Nagising ang aking diwa at napabangon. 

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Sino yun? Kaninong boses yun.



"Mommy! Wake up na, Direk is calling you. I thought Tito will wake you up" sabi ni Sab habang kumakain ng pagkain na dala niya "Hurry up, Mommy!"


Ang anak ko talaga hindi na talaga siya makapaghintay. Ganyan rin ugali nito kahit nasa Paris kami.

Bumangon na ako at inayos ang sarili.


"Mga anak, nakita nyo ba si Tito Gwapo nyo?" sabi ko. 


Nalaman ko na rin kasi na idagdag sa cast si Enrique.


"Tito Gwapo is with Tito Dj, Mommy. They are talking" sabi ni Sky.  



Biglang may pumasok, "Look who's here!"

si Julia.

Hindi ko na sya pinansin baka hindi naman makasalita katulad ng kahapon. Pinabayaan ko lang siya at saka lumayo sa kanya.


"Mga anak, halika na kayo baka kanina pa ako hinahanap ni Direk" sabi ko. Lumapit naman sila kaya hinawakan ko ang kanilang kamay at saka na rin umalis.


Pagkarating ko doon. Nakaayos na ang set. Pinaupo ko ang mga bata sa tabi ni Direk at sinabihan na huwag manggugulo at saka ako nag-ayos at nagpalit ng damit para sa taping


Pagkatapos ng ilang oras, "Break na muna mga anak! " sigaw ni Direk



Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Nakaheels pa kasi ako. Hindi na ako sanay na mag-heels dahil na rin sa sobrang tagal ko ng hindi gumagamit nito. 

Hindi rin kasi gusto ng mga anak ko mag-heels eh lalong-lalo na si Sky lagi niya akong sinisimangotan kagaya kanina. Hindi ako pinapansin ni Sky pero nang sabihan siya ni Quen na andyan naman ito naintindihan naman agad ng anak niya.


"Tulungan na kita"

Isang lalaki lang ang nanggaling ng boses na yan.


Hinawakan nya ang kamay ko at tinulungan. 

Wala akong choice kundi hindi tumanggi dahil baka mahulog ako kung walang tutulong sa akin.


"Ahm. Salamat Daniel" ngiti lang ang sagot niya.


Pinagtinginan kami ng mga staffs. Nakita kong parang kilig na kilig pa sila pati si Direk. 

Ito na nga ba ang sinasabi ko.


Nakita ko rin na wala ang mga bata at mukhang pumasok na sa tent. Kaya nagdesisyon rin akong pumasok doon.

Wala lang 'to Kath. Wala lang ito. Gentleman naman talga siya diba?


Pagdating namin sa tent nagpasalamat ulit ako.

Showbiz Parents (KathNiel) EditingWhere stories live. Discover now