Kabanata 2

7.3K 391 43
                                    

[FLARE]

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay naupo ako sa kama. Hindi talaga ako makapaniwalang nandito sa pinakamahalaga at pinakamalaking parte kung saan naroroon ang royal family ako matutulog.

Maaliwalas ang buong kwarto dahil sa pintura nitong krema. Sa tabi ng kama ay may kabinet na kinalalagyan ng lampara. Sa kabilang gilid naman ay ang salaming bintana na disenyuhan ng asul na kurtina. May dalawa ring pintuan, ang isa ay banyo at ang isa ay tokador.

Mabilis akong naligo at nagpalit ng suot. Isang pulang bestida na hanggang tuhod na pinarisan ko ng pulang sandalyas. Ang itim at mahaba kong buhok ay tinirintas ko.

(A: Ang kasuotan po ng mga tauhan ay purong mga moderno o ang mga kasuotan din natin ngayon.)

Kailangan kong maglibot sa buong palasyo para hindi ako maligaw. Kailangan ko ng taong alam ang pasikot-sikot dito. At sina Zack at Nathe iyon. Kailangan ko silang hanapin.

Marami akong nadaraanang mga kawal na tumitingin lamang sa akin. Tahimik rin ang bawat pasilyo na nadaanan ko. Pagkakita ko sa kaninang dinaanan namin ay agad akong lumabas nang bumukas ito.

May isa pang paraan para alamin ang pasikot-sikot dito sa palasyo at iyon ay ang makita ito mula sa itaas. Iyon ang gagawin ko kaya gumawa ako ng ulap na apoy at sumakay rito.

Umangat ito hanggang sa makita ko ang buong palasyo. Ngayon ko lang ito ginawa dahil hindi ako payagan na makarating dito gamit ang ulap na apoy ko.

Ang palasyo ay nahati sa dalawa ng isang mataas na pader. Ang paaralan ng palasyo na maraming silid at malawak na damuhan para sa pag-eensayo. Ang isang bahagi naman ay para sa pinakamalaki at pinakamalawak na parte kung saan tinatanggap ang mga bisita, tirahan ng Royal Familiy at ang tagapagbantay nito. Nandoon rin matatagpuan ang mga malawak na Hall para sa mga engrandeng pagdiriwang. Mas maraming kawal sa parteng ito kesa sa parte ng paaralan.

Dumako ang tingin ko sa parte ng paaralan. Maraming estudyante ang nagkalat at meron ding naglalaban sa malawak na damuhan. Lumapit ako roon at napangiti.

Mukhang masayang makisali sa laban nila ah. Bababa sana ako nang muntik na akong mahagip ng apoy mula sa naglalaban. Nawalan ako ng balanse kaya nahulog ako mula sa apoy na ulap ko. Nawala ito na nagpangiwi sa akin. Hindi naman siguro masakit mahulog sa damuhan diba. Mas malala pa nga ang nalaglagan ko nakaraan eh, purong lupa at bato. Bali at gasgas lang naman ang nakuha ko. Okay lang yan malayo naman sa bituka haha.

Ginawa kong unan ang dalawa kong braso at prenteng pinagkrus ang dalawang hita. Pumikit pa ako. Iisipin ko na lang na tubig ang sasalo sa akin. Pero kahit na, sanay naman akong mahulog na tanging lupa lang ang sumasalo.

Siguro kapag nalaman na naman ito ni Ina at Ama papaluin na naman ako pero pasensya na wala ako sa bahay haha.

Mga walanghiya kasi yung naglalaban, dinamay ako. Tapos yung laglagan ko pa ay yung walang tao kaya wala talagang sasalo sa akin. Hindi naman ako umaasang may sasalo pero malay natin nandyan pala si Prinsepe Acnus hehe.

Malapit na akong bumagsak sa damuhan pero may mga brasong sumalo sa akin.

"Anong akala mo sa huhulugan mo? Malambot na kama? Sa payat mong yan ang lakas ng loob mo magpahulog."

Sinamaan ko siya ng tingin at dali-daling umalis sa mga braso niya. Sasambutin na lang may lait pang kasama. Hindi ako payat! Sexy ako. Sexy!

Kung si Prinsepe Acnus pa ang sumalo sa akin kahit na may lait ayos lang. Oo nga pala mabait ang Prinsepe ko di katulad ng Prinsepeng nasa harap ko.

Scarlet PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon