Bound Twenty-Five

Start from the beginning
                                    

"Hello?"

"Kate, busy ka ba?"

"Sab! Omg, hindi. Bakit?" Ang kulit lang ah haha.

 "Pwede ba tayong magkita? Lunch, maybe?"

"Hmm... Okay! See you at noon!"

"Okay, bye."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 "He's back." Kumunot naman bigla ang noo niya. Halatang nakalimutan na niya.

Nandito kami ngayon sa Sbarro at naglalunch date.

"What..? What do you mean? Who's back?" Nakita ko ang expression ng mukha niya. Parang hindi niya alam ang tinutukoy ko.

Tinignan ko siya ng mata sa mata at doon ko nakita kung paano, unti-unting nag bago ang itsura o expression ng mukha niya.

"Y-You mean..." Naiwan naman sa ere ang tinidor niya dapat sana ay isusubo niya palang.

"Yes." Sabi ko at saka sumubo ng baked ziti na inorder ko.

"Pero.. Kailan pa?!" Nagkibit-balikat lang ako.

"Hindi ko alam. Basta three weeks ago nung una ko ulit siyang makita. Sumunod ay nung party.." Sabi ko.

"Party? Yung charity ball?" Halata sa boses niya na hindi siya makapaniwala. Pero sandali, hindi niya ba nakita si Andrew, nung gabing iyon?

"Hmm, oo. Tapos nung nagpa-surprise game si Ysabel ay hinalikan niya ako.. Yun din ang dahilan kung bakit nagkaroon ng gulo kagabi. Hindi ko naman alam na siya pala ang "most awaited date" ni Eunice. Hindi ko rin inexpect na makikita ko ulit siya.. At doon pa talaga." Napanganga na lang siya sa sinabi ko.

"Omg.. Hinalikan ka?! Bakit?!" Medyo napataas ang boses niya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Ano ka ba naman, Kate! Hinaan mo nga yang boses mo, nakakahiya. At hindi ko alam kung bakit." Mahinang sabi ko.

"Tss. Kaya pala naging ganun na lang si Vince, kagabi. Tsk, tsk." Madiin kong kinagat ang labi ko.

"Tapos.. Nagkita ulit kami.. Kanina."

"Kanina?! As in kanina na ngayong araw na to?!" Tumango lang ako bilang sagot.

Alam kong medyo may pagka-OA tong si Kate pero kahit anong mangyari ay siya pa rin ang best friend ko. Tinuring ko na siyang parang kapatid. Simula ng mangyari ang lahat ng yon sa akin, ay nandyan siya sa tabi ko. Kahit anong pagdaanan ko ay handa niya akong damayan. Kaya, sakanya ko lang lahat nasasabi. Hindi ko rin naman kayang hindi sabihin sa kanya kasi pag tinago ko at sinarili ko lang to ay sasabog ang puso ko. Alam niya na din pag may problema ako.

Bound and BrokenWhere stories live. Discover now