Kabanata 5

5.6K 337 16
                                    

[FLAIRE]


Nakasimangot akong umupo sa damuhan habang nakatingin sa kanilang nasa gitna habang may sinasabi ang guro para sa pagsasanay.

Kahapon daw ay puro mga panimula sa paggamit ng kapangyarihan ang ginawa nila kaya ngayon ay magkakaroon sila ng pangkatang gawain. Pangkatan ang labanan.

Gusto kong sumali. Kung pwedi lang ay kanina pa ako nagpalit ng armor tulad ng sa kanila. Pagdating kasi dito ay nagpalit anyo na sila. Kailangang suot ang kanya-kanyang anyong panlaban. Ang suot na panlaban ay kusa lamang lumalabas sa kagustuhan ng nagmamay-ari. Ang kasuotang ito ay ayon sa kapangyarihan. Sa lagay namin ay apoy ang disenyo nito ngunit dahil nga may iba't ibang kulay ang apoy ay iba-iba rin ang kulay ng kasuotan. Hindi lang kulay ang iba sa kasuotan maging ang disenyo nito.

Sa nakikita ko sa kanila, walang papantay sa ganda ng aking baluti. Hindi naman sa nagbubuhat ng bangko pero kakaiba kasi ang akin. Ang ibig kong sabihin ay ang pagkapula nito. Kulay Skarlata at matingkad ang pagkakapula hindi tulad ng karaniwang baluti ng mga mula sa angkan ng pulang apoy na pula talaga.

Scarlet Princess

Hindi kaya nakita na ni Prinsepe Alixid ang baluti ko kaya tinatawag niya akong ganun? Suwerte niya nakita niya iyon. Sa tuwing napapalaban ako ay ni minsan ay hindi ko iyon ginagamit maliban na lang kung kailangan. O sinabi sa kanya ng dalawa. Yun siguro.

Humiga ako at nagpalabas ng bolang apoy sa daliri. Maliit lamang ito kaya pinaglalaruan ko sa aking palad. Sa ganitong lagay hindi ko sila mapapanood. Hindi ako maiinggit.

Kailan ko kaya ulit kayo magagamit? Usap ko sa apoy ko. Kabaligtaran ng kulay ng baluti ko ang kulay ng apoy ko.

Isang pagsabog ang nakapagbangon sa akin mula sa pagkakahiga. Agad akong napatingin sa may gitna nang makitang natulala sila sa pagsabog. Nang mawala ang usok ay nakabulagtang mga kaklase mula sa angkan ng Dilaw na Apoy ang tumambad sa amin. Ang pangkat naman ng mga Pulang Apoy ay palapit pa lamang sa pangkat ng nasabugan.

"Sinong may kagagawan nito?" malakas at galit na sigaw ng guro.

Ganun na lamang ang pag-atras ko nang balingan ako ng pangkat ng mga pulang apoy kaya sumunod ang iba. Bumaba ang tingin nila sa kamay ko at tiningnan ko ito. May bolang apoy na kanina ko pa pinaglalaruan. Pinawala ko ito at binalik ang tingin sa kanila.

"Hindi ako---"

"Miss Daverson pumunta ka ngayon sa aking tanggapan."

"Pero---"

"Ngayon na!"

Naitikom ko ang bibig at muling napaatras. Hindi ako ang may gawa pero bakit ako ang pinagbibintangan?

"Hindi mo ba naririnig ang sinabi ko Miss Daverson, Pumunta ka na ngayon sa aking tanggapan at magpaliwanag ka sa ginawa mo."

"Pero Ginang Nabella wala po kayong patunay na si Flaire nga ang gumawa. Hindi po siya kasali sa laban kaya hindi siya ang gumawa." napatingin ako kay Zack at Nathe na nag-aalala para sa akin.

"Paano mo ipapaliwanag ang bolang apoy sa kanya Mister Drevor?" natahimik si Zack at agad na lumapit sa akin.

Umiling ako. "Hindi ako yun." tumango siya at hinawakan ako sa likod.

"Sasamahan ka namin sa tanggapan ni Ginang Nabella---"

"Siya lang ang pupunta Mister Drevor. Tulungan mo ang mga kaklase niyo dalhin ang mga nasugatan sa Silid Paggamutan."

Scarlet PrincessWhere stories live. Discover now