I. CHAPTER EIGHT

417 20 21
                                    

THIRD PERSON POV.

"Avila! Avila ano ba saan ka na ba!"naiinis na sabi ni Bato habang hinahanap ang kaibigan na umalis nalang bigla.

Sa magbabarkada si Avila at pinaka close niya sa lahat. At para na ding kapatid ang turing niya dito.

At hindi siya makapaniwalang sabihin nito kanina na gusto siya ng kaibigan.

Matagal na proseso sa utak niya ang lahat kaya hindi siya nakareact kanina. Na proseso lang ang lahat ng makita niyang tumakbo palayo sa kanya si Avila.

At ngayon ay kinakabahan na siya ng hindi niya parin nahahanap si Avila.

Baka ano ng mangyari sa kaibigan niya. Hindi niya kayang may isa nanamang mawawala sa kanila.

"Avila ano ba!" Sigaw niya.

Napatigil siya sa paglalakad ng makita niya ang tsinelas ni Avila sa hindi kalayuan.

Napatakbo siya at kinuha ito.

Nanginig ang mga kamay niya ng makita niya ang bakas ng dugo sa tsinelas.

Napailin siya.

"No..hindi pwede.."mahina niyang sabi at muling hinanap ang kaibigan.

"Avila!"

Hindi na mapakali si Bato at kinakabahan na siya.

"A-avila.."

Napatigil siya sa paglalakad ng makita niya ang kaibigang nakalambitin sa isang bakawan. Maraming dugo sa buong katawan nito at nakadilat ang mga mata habang nakatingin sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay ni Bato at hindi mapigilang mapaiyak sa nakita niya.

"A-avila!" Tumakbo siya at dali daling kinuha ang kaibigan na nakalambitin sa bakawan.

Inihiga niya ito sa hita niya at pinapikit ang mga mata na naka dilat kanina.

Parang bata na umiiyak si Bato habang nakatingin sa kaibigang wala ng buhay.

Niyakap niya ito ng mahigpit at patuloy parin sa pag iyak.

"B-bakit mo ako iniwan gago ka.."

Hinaplos niya ang mukha nito na puno ng dugo.

"Gusto din kita matagal na. Gago ka! bakit ka umalis agad at iniwan ako!"

"Edi isama nalang kita sa pinakamamahal mo."

Napatigil si Bato ng may magsalita sa likuran niya.

Naramdaman niya ang patalim na nakatutok sa leeg niya.

"Mahal mo si Avila diba? At ayaw mo mawala siya sayo? Edi magsama kayo!"sabi nito at tinusok at patalim sa leeg ni Bato.

Sumirit ang mga dugo nito galing sa kanyang leeg.

"Goodbye, lovers."

"Nakita niyo ba si Bato at Avila? Kagabi ko pa kasi sila hindi nakikita eh."tanong ni Jenica sa mga kaibigan.

Umaga na at nandito parin sila sa lugar na ito.

Umiling ang mga kasamahan niya.

Napahilot sa noo si Jenica.

"Okay ka lang?"tanong ni Jem ng lumapit ito sa kanya.

Tumango si Jenica at ngumiti.

"Nakita mo ba ang dalawa?"tanong niya kay Jem.

Umiling si Jem at napabuntong hininga.

"Saan kaya ang dalawang yun."nag aalalang sabi ni Josie habang nakatingin sa kawalan.

Tulala parin hanggang ngayon si Joy at kinakausap siya ngayon ng malapit na kaibigan na si Dexter.

"Besh, wag kana ganyan please. Hindi ako sanay kapag ganyan ka eh."iiyak na sabi ni Dexter habang nakatingin sa kaibigang si Joy na tulala parin.

Hinawakan naman ni Dexter ang kamay ng kaibigan.

"Hindi mo kasalanan ang pagkamatay ni Elena, Joy. Kaya please wag mo ng sisihin ang sarili mo."

Napatingin si Joy sa kaibigan at hindi mapigilang mapaiyak.

"P-pero ako yung huling nakausap ni Elena. Sa akin siya nag paalam na aalis siya at..at sana sinamahan ko nalang siya para-"

"Para ano Joy?! Para masali ka din sa pagkamatay? Joy, listen. This is a survival game at kailangan nating mabuhay para makauwi tayo sa atin, naintindihan mo ba ako?"seryosong sabi ni Dexter sa kaibigan.

Tumango naman si Joy habang seryosong nakatingin sa kaibigan.

"Hindi natin kilala kung sino ang killer. Kaya kailan nating mag ingat kahit sa mga kasamahan natin ngayon."mahinang sabi ni Dexter at napatingin sa mga kaibigan na hindi na mapakali sa pagkawala ng dalawa pa nilang kaibigan na si Bato at Avila.

"P-para sayo Dex..sino ang killer?"mahinang sabi ni Joy.

Napatingin ulit si Dexter sa kaibigan at malungkot na ngumiti.

"Hindi ko muna sasabihin sayo kasi wala pa akong ebidensya na siya talaga ang killer pero base sa mga naoobserbahan ko siya ang killer at nandito siya ngayon malapit sa atin."

TO BE CONTINUED..

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon