055 ➪ Alex.

215 17 7
                                    

Alexander's

Pagpasok na pagpasok ko ng room nila Harper, yung iba niyang kaklase napatingin sa akin at yung iba naman kinikilig habang siya naman nagtatago ng mukha niya.

Dumiretso ako sa desk niya at hinawakan yung kamay niya

"Tara na, kumain na muna tayo Jans." Malumanay kong saad sakanya napatanga naman siya sa akin. Di niya ata talaga inexpect na susugod ako dito ang cute hahaha.

"Tatapusin ko nga muna to ang kulit nito." Binawi niya yung kamay niya sa akin at nagpatuloy sa pag answer kuno ng seatwork niya.

Bakit parang hindi naman siya nagsasagot? Baliktad naman yung papel.

"Harp, isa." Napakamot siya sa ulo at dahang dahang iniligpit yung mga gamit niya. Ang cute talaga. Mabuti na lang masunurin si Harp.

"Nako kung di lang kita ano.." Napatigil siya sa sasabihin niya ng mapagtanto na dapat para bang di niya sinabi yon. Pinitik niya naman yung bunganga sabay iling iling.

Ano? Anong ano?

"Tara kain na tayo, hinihintay na din tayo dun ng tropa." Ngumiti ako sakanya at siya naman ay napatsk ngunit tumango na din naman.

Nang naglalakad kami napansin kong medyo tahimik ngayon si Harper, usually kasi kapag magkasama naman kami ang ingay neto, kahit ano ano na lang pinaguusapan namin.

"Jans, okay ka lang ba?" Saglit akong napatigil at humarap sakanya, napatigil din siya at parang nabigla. Biglang namula yung pisngi niya.

May sakit ba to?

Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya to check if okay lang ba ang temperature niya.

"Okay ka naman, wala ka namang lagnat." Sabi ko habang nakalagay pa rin ang kamay ko sa noo niya mas lalo siyang namula at mabilis na pinitik ang kamay ko.

"A-Ano ba! May iniisip lang ako. Jusko ka. T-tara na nga!" Sabi niya at mabilis na naglakad.

Anong problema non? Ang cute naman ng reaction niya *o*

friendzoned ➵ [ beomgyu x ryujin.]Where stories live. Discover now