipstick at nagpakilay sa makeup artist niya. Mahahalata pa ang mga freckles niya sa mukha. Parang ayaw ko na ngang um-attend ng kasal at gusto ko na lang siyang tingnan.

Sana lahat ganito kaganda. Mukha lang siyang anghel na kakababa sa langit. At kung itatabi siguro ako sa kanya magmumukha akong anghel na ibinagsak ng langit. Simple lang ang suot ko—floor length na gown at off-shoulder na lace din ang taas. Ang hilig ni Tita April sa ganoong damit.

"Tita April, congratulations!"

"You know, Sam. Start calling me Mom," sabi nito sa akin. Tumawa ako at pabirong yumakap sa kanya. Sobrang close na rin namin talaga at itinuturing niya akong parang sarili niyang anak. Sayang lang at iba ang tingin ko sa kanya noong una.

"Let's take a picture!" sabi nito sa akin bago kuhanin ang kanyang cellphone. Itinapat niya iyon sa aming dalawa at kumuha ng ilang picture.

"Kaya kayo napagkakamalang mag-ina e," si Wayne, pagkapasok niya sa loob. Inutusan tuloy siya ni Tita April na kuhanan kami ng litrato.

Write Me a HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon