Capítulo Treinta Y Nueve - Reason

Start from the beginning
                                    

“Sana nga ay magtuloy na.”

Napangiti naman ako sa sinabi ni tita.

“o sya, maiwan ko na kayo ni Jaki mukang mahaba-habang usapan yung paguusapan ninyo.” Saad niya nang makalapit na sa amin si Jaki at dala ang tray ng pagkain, na para sa iisang tao lang pero dalawa yung tubig.

“Kain ka.” Awkward man pero nasanay na yata siya makipagusap sa mga ganitong sitwasyon.

“Salamat.” Hindi ko naman ginalaw iyong pagkain pero kailangan ko yung tubig

Kaya't walang alinlangan ko iyong ininom.

"Ikaw kumusta ka na?"

"Okay naman ako. Nahirapan pero kinaya naman."

"Jaki, okay lang naman ba pag-usapan natin yung nangyari?"

"Okay lang naman. Sorry ah. Pabigla bigla ako noon."

"Napag-uusapan naman iyon."

"Gusto mo ba dito pag-usapan or gusto mo maglakad lakad?" Sabi niya. Marahil ay hindi siya komportable kung dito sa kanila namin pag-usapan. O may mga bagay na mabuting mapag-usapan ng kami lang talaga.

"Okay naman ako kung sa labas din. Lakad lakad."
Ngumiti ako tsaka lumahad para alalayan siya.

"Okay lang. Salamat." Hindi niya tinanggap yun. Kaya't binawi ko na lang yung kamay ko

Habang naglalakad papunta sa hindi ko o dapat ko yatang 

sabihin namin kung saan kami pupunta.

"Okay ka na ba, Jaki?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami ng sabay, pero may distansya sa pagitan naming dalawa. 

palubog na pala yung araw at kitang kita namin iyon.

nakapamulsa lang ako habang naglalakad.

nilingon ko siya dahil medyo ang tagal niya sumagot.

Mahal ko pa rin talaga. At ang ganda pa rin niya talaga.

“Medyo matagal na rin. Noong araw na nakasama mo sila Madc sa ospital.. buo na desisyon ko. Pero nung araw din na yun.. nakita ko na okay ka na sa kalagayan mo..” huminto siya kaya napatingin ako. Pero tuloy pa rin naman kami sa paglalakad, yung lakad na mabagal, yung walang iniitinding oras, yung parang kaming dalawa lang na may sariling mundo.

“Anong desisyon ba iyon?” Tanong ko dahil matagal ko na gusting marinig yung gusto niya mangyari.

“Desisyon na..bumalik. yung balikan ka, yung balikan yung taong minahal ko.” Minahal…

Past tense. Minahal, ang sakit marinig. Napatingin na lang ako sa malayo. So may iba na ba talaga?

“Bakit di natuloy?” tanong ko pa rin, para maliwanagan naman ako.

Karapatan ko naman siguro malaman kung bakit.

“Kasi, ayaw ko sirain yung pagiging maayos mo, natakot ako na baka okay ka na rin na walang ako sa buhay mo.” Naririnig ko yung panginginig sa boses nya,

Parehas kami. Kasi kapag nagsalita na ko tutulo na yung luha ko. Hinayaan ko na lang patas lang naman e, umiiyak na sya at iiyak na ko.

“Ang gago nga di ba? Sabi ko sa sarili ko, aayusin ko yung mga desisyon ko yung kakayanin ko magdecide para sa sarili ko.” Narinig kong humikbi pa siya sa mga pagitan ng salita niya.

At habang naririnig ko ‘yon, parang dinudurog yung nasa loob ng dibdib ko. Naririnig at nakikitang nasasaktan siya sa pinaguusapan namin at nasasaktan ako dahil bumabalik na naman ako sa mga nangyari sa amin.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now