Kabanata 27

3.9K 284 61
                                    

[ FLAIRE ]


Hindi maalis ang tingin ko kay Vesiana na nakaupo sa harap habang kumakain sa mahabang mesa. Sa gilid at punong upuan ay ang aking ama habang ako’y nasa kanan niya. Sa tabi ni Vesiana si Vance na tahimik at sa pagkain lamang ang tingin. Hindi nag-aangat ng tingin sa akin si Vesiana at hindi ko alam kung dahil sa prisensya ng aking ama o ayaw niya lang ako kausapin.

“Morrel!” Tawag ko na nagpa-angat ng ulo ng dalawa nang sabay.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa at tinaas ang isang kilay nang may mapagtanto. 

“Kambal kayo.” Pahayag ko. 

“Opo, mahal na prinsesa.” Napangiwi na naman ako sa tawag sa akin ni Vesiana. Sumubo ako at hindi inalis ang tingin kay Vesiana. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang espiya sya. At kung paanong nandito siya sa angkan ng itim na apoy kung lila ang angkan niya. 

Binaling ko ang tingin ko kay Vance na tapos nang kumain pero nanatiling nakaupo at nakatingin sa akin. Nagtama ang paningin namin pero una akong umiwas hindi dahil lang inaamin kong attracted ako sa kanya kundi ay may kailangan akong malaman kay Vesiana.

“Kailan mo balak sabihin sa akin kung bakit kayo narito at anong ugnayan niyo sa angkan na ito, Vesiana?” Seryoso kong tanong nang maisip na alam niya rin ang katotohanan sa akin. Hindi ko alam kung pagtapos nito ay ita-trato ko sila ayon sa nararamdaman kong galit o mananatiling mabait.

Muli akong sumubo at naghintay ngunit sa halip na siya ang sumagot ay ang ama ko ang nagsalita. 

“Tulad mo’y bunga din sila ng dalawang magkaibang angkan, itim at lila. Si Vesiana ay nagtataglay ng lilang apoy samantalang si Vance ay itim na apoy.” Nasagot ang nabubuong tanong sa isipan ko pero may isa pa, hindi, marami pa. Tinanguan ko ang ama at uminom ng tubig at ibinaling ang atensyon ulit kay Vesiana. Pero bago ako makapagtanong ay nagsalita ulit si ama.

“Pagkatapos mong kumain ay isasabi ko sayong lahat ang dapat mong malaman, Flaire.” Tumango ako bilang pagsang-ayon. Akmang tatayo na sila nang kumuha at naglagay ako ulit ng pagkain sa plato ko. Bumalik sila sa pagkakaupo at napansin ko naman ang pag-iling ni ama at Vesiana. Inikutan ko sila ng mata at nagpatuloy sa pagkain.

“Wala akong hapunan at umagahan.”

Nang matapos na ako ay nauna na akong tumayo. Sumunod si ama at sila Vesiana. Kahit na gusto kong tawagin si ama ay hindi ko kaya, hindi ako sanay at naninibago pa ako. Ang katotohanang ama ko siya ay sobra sobra na. 

Bumalik kami sa bulwagan at huminto kami sa gitnang kinalalagyanan ng trono niya. Nag-angat si ama ng tingin na nagpasunod sa akin. Mula sa itaas ay ang napakalaking larawan ni ama at ni ina. Hindi ko ito napansin kanina. Hindi ko maalis ang tingin ko kay ina. Napakaganda niya. Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam na nangungulila sa tunay kong ina. 

“Nagkakilala kami nang sumugod siya rito labing siyam na taon na ang nakakaraan. Galit na galit sya sa angkan namin dahil sa nangyari sa kanyang malapit na kaibigan. Napatay ito ng isa kong alagad sa laban at sa dala ng damdamin ay mag-isa syang sumugod dito at pinatumba ang maraming kawal.”

“Sa halip na magalit sa ginawa niya ay wala akong ginawa kundi ang pagmasdan siya. Sa dami nang nagpapansin sa akin ay sya lang ang kumuha ng atensyon ko. Matapos ang pangyayaring iyon ay naging interesado ako sa katauhan niya at dun ko nalaman na isa siya sa pinakamagaling na tagapagbantay na galing sa angkan ng Pula. Mahusay siya sa paghawak ng kahit anong sandata at magaling magmanipula ng kaniyang apoy na kapangyarihan.”

Scarlet PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon