060 ➪ Harp.

442 41 32
                                    


Harper's

Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro dito sa library. These past few days kasi marami akong iniisip.

Yes, and I cant deny the fact na kasali na doon si Alexander. Basta I just need some alone time and sana hindi niya mahalatang iniiwasan ko siya.

"Ate andito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap!" Napatingin ako sa mga babaeng basta basta na lang umupo sa harap ko, ay okay so andito na si Julia at Chloe.

"At bakit niyo naman ako hinahanap aber?" Nakapameywang kong tanong sakanila, umupo naman sila sa harapan ko at nilabas yung phone nila. Inabot sa akin ni Julia yung phone niya at pinabasa sa akin.

"Teh, ano na totohanan na ba yan?" Nakita ko yung chat ni Alexander na hinahanap ako kanina pa.

Ang weirdo niya na these past few days lagi na niya akong hinahanap. Huhuhu ako din naweweirduhan na sa sarili ko.

"It's just part of the pretend thing, wag niyo kasing bigyan ng malisya." Sabi ko na lang sakanya, the next thing I knew parehas na sila umiling iling sa akin na para bang yung sinabi ko ay mali.

"Ate Harper gurl you dont see it do you?" Tanong sa akin ni Chlos napatango naman si Julia at napatsktsk, ano bang problema ng dalawang to at hinahot seat ako?

"Uhm, as far as i know di naman ako bulag? i can still see." Pilosopo kong sagot sakanila, sabay naman silang napafacepalm at si Julia napabulong pa na malala na ako. hay nako kala niya ata di ko narinig!

At dahil nga may lahing kabute talaga si Alex at ang lakas nga ng radar ng lalakeng to.

"JANS!" Napatingin kaming tatlo kay Alex na bigla na lang lumapit sa amin kasama niya pa si Cyrus.

"Ano nanamang kailangan mo?!" Pataray kong sagot sakanya, ngumiti naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko. This guy really ʕಠɷಠʔ

"Hintayin kita sa gate! Sabay ulit tayong umuwi." Nakangiti niyang saad kaya si Cyrus naman napa woah at binatukan si Alex

"Ampots dre kala ko magbabasa tayo! Tara na! Aral muna bago lande!" sabi ni Cyrus at hinatak na niya si Alexander palabas

Hindi ko napigilang tumawa sa nasaksihan ang cute lang! Ay shuta teka wait andito pa pala yung dalawa.

Nabalik yung tingin ko sakanila na ngayon ay nakatitig sa akin na para bang may malala akong sakit or ano. Tinanong ko sila kung bakit ganun silang dalawa makatingin at hindi ko inaasahan yung isasagot ni Chloe sa akin kung kaya't mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Teh, confirmed. Harper has fallen." Is it really that obvious?

friendzoned ➵ [ beomgyu x ryujin.]Where stories live. Discover now