"Pasensya na kung wala kami kahapon pero babawi kami ngayon. Mamaya ay dadalawin ka namin sa iyong silid. Dumaan lamang kami rito para ibigay ang regalo." tumango ako.

"Flaire, wag kang gagawa ng gulo rito ah. Alam naming hindi mo maiiwasan pero pangako mo sa aming magpapakabait ka."

"Kuya naman. Pero sige susubukan ko." tinapik niya ang balikat ko at ngumiti.

"Kamusta Kuya Francis, Ate Fanria?" napalingon kami sa likuran ko.

"Kayo pala Zack, Nathe at Mahal na Prinsepe. Napadaan lang kami rito ni Francis para kay Flaire." tumango ang dalawa at tahimik naman si Prinsepe Alixid.

"Magpapa-alam na kami, Flaire" ngumiti ako at tumango sa kanila. Pagka-alis nila ay inilagay ko sa bag ang dalawang kahon.

"Ang astig talaga ni Kuya Francis. Balita ko hinamon siya ng isa sa pinakamagaling sa sundalo natin at natalo lamang ito ni Kuya Francis." nilingon ko si Zack.

"Ginagaya ko nga ang paraan ng pakikipaglaban niya. Napansin mo si Ate Fanria, mas lalo siyang gumaganda haha."

"May gusto ka kay Ate Fanria, Nathe?" namula naman siya.

"Crush, Flaire."

"Sabihin ko pala mamaya kay Ate." mas lalo siyang namula at akma niya akong huhulihin ay tumakbo ako papasok sa silid. Pagkakita ko sa bakanting upuan sa likod ay umupo ako rito na natatawa.

Pagkarating nilang tatlo sa pwesto ko ay babatukan sana ako ni Nathe nang magsalita si Prinsepe Alixid.

"Upuan ko iyan, Miss Flaire" tumayo ako at agad naman itong naupo. Umupo naman sa tabi niya ang dalawa. Nginisian naman ako ni Nathe.

Umalis ako nang mapansing may iba't ibang kulay ang mga upuan at nakagrupo ito ayon sa pagkakakulay.

Hinanap ko ang pula na nasa tabi lang din pala ng upuan ng mga asul. Umupo ako sa dulo kapantay ng tatlo at nagpangalumbaba.

Nang tumunog ang kampanilya ay nagsipasukan na ang iba pang estduyante na narito sa silid. Hanggang sa mapuno ang silid at pumasok ang babaeng guro.

Dumako ang tingin nito sa akin at inalis rin.

"Magandang umaga sa lahat. Bago ko umpisahan ang klase sa araw na ito ay maari bang ang bagong estudyante ay magpakilala."

Tumayo ako at ngumiti.

"Ako po si Flaire Daverson, mula sa angkan ng pulang apoy." iyon lang ang sinabi ko bago umupo nang hindi inaalis ang ngiti.

Mukhang hindi na dapat ako nagpakilala dahil mukhang kilala na naman nila ako. Kumalat yata ang balitang nandito na ako kahapon pa lang.

Kahit na gusto ko nang irapan ang mga tingin nila ay hindi ko ginawa. Nakangiti pa rin ako.

"Dahil ito ang unang araw mo ay hindi ka muna sasali sa mga gawain nila ngayong araw." tumango ako.

"Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa kwentong pinamagatang 'Ang Skarlatang Prinsesa' na akda ng isang sikat na manunulat sa bayan na si Hayari Nami. Ngayon ay nais ko kayong gumawa ng pagbubuod ng kwento sa isang kapirasong papel at pagkalipas ng isang oras ay inyo ng ipapasa at maari na kayong lumipat sa ikalawa niyong klase." ani nito at umupo sa kanyang upuan.

Abala naman ang lahat sa pinapagawa nito. Nung isang araw pa ang simula ng klase ngunit ngayong araw lamang ako pinasok sa palasyo.

Pero kung papipiliin ako ay mas gusto ko pa ang makipaglaban kesa umupo at sumulat. Nakakayamot pagmasdan ang tahimik na silid at tahimik na mga estudyante.

"Maligayang kaarawan Scarlet Princess"

Nangunot ang noo ko nang maalala ang pagbati ng Prinsepe Alixid. Tinawag niya akong Scarlet Princess kagabi. Bakit kaya? Teka Skarlatang Prinsesa? Tagalog iyon ng Scarlet Princess. Nagtataka tuloy ako kung ano ang kwento nun.

Napatingin ako kay Prinsepe Alixid na tuloy-tuloy ang pagsusulat. Napatigil siya at nag-angat ng tingin. Nagkasalubong ang tingin namin na ikinahiya ko. Pero mas nagulat ako sa buka ng bibig niya. Skarlatang Prinsesa. Sinabi niya iyon ng walang boses saka ngumisi at ibinalik ang tingin sa sinusulatan.

Inaasar niya ba ako? Ano ba kasi ang kwento nun? Bakit niya ako tinatawag na Scarlet Princess/ Skarlatang Prinsesa?

"Ano ba ang kwento ng Skarlatang Prinsesa?" tanong ko kay Zack nang makalabas kami sa silid. Binalingan nila ako ni Nathe.

"Papahiramin kita ng aklat at basahin mo mamayang gabi."

"Bakit di mo na lang i-kwento? Bakit kailangan ko pang basahin nandyan ka naman?"

"Mas maiintindihan mo kung ikaw ang magbabasa. Tara na sa sunod na silid." sumimangot ako sa sagot niya.

Tumingin ako kay Prinsepe Alixid na nakakunot ang noo. Bakit kaya hindi na lang siya ang hindi magkwento sa akin dahil panay siya Skarlatang Prinsesa. Saka hindi ako prinsesa, magiging lang kung ikakasal kami ni Prinsepe Acnus.

"Kamahalan baka may nais kang sabihin" nang-uuyam kong sabi sa kanya.

"Wala naman Scarlet Princess" ngumisi siya at nilagpasan ako.

Bwesit! Sino ba yang Scarlet Princess na yan?

***
-btgkoorin-

Scarlet PrincessWhere stories live. Discover now