I. CHAPTER SEVEN

424 19 12
                                    

CHAPTER SEVEN

Third Person Pov

Hindi parin makapaniwala ang magbabarkada sa kanilang nakita.

Wala na si Elena.

Dalawa na ang nawala sa kanila at hindi nila alam kung masusundan pa ba ito.

Tulala si Joy hanggang ngayon. Sinisisi niya ang sarili sa pagkawala sa kanilang kaibigan na si Elena.

"Joy, wala kang kasalanan. Please wag mong sisihin ang sarili mo."naiiyak na sabi ni Josie habang nakatingin sa kaibigan nilang si Joy na tulala pero sunod sunod parin ang pagpatak ng luha.

"Hindi na ako makakapayag na may mawala pa saatin."

Napatingin ang lahat kay Carlo.

"Wala na dapat umalis. Walang magkakahiwalay."seryoso nitong sabi.

Nagkatinginan sila lahat.

"Gutom na ako!"sabi ni Bato at napasimangot.

Napatingin ang lahat sa kanya.

"May chocolate pa ako dito Bato baka gusto mo."sabi ni Josie at binigay kay bato ang natitirang Chocolate na dala.

Ngumisi si Bato at nagpasalamat sa kaibigan.

"Bro, samahan mo nga muna ako."sabi ni Avila at tinignan si Bato na kumakain.

"Saan?"inosente nitong sabi.

Napakamot namapn sa ulo si Avila na parang hindi alam ang sasabihin.

"M-may sasabihin lang sana ako sayo."nauutal nitong sabi.

Napatango si Bato at napatingin sa mga kasamahan na tulala parin.

"Psst. Halika na."mahinang sabi ni Avila na nakalayo na pala.

Hinay hinay namang tumayo si Bato para hindi malaman ng iba na umalis sila.

Nang makalayo layo na sila sa mga kasamahan ay tumigil na sa paglalakad si Avila at humarap kay Bato.

Kumunot ang noo ni Bato sa pagtataka.

"Bakit?"tanong nito.

"May sasabihin ako sayo."seryosong sabi ni Avila.

"Ano naman yun?"

"Bisexual ako."

Napakurap si Bato at hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.

"A-ano?"

"At..at..matagal na kitang gusto, Bato!"matapang na sabi ni Avila sa kaibigan.

Napalunok ng laway si Bato at hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.

"Naglakas loob na akong sabihin sayo ang nararamdaman ko kasi alam kong hindi na tayo magtatagal dito at mamamatay din naman-"

"Ano ba! Wag ka ngang magsalita ng ganyan Avila. Makakaalis tayo dito at hindi tayo mamamatay."

Napabuntong hininga si Avila at napatalikod.

Nahihiya siya sa kaibigan niyang si Bato. Hindi niya akalain na mapapaamin pala siya sa nararamdaman niya sa kaibigan. Matagal na niya itong gusto pero hindi niya kayang sabihin dito kasi alam niyang lalayuan siya nito.

Hindi sila pwede. Lalaki sila pareho at alam niyang straight na lalaki si Bato at hindi ito papatol sa katulad niyang baliko.

"S-sorry pala sa pag amin ko sa totoong nararamdaman ko sayo, Bato. Alam kong hindi ka parin makapaniwalang gusto kita pero gusto ko lang sabihin sa iyo na totoo lahat ng sinabi ko. Alam kong nandidiri kana sa akin at iniisip mong bakla ako kaya okay lang. Hindi naman kita pipilitin eh, ang mahalaga nasabi ko na sayo ang katotohanan."mahabang sabi ni Avila at tumakbo palayo kay Bato.

Narinig niya ang pagtawag ng kaibigan sa kanya ngunit hindi na niya ito nilingon.

Gusto niya munang mapag isa at makapag isip isip.

Naglakad si Avila papunta sa makipot na lugar. Hindi siya natatakot kasi alam niyang kaya niyang ipagtanggol ang sarili.

Napaupo si Avila sa may kahoy at napapikit.

Napasuntok siya sa kahoy sa gilid niya.

"Pota. Bakit ko kasi ginawa yun?"mahina niyang sabi habang sapo sapo ang noo.

"Bakit ano ba ang ginawa mo?"

Nanlamig naman ang buong katawan ni Avila ng marinig ang malamig na boses na iyun.

Hinay hinay siya napatingin dito at nanlaki ang mga mata.

"AHHHHHH!"

TO BE CONTINUED..

Silent ScreamWhere stories live. Discover now