Chapter 09

949 16 1
                                    

THIRD PERSON'S PoV

"Kainis!" sigaw ni Kisha ngayon sa loob ng isang cubicle sa restroom ng mga babae, mabuti nalang na walang tao kundi ay baka may makapagkamalang baliw siya.

Hindi naman siya tumatae nor umiihi, nakaupo lang siya sa toilet at kinakalma ang sarili, nagsinungaling siya kina Harvey at Hannah para 'di muna siya sundin ng mga ito.

Yung totoo kanina pa niya gustong batukan yung dalawang bida-bida sa buhay niya, lalo na yung Jhared na yun. Kung ba't pa ba kasi ito bumalik sa buhay niya? Isa pa itong si Shami, mabait sana kaso basag trip talaga.

Yung point lang naman niya ay i-push ang mga kaklase niya na tumayo sa sarili nilang paa, it's her biggest goal before her term as a class president for this school year ends. Pero may mga pabidang kumokontra pa rin.

'Kahit kailan talaga ay pabida talaga 'tong dalawa, eh di magsama sila!'

Napahilamos nalang siya ng palad.

Then, may mga yabag ng mga paa at mga nag-uusap na boses ang pumasok sa loob ng restroom.

"Ewan ko kay Kisha." rinig niyang sabi ng isa sa mga boses saying her name, kaya napukaw ang atensyon niya. Pamilyar sa kanya ang mga boses na iyon, mga kaklase niya.

Minabuti niyang 'di makagawa ng ingay para makinig lang, it sounds like siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"I agree with your suggestion Shami, ang hirap naman kasi 'pag individual." sabi pa ng isa sa mga boses.

Narinig ni Kisha na tumunog yung faucet sa sink ng restroom mukhang may manghihilamos.

"Iniisip ko lang naman yung iba, 'di naman lahat sa atin magaling ang Math, English at Science." mahinhing boses iyon ni Shami, kasama pala ito nung mga nag-uusap.

"Teka lang girl ha manghihilamos muna ako." boses iyon ni Mayu.

"Hmm, may point naman rin si Kisha but may point rin si Jhared."

"But this time I think mas favorable yung point ni Jhared. Hindi naman kasi tayo sing talino ni Kisha no, kelangan rin natin ng tulong."

"Hmm, medyo nakaka-disappoint lang si Kisha, hindi kasi siya nakikinig sa suggestions ng iba. Gusto niya idea niya masusunod, napakaprideful talaga ng bruha."

Tinamaan si Kisha dun at pakiramdam niya ay nakonsensya siya pero naiinis at the same time.

"Hey don't say that, iniisip lang din naman ni Kisha yung pagiging independent natin which is good." boses iyon ni Shami, nagpapasalamat siya dahil kahit papaano ay kinakampihan siya nito.

"Nga pala, feel ko magbabago yung positioning ng ranks natin ngayon." Mayu's voice.

"Pa'no mo nasabi?"

"Well, I think si Jhared na yung bagong top 1 natin, mas matalino pa kaya siya kay Kisha no." Mayu's voice, nakakairita yun sa pandinig ni Kisha.

"Hmm, pa'no na yan Shami, magiging rank 3 ka na?"

"Wala naman para sa akin yung rankings na yan, ang mahalaga sa'kin natuto instead of being greedy sa rank." Shami pointed which pinches Kisha, tinamaan siya dun.

"Mabuti ka pa Shami, napakahumble mo pa rin, mas deserve mo umangat kesa kay Kisha."

"Mayu, tapos ka na?" tanong ng isang boses.

"Oo, tara na. Salamat sa pagsama sakin dito ha." Mayu's voice.

"Welcome."

"Basta, sana mamaya ay papayag na si Kisha na magtulungan tayo." ito yung huling narinig ni Kisha bago tuluyang umalis na yung mga nag-uusap.

Si Kisha ngayon ay napahilamos ng palad. Mukhang majority ng class ay mas prefer ang idea nina Shami at Jhared na siyang ikinaiinis niya.

***

It's 1:00 p. m in the afternoon, nagpatuloy ang meeting as Kisha stood in front and faced her classmates.

Yung iba ay nate-tense ulit dahil baka may mangyayari na namang argument, yung iba naman ay nagtataka dahil nakangiti ngayon si Kisha which they found weird dahil sa nangyari kanina.

May plano na si Zaxisha sa gagawin nila para sa assessment exam.

Chapter Epilogue

"Hmm, medyo nakaka-disappoint lang si Kisha, hindi kasi siya nakikinig sa suggestions ng iba. Gusto niya idea niya masusunod, napakaprideful talaga ng bruha."

"Hey don't say that, iniisip lang din naman ni Kisha yung pagiging independent natin which is good." saway ni Shami sa nagsalitang kasama sa loob ng restroom.

"Nga pala, feel ko magbabago yung positioning ng ranks natin ngayon." sabi ni Mayu.

"Pa'no mo nasabi?"

"Well, I think si Jhared na yung bagong top 1 natin, mas matalino pa kaya siya kay Kisha no."

"Hmm, pa'no na yan Shami, magiging rank 3 ka na?"

"Wala naman para sa akin yung rankings na yan, ang mahalaga sa'kin natuto instead of being greedy sa rank." Shami said at mahinhing ngumiti.

"Mabuti ka pa Shami, napakahumble mo pa rin, mas deserve mo umangat kesa kay Kisha."

"Mayu, tapos ka na?"

"Oo, tara na. Salamat sa pagsama sakin dito ha."
"Welcome."
"Basta, sana mamaya ay papayag na si Kisha na magtulungan tayo."

Si Shami ay lihim na mahinhing napangiti bago umalis sa naturang silid, she knew na nasa loob lang 'din si Zaxisha at malamang naririnig ang usapan nila.

Unfamiliar Feeling Called, Love?Where stories live. Discover now