Kabanata 30

4.4K 277 81
                                    

Hello! Thank you dahil nakarating kayo sa huling kabanata ng SP. After ng kabanata na ito ay ang Wakas na. ♡


[ALIXID AVELARZON]

"Hindi lang ang ina mo ang nawala dahil sa bawal na pag-iibigan, maging ang ina rin nila Vesiana at Vance Morrel."

Sinalubong ko ang tingin ni Flaire at nanghihinang pilit pinupunasan ang kanyang mga pisnge ngunit tuloy tuloy lamang ang kanyang mga luha na tila'y hindi pa napapagod.

Pilit kong pinapasok sa isip ang nais ng kanyang ama at isa lang ang pilit pinapamukha nito sa akin. Kapag nagpatuloy kami ay mawawala sa akin si Flaire.

Hindi ko kayang maging malakas ngayon dahil kamatayan ang naghihintay kay Flaire dahil sa pagmamahalan namin. Pero mahal na mahal ko si Flaire. Hindi ko alam-mali may paraan pero ayaw ko. Ayaw kong mawalay sa kanya. Siya lang ang gusto ko, ang mamahalin ko.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa magkabila kong mata.

"Mahal na mahal kita, Flaire Daverson!"

"A-alixid..."

"Sobra kitang mahal na wala na akong maisip na paraan para ipagpatuloy yung kakasimula lang nating relasyon."

"Hindi! Hindi ako papayag sa naiisip mo, Alixid!" Bumitaw sya sa akin at nagmamakaawang pakinggan siya. Nasasaktan rin ako pero---pero para sa kaniya kailangan ko 'tong gawin. Kailangan? Tangina hindi ko kaya!

"Kung mahal mong talaga ang anak ko, hindi mo siya pagkakaitan ng karapatang mabuhay pa ng matagal."

"Ama!"

"Ngayon ko lang makakasama ang anak ko at kapag nawala pa siya ay hindi ko alam ang maaaring mangyari sa lugar na ito, sa buong Fiore." Napayuko ako.

"Alixid!" Ramdam ko sa tono ni kuya ang gusto niyang ipahiwatig. Pero paano naman ako?

Kapag pinilit ko ang meron kami ni Flaire, mawawala siya sa akin. Mapapahamak ang pamilya ko, ang kaharian ng Palasyo namin at ang mga nasasakupan namin. Pero kapag pinili ko ang kaligtasan namin, kailangan kong iwan at kalimutan ang pag-ibig ko kay Flaire.

"Ama hindi ako matutulad kay ina!"

"Nasasabi mo lang iyan dahil hindi ikaw ako na nasaksihan kung paano kunin sa akin ang pinamamamahal ko. Kung paano sya nawalan ng buhay habang nasa bisig ko. Hindi namin alam pareho ang kahihitnan ng pagmamahalan namin hanggang sa isinilang ka. Kung ayaw mong maramdaman ni Alixid ang naranasan ko, gagawin mo ang tama!"

"Nag-iisa kang anak ko, may responsibilidad ka sa kaharian natin. Ikaw ang papalit sa akin, ang magiging anak mo ang papalit sayo. Gusto mo bang iparanas sa magiging anak mo ang kawalan ng kalinga ng totoong ina, Flaire? Ipagkakait mo rin ba sa anak mo ang ipinagkait sayo?"

Malalim na ang paghugot ng hininga ni Flaire dahil sa pag-iyak at muntikan na syang matumba at mabuti lamang ay nasalo ko.

"Flaire..." Nilingon niya ako. Ang kanyang itsura ngayon ang mas lalong nagpapahina sa akin.

"A-ansama sa'tin ng t-tadhana. N-nagmahal l-lang n-naman tayo a!"

"Mahal kita, Flaire. Hindi na mababago yun. P-para sa iyo, h-huminto na tayo."

Nabigla ako ng mawalan siya ng malay at bumagsak sa akin. Akmang bubuhatin ko siya nang may bumuhat na rito, ang kanyang ama. Seryoso nito akong tiningnan ngunit nakatuon lamang ang tingin ko sa mukha ni Flaire. Ayaw kong alisin rito ang paningin dahil baka ito na yung huli na makikita ko siya ng malapit.

Scarlet PrincessWhere stories live. Discover now