Kabanta 1

8 0 0
                                    


-

Mula sa kwarto sa pangalawang palapag ng bahay. Rinig na rinig ko ang sigawan sa baba

" Bakit hindi mo na lang palayisin ang palamunin mong ampon ha?!  malas siya sa buhay ko!" galit na galit na sigaw ng lalaki

may mga narinig din akong ilang gamit na nabasag. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa labas ng bintana at kinuha ko ang bag sa ibabaw ng lumang cabinet, saka binuksan at inilagay ang lahat ng laman sa loob ng bag. Sinuot ko ang itim na hood na nakapatong sa sirang silya na malapit sa bintana.

binitbit ko ang bag at saka lumabas ng kwarto. Mas lalo kong narinig ang pag aaway ng dalawa ng malapit na ako sa hagdanan. Nakita kong sasampalin na ni karding si Eliza ngunit hindi niya natuloy ng makita niya ako sa harapan nilang dalawa, nagulat siya dahil tumalon ako mula sa itaas

" subukan mong idampi ang magaspang mong kamay Kay Eliza, Baka bukas hindi ka na abutin ng buhay." malamig kong banta sa kanya saka inangat ko ang mukha ko at nakipag titigan sa kanya. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ng makita niya ang mukha ko ng malapitan. Bakas sa mata niya ang pagkagulat at takot, napaatras siya kaya natabig niya ang baso na nasa gilid niya.

Tumalsik ang mga bubog mula sa baso sa paa ni Karding

napatingin naman ako kay Eliza na ngayon ay nanginginig sa takot. Nilapitan ko siya at inalalayan paupo

" Aalis na ako, huwag mong hayaan na ipahamak ang sarili mo dahil sa wala mong kwentang asawa." dinampot ko ang tinapay na nasa lamesa saka kumuha ng isa at inilagay sa bibig ko. Nag simula na din akong mag martsa paalis ng bahay na halos 5 taon akong nanirahan. Narinig ko pang tinawag ako ni Eliza pero itinaas ko lang ang kanan kong kamay at ginalaw ang daliri saka pinagpatuloy ang paglalakad papalayo

Makulimlim na ang kalangitan ngunit heto ako nasa gitna pa din ng kagubatan. Hindi ko pa din nararating ang lugar na pupuntahan ko. Kung Sana ay ninakaw ko na lang ang kabayo ni Karding.

kinuha ko ang bag na nasa likod ko at binuksan para kunin ang mapa. May kakaunting liwanag pa para makita ko ang mapa na Hawak ko. Nasa Hergious land  pa lang ako at mukhang ilang bayan pa ang dapat kong madaanan para makarating sa paruruonan ko.

Puro puno pa din ang nakapaligid sa akin at kailangan ko mahanap ang puting laso na nakasabit sa may Puno. para makapag pahinga na ako.

Ilang sandali pa ay natagpuan ko na ang puno, tumakbo ako at ng malapit na ako biglang may nagsilitawan na mga uwak pero may isang uwak na nakaagaw pansin sa akin dahil mas itim ang kulay nito at kumpara sa ibang uwak ang mata nito ay pulang pula.

pagbagsak nila sa lupa bigla itong naging tao na siya namang kinabigla ko at napaatras ako.

impossible! anong klaseng nilalang sila?

" Ano ang kailangan mo? " matinis na tanong sa akin nung isang lalaki na matangos ang ilong

" gusto ko lang mamahinga  sa punong iyan. " malumanay kong sabi saka itinuro ang punong may puting laso

" Hindi ka pupwedeng mamahinga sa punong iyan." maotoridad na sabi nung uwak kanina na may pulang Mata. Paano ko nasabi na Yun yung uwak kanina? dahil kahit na naging tao sila siya lang ang may pulang mata sa kanila.

" At bakit? Sa pagkakaalam ko tanging mga amiable lang ang pwdeng makatungtong sa punong yan. " walang gana kong sagot sa kanila

Ang punong may puting laso ay isang mahiwagang Puno na kung saan tanging amiable lang ang pwedeng makapasok sa loob.

Pero hindi ako amiable

thats makes no sense. Kahit na hindi ako amiable nakakapasok ako at yun ang nakakagulat.

Sa mundong ginagalawan ko 7 division ang mayroon. Hinati ang mga tao para sa kapakanan ng mga namamahala. Dahil Kung magsama sama ang pitong division Ito na ang katapusan ng kasamaan na ginagawa nila.

magsasalita pa sana ang lider nila ng biglang may malakas na ingay ang umalingawngaw sa buong paligid. Nagsi bagsakan ang ilang Puno at ang mga uwak na naging tao ay mukhang nahihirapan takpan ang mga tenga nila. Samantalang ako Ewan, parang normal na ingay lang narinig ko. walang nagbago sa katawan ko

tinanggal ko hood na nasa ulo ko. Biglang tumigil ang ingay at ang mga uwak ay nahihirapan na din tumayo, nagsimula akong maglakad para makalapit na sa puno pero bago pa ako makalapit may humawak ng kamay ko kaya napatigil ako

" m-malapit ka na n-nilang mahanap k-kaya ihanda mo na ang sarili mo sa kamatayan " natatawa ngunit nahihirapan na banta niya sa akin bigla siyang sumuka ng dugo kaya itinulak ko siya at naglakad na papalayo sa kanila

wala akong pakielam.

Axis of a ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon