Chapter 3 : The Island

Magsimula sa umpisa
                                    

“Mary salamat. ” tugon ni Cristine sa kanya.

“Pogi water?? ” alok sa akin ni Mary ng bottled water.

“Thanks. ” tugon ko at kinuha ang tubig sa kanya.

Ilang sandali pa ay umaandar na nga ang bangka. Binigyan kami ng life vest just in case na may mangyareng hindi maganda. May kaliitan ang bangka nasa higit kinse katao lang ang pwedeng sumakay patawid sa isla.

Hindi ko rin ganap na maintindihan ang mga sinasabi ng ilan naming kasama dahil kakaiba ang kanilang ginagamit na pananalita. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at umaasa na balang araw ay magbago din ang desisyon ni Cristine at bumalik ng ospital.

Makalipas ang isang oras na paglalayag ay nakarating kami ng bayan ng isla. Kailangan naming magpalista sa local para makapunta sa naturang isla. Sa aking pagmamasid ay napansin ko ang mga taong nagkukumahog sa trabaho. Bilad sa gitna ng arawan at hindi ito alintana makakuha lang ng kustomer. May mga porter din pala dito.

Napatingin ako sa kulay ng aking balat at kinumpara ito sa kulay nila. Napaisip ako, kung hindi siguro ako naging mayaman baka isa din ako sa kanila. Nagbibilad sa araw para lang magkapera.

“Okay ka lang ba?? ” tanong sa akin ni Cristine.

“Ah! Oo naman! ” tugon ko tapos ngumiti pa ako sa kanya pero hindi niya iyon pinansin.

Nagpaalam sa amin si Mary na pupunta ng restroom. Sinamantala ko naman ang pagkakataon para ibili siya ng mga damit. Tulak tulak ko ang wheelchair at pumasok kami sa loob ng market. Binilhan ko siya ng mga damit at kakailanganin niya.

“Mister, hindi ko kailangan 'to! ” saway niya sa akin.

“Kailangan mo yan. ” sabi ko pa at binayaran na ito sa kahera.

Hindi na siya nagsalita pa at tumikom na lang.

Ewan ko ba. Sobrang gaan ng nararamdaman ko sa kanya. Parang ang tagal ko na siyang kilala. Parang matagal na kaming magkakilala.

Matapos nun ay muli kaming sumakay ng bangka. Maraming binili si Mary na pagkain. Budget daw namin iyon sa loob ng isang linggo at medyo malayo pabalik ng bayan. Dahan dahan kung inalalayan si Cristine pasakay ng bangka. Dala naman ni Mary ang wheelchair.

“Alam niyo, hindi talaga ako naniniwala na bodyguard mo 'to! ” sabay turo sa akin ni Mary. “The way kung paano ka niya alagaan parang dinaig niyo pa ang magsyota. ”

“Mary! ” saway nito sa kanya.

“Sabi ko nga. ” sabi pa nito.

This time mas maliit pang bangka ang sinakyan namin. Siguro kung kinana nasa kinse katao ang nakasakay ngayon nasa pitong katao na lang. Pero lima lang ang laman ng bangkang sinasakyan namin.

Sobrang tahimik ng dagat at ang hangin na dumadampi sa aking balat. ibang-iba ang lugar na ito sa lahat. Sobrang ganda. Hindi ko maiwasan ang mapakuha ng litrato sa ganda ng tanawing nakikita ko.

“Mahilig ka palang kumuha ng mga larawan. ” sabi niya sa akin.

“Sobrang ganda lang kasi. ” sabi ko.

“Maganda talaga. ” tipid niyang sabi.

I wonder kung bakit ganon na lang niya kagusto ang makapunta sa lugar na ito. Hindi ko alam kung bakit sobrang importante sa kanya ng lugar na iyon.

Napamasid ako sa kanya habang nakatingin siya sa kawalan. I really don't know, sobrang ganda niya. Hindi ko maiwasan ang nakawan siya ng picture. Napakaamo ng kanyang mukha. Hindi bakas ang hirap na kanyang dinanas.

Ilang sandali pa ay nakarating na nga kami ng isla. Bumungad sa amin ang isang malaking bato na hugia sumbrero. Sobrang ganda ng tanawin. Nakakamangha. Natural na natural ang ganda.

Napadako ang aking tingin kay Cristine na tahimik habang manghang mangha sa kanyang nakikita. Hindi na ko magtatanong kong bakit ganito na lang siya ka interesado sa lugar. Sa aking pag-iikot ng tingin ay naguluhan ako. Parang pamilyar sa akin ito. Parang nakarating na ako sa lugar na ito. Hindi! Wala akong maalala na ganitong lugar na napuntahan ko na. Marahil sa panaginip siguro.

“Tara na. ” pag-aya ko sa kanya. Nauna na kasing bumaba si Mary para dalhin yung mga binili namin sa bayan. “Trust, hindi kita bibitawan. ” tugon ko ng hawakan ko ang kanyang kamay para bumaba.

Mababaw lang naman ang tubig. Mahihirapan lang siyang bumaba dahil nanghihina pa siya. Pinaayos ko naman kay kuyang bangkero ang wheelchair para upuan niya pagdating sa baybayin. Inalalayan ko siya hanggang sa makababa.

“Nandito na tayo. ” sabi ko pa at dahan dahang naglakad kasabay niya.

“Salamat. ” tipid niyang sagot at muling tumingin sa malayo.

Kung nababasa ko lang ang takbo ng utak niya ay gusto ko itong malaman. Gusto kong malaman kung gaano siya kasaya.

Naglakad ako habang tulak tulak ko naman siya. Medyo mabigat dahil pinong pino ang buhangin na dinadaanan namin.

Sinabihan niya ako na gusto niyang pumunta sa gawing kanan kung saan makikita ang malaking bato. Hindi naman ako kumontra dahil gusto kong kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

“Iwan mo muna ako mag-isa. ” seryusong sabi niya habang nakatanaw sa malayo.

“Sorry pero hindi. Dito lang ako. Titingnan kita baka mapano ka. ” sabi ko pa habang nakatingin sa kanya.

“Please?? ”

“Cristine, hindi ko makakaya kapag napano ka diyan. Dito lang ako susundan kita ng tingin. I want to make sure na okay ka. ”

Tumingin siya sa akin na may lungkot sa kanyang mga mata.

“Nagpapatawa ka?? I'm not okay Mister. I'm fragile. ” hinang hina niyang sabi. “So please, hayaan mo muna ako. ”

Humugot ako ng isang malalim na hininga sabay tango ko. Kailangan niya sigurong mapag-isa. Iniwan ko siya at naglakad pero hindi ko siya sinunod dahil tumigil ako sa paglalakad at muling tumingin sa kanya.

Pinagmasdan ko siya. Nakatanaw siya sa dagat habang nakapikit ang kanyang mga mata. Ano kayang iniisip niya?? Sobrang lungkot at napaka emosyonal niya. Wala akong magawa kundi ang tingnan siya sa malayo habang nanghihina.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang umiyak. Paulit ulit niyang pinapahid ang kanyang luha pero tila ba hindi ito nauubos.

Halos madurog ang aking puso dahil sa nakikita ko sa kanya.

Marami siguro siyang alaala sa lugar na ito. Gusto kong malaman iyon.

His MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon