I. CHAPTER SIX

439 20 4
                                    

THIRD PERSON POV.

Magkasabay na bumalik sila Jem at Jenica sa kanilang pansamantalang tinutuluyan.

Nang makabalik sila, nakita naman nila ang mga kaibigan nilang hindi mapakali.

Lumapit si Jenica dito.

"Anong nangyayari?"tanong niya.

"Nawawala si Elena."sabi ni Bato.

"Kanina pa siya nagpaalam sa amin na magpapahangin daw muna siya."naiiyak na sabi ni Joy habang nakakapit kay Dexter.

"Hahanapin ko siya."sabi ni Jenica.

Aakmang aalis na si Jenica ng pigilan siya ni Josie.

"Wag..!"

Napatingin si Jenica dito.

"Pero nawawala si Elena!"inis na sabi ni Jenica.

Tinignan siya ng seryoso ni Josie.

"Walang aalis. Hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari. Baka kapag may umalis nanaman baka..baka mauubos na tayo paisa isa."seryosong sabi ni Josie pero kita parin sa mukha nito ang takot.

Napatahimik ang lahat.

"Pero paano si Elena?"mahinang sabi ni Joy.

"Babalik si Elena. Magtiwala lang tayo."sabi ni Josie at hindi na nagsalita.

Makalipas ang ilang oras hindi parin nakabalik si Elena. Madilim na din ang paligid kaya nagsimula ng gumawa ng apoy ang mga lalaki habang ang mga babae naman ay nag ayos ng matutulugan nilang lahat.

Napatigil sila Jenica sa pag aayos ng makita nilang humihikbi si Joy.

Lumapit si Jenica dito.

"Bakit ka umiiyak Joy?"

Pinunasan naman ni Joy ang luha niya.

"Sana..sana sinamahan ko nalang si Elena kanina. Sana nagpumilit ako na sumama sa kanya. Nawala na nga si Elfer, pati ba naman si Elena mawawala na sa atin?"umiiyak na sabi ni Joy.

Niyakap ni Jenica si Joy.

"Wag kang mag alala, hahanapin ko si Elena."

Napatigil sa pag hikbi si joy at napatingin kay Jenica.

"Aalis ka?"

"Wag mong sabihin sa kanila, lalong lalo na kay Jem. Hahanapin ko si Elena kahit ano pa ang mangyari."seryosong sabi ni Jenica at tumayo.

Tumayo si Joy at sinundan si Jenica.

"S-sasama ako.."

"No, dito kalang."

"Please Jenica..hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag hindi makabalik si Elena."

Napabuntong hininga naman si Jenica.

"Okay, basta wag kang maingay."mahinang sabi Jenica at napatingin sa mga kasamahan nilang busy din.

Tumango si Joy.

Bumuntong hininga si Jenica bago mag lakad paalis. Maingat namang sumunod sa kanya si Joy para hindi sila makita ng mga kaibigan nila.

"Elena! Elena nasaan kana!"sigaw ni Jenica habang nag lalakad parin.

Nasa likuran niya si Joy na may dala din na flashlight.

Nakarating silang dalawa sa may dalampasigan.

Nagtaka si Jenica ng may nakita siyang tao na nakalutang sa dagat.

"J-joy.."tawag ni Jenica kay Joy.

Lumapit naman sa pwesto ni Jenica si Joy at tinignan ang tinignan ni Jenica.

Nanlaki ang mga mata ni Joy at napasigaw.

"Elenaaa!"

Napatakbo si Joy papunta sa may dagat at lumapit sa katawan ni Elena na lumulutang.

Nang makalapit na siya ay pinaharap niya ito.

Napaiyak si Joy ng malakas ng makita niya ang walang buhay na si Elena. Maputla ang buong mukha at malamig na din ito.

Lumapit si Jenica kay Joy at hindi din mapigilang mapaiyak habang pinagmamasdan ang kaibigan nilang si Elena na wala ng buhay.

"Elena.."humihikbing sabi ni Joy habang nakayakap dito.

Napabuntong hininga si Jenica at napatingin sa kawalanan.

Hahanapin ko kung sino ang pumatay sa mga kaibigan ko. Hindi ako makakapayag na may mawala nanaman sa amin. Gagawin ko ang lahat mahanap lang ang pumatay sa mga kaibigan ko.

Sabi ni Jenica sa kanyang isipan. Hindi na siya makakapayag na may mamatay nananan sa mga kaibigan niya.

Hahanapin kitang demonyo ka..

TO BE CONTINUEEEED..

Silent ScreamDonde viven las historias. Descúbrelo ahora