I. CHAPTER FOUR

481 23 6
                                    

Third Person POV

"Nasaan si Elfer? Hindi niyo pa ba nakita?" tanong ni Karen kay Avila at Bato.

Napailing ang dalawa.

Napabuntong hininga si Karen at tinignan ng masama si Jenica.

"Kasalanan mo 'to eh!"

Napatingin si Jenica kay Karen.

"Karen ano ba, ayan ka na naman," awat ni Jem.

"Kapag talaga nawala si Elfer, mananagot ka sa akin!" Sabi ni Karen at nag walk out.

Napayuko si Jenica.

Hindi na niya alam ang gagawin. Siya nalang lagi ang nasisisi.

"Uminom ka muna ng tubig," sabi ni Jem at binigyan siya ng tubig.

Kinuha ito ni Jenica at ininom ito.

"Wag mo nalang pansinin si Karen. Alam mo namang ganun na siya dati diba?"

Napabuntong hininga si Jenica.

Tumayo siya at pinagpagan ang sarili.

Napatingin naman si Jem sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

"Hahanapin ko si Elfer."

Tumayo si Jem.

"Sasamahan kita."

Tinignan siya ng seryoso ni Jenica.

"No. Hindi ako papayag na pati ikaw pamaghinalaan. At is pa ako ang kasalanan kung bakit umalis si Elfer kaya ako ang hahanap sa kanya."sabi ni Jenica at umalis.

JENICA POV.

"Elfer! Elfer nasaan kana?!"sigaw ko habang hinahanap si Elfer.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko.

"Elfer parang awa mo na, nasaan kana please."humihikbing sabi ko.

Kahit na matapang ako hindi ko parin mapigilang mapaiyak. Isa si Elfer sa masasabi kong mabuting kaibigan. Si Elfer lang ang nakakaintindi sa akin.

Simula nung mag away kami ni Karen si Elfer na ang sandalan ko at lagi kong kasama.

"Elfer!"

Napaupo ako habang hinihingal.

"Awwwwck.."

Napatayo ako nang may marinig akong kakaiba.

"S-sino yan?"

Sinundan ko kung saan nanggaling ang boses na iyun.

Napatigil ako sa aking pag lalakad ng makita ko kung saan nanggaling ang ingay na iyun.

Nanginig naman ang mga kamay ko at hindi makapaniwala sa aking nakita.

"ELFEEEER!"sigaw ko at lumapit dito..

Nakita ko siyang nakahiga sa may basurahan habang maraming dugo sa katawan. Marami rin siyang saksak sa may tyan niya.

Nilapitan ko siya at niyugyog.

"Elfer! Gumising ka!"umiiyak kong sabi habang natataranta.

Nakita ko namang hinay-hinay na minulat niya ang kanyang mga mata.

"J-je..j-jeni..j-jenica.." mahina nitong sabi.

"E-elfer! Elfer, please! 'Wag mo akong iwan please," umiiling kong sabi habang umiiyak pa rin.

Mahigpit kong hawak ang kanyang mga kamay.

Ayoko mawalan ng kaibigan.

"Please, Elfer lumaban ka."

Nagsuka siya ng dugo.

Napaiyak naman ako ng malakas.

"Elfer!"

"I-im..i-im sorry.."mahinang sabi niya at pumikit.

Nanghina ako ng makitang hindi na siya humihinga.

Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang mukha niya.

"E-elfer.."

Hindi na siya sumasagot.

"Elfer!" Niyakap ko ang bangkay niya at umiyak ng umiyak.

"Ano ka ba Jenica! Mag move on ka na kasi kay Carlo. Duh? Like seriously. Hindi naman worth it ang lalaking yun."maarteng sabi ni Elfer.

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ang hard mo naman."

"Totoo naman eh!! Nako Jenica, pag ikaw na naman magpakatanga jan sa Carlo na yan ikaw na talaga ang sasabunutan ko."

Napatawa ako at niyakap siya sa likod.

"Thank you frenny."

"You're welcome. Pasalamat ka kaibigan kita kundi nako Jenica!"

Napaiyak ako ng malakas.

Wala na siya.

Wala na ang kaibigan kong si Elfer.

Iniwan na niya ako.

TO BE CONTINUED..

Silent ScreamWhere stories live. Discover now