Chapter 05

977 17 2
                                    

THIRD PERSON'S PoV

     "Bakla nako ang gwapo talaga niya!"
     "Ang talino pa!"
     "I want him so bad."
     "Bakla napapaginipan ko siyang couple daw kami tas kini-kiss niya daw ako!"
     "My ghaaaad!!!"

     Blank face na hinarap ni Kisha ang kaibigan niyang kanina pa putak nang putak. Napapatili ito na parang ewan, namamanyak na yata do'n sa Jhared na yun.

     "Are you tapos na?" masungit niyang tanong sa kaibigan niya habang may dala-dala silang tray ng mga pagkain nila.

     "Hays, ba't ba kasi ayaw mo kay fafa Jhared?"

     "Balakajan," ganti nalang ni Kisha.

     Mukhang na sense naman ni Hannah na naiirita si Kisha kaya tinikom na nito ang bibig. Tsaka sila umupo sa isang bakanteng upuan.

     Jhared nang Jhared itong kaibigan niya, kanina pa mula dismissal hanggang ngayon sa cafeteria, wala ng ibang pinuputak kundi yung lalaking tumalo sa kanya nitong nakaraan sa statistics. Umay.

     Nagsimula na silang kumain at napag-usapan ang ilang bagay about facebook.

     "Oi." Natigilan ang kaibigan niyang si Hannah nang namataan nito si Jhared na kumakain rin pala mag-isa sa loob ng cafeteria.

     Muli ay nagsalita na naman si Hannah, naku naman.

     "Alam mo bakla, I heard single pa siya ever since," biglang sabat ni Hannah.

     Tahimik lang naman si Kisha at nagpatuloy lang sa pagsubo with a poker face.

     "Bakla ibig sabihin no'n wala pa siyang first kiss."

     Sa sinabi ng kaibigan ay napaubo si Kisha ng pagkain.

     "T-tubig..."

     "Ew kadiri ka bakla, lumipad pa talaga yung rice o," maarte namang sabi ng kaibigan niya at tinulungan siyang painumin ng tubig.

     Napaka-out of the blue rin naman kasi ng sinabi nito kaya hindi siya prepared, sino ba'ng hindi mabulunan dahil do'n aber?

     Ewan ba ni Kisha pero nagulat siya sa sinabi ni Hannah, inaakala nitong wala pang kiss experience si Jhared when in fact nakahalikan niya ito sa bus.

     Okay na ulit si Kisha dahil nakainom na siya ng tubig.

     "Hoy bakla, nga pala. Parang familiar si Jhared sakin bago pa siya naging kaklase natin," sabi pa ni Hannah at napaisip kung saan niya ito nakita.

     "Siya yung may-ari ng phone na napunta sa akin. Nare-remember mo pa ba?" Kisha admitted.

     "Ah, oo nga!!! Hala! What a coincidence!" mangha namang sabi ni Hannah nang sa wakas ay naalala na niya at nalaman kung bakit pakiramdam niya ay pamilyar si Jhared.

     "Accident, hindi coincidence. Yung totoo, nagkapalitan kami niyan ng mga belongings sa bus..." masungit niyang pang-aamin sa kaibigan

     "...and he's the reason why I lost points do'n sa project and my first..." '-kiss.'

     "And your?" taka namang tanong ni Hannah.

      "Never mind that," palusot ni Kisha, nadulas dila niya, gheeed.

     'Wew, muntik na'ko dun.'

     "Ah. Kaya pala parang ayaw mo sa kanya. Now I know, may ibang reason pa pala maliban sa pagiging smart oppa niya," sabi naman ng kaibigan at parang ewan na napaday dream sa huling salitang sinabi.

Unfamiliar Feeling Called, Love?Where stories live. Discover now