Note 5 - Her First String

Start from the beginning
                                        

"Wag na. Nai-save na ni Samuel kanina lahat ng dapat i-save. Pati yung number ng boyfriend mo nai-save niya na."

"Wala nga po akong boyfriend Maaaa. Sino ba yun?"

"Kester daw pangalan niya eh."

"Anooo? Ma, hindi ko po yun boyfriend!"

"Yiiiee. Ang anak ko dalaga naa.."

"Mama naman eh. Hindi nga po!"

"Mabuti yan. Mas matutuwa si Hans kapag nakikita ka na niyang masaya tulad ng dati." Nakangiting pahayag ni Mama na nagpatahimik sakin sandali.

Moment.

Naalala ko na naman siya. Hayy.

Pero agad din nawala yung moment ko at napalitan ng pagkainis.

Ang kapal talaga nung pokemon na yun! Kaya pala may pabitbit-bitbit pa ng gamit ko kanina. Claiming boyfriend without my knowledge! Humanda talaga yun sakin bukaaas!

"O ano anak? Kelan mo papupuntahin si Kester?" pangungulit padin ng nanay ko with matching pindot-pindot pa ng tagiliran ko. Hahaha. Anobayan. Ayokong matawa pero di ko mapigilan. Parang bata kasi si Mama kapag naglalambing eh. Mas maharot pa sakin. Tss.

Alam ko naman na gusto niya lang bumalik yung dating ako. Yung masayahing ako. Pero mahirap pa kasi. Parang hindi ko pa kayang magsaya after what happened few months ago.

Nasa recovery stage pa ko.

Nakakainis nga. Yung family ni Hans, naka-recover na. Pero ako tong Bestfriend niya lang, hindi pa. Hayy. Siguro kasi, hindi ako naging handa. Unlike yung family niya..

Ewan. Hinahanap ko pa yung dahilan para tuluyang ibaon na sa kahapon yung mapait na pangyayari na yun. Pero thankful ako sa family ko na hindi ako hinahayaang hindi tumatawa sa isang araw. Sila. At dito lang ako sa bahay nagiging masaya. Dito yung comfort zone ko. Sa kahit saang sulok ng bahay. Lalo na sa kwarto ko kung saan kasama ko si Elay, ang gitara kong regalo pa ni Dada. At ang songbook na bigay naman ni Kuya Sam.

Si Mama, madalas ko maka-jamming kapag ramdam niyang kailangan ko ng ka-jamming. Maganda din kasi ang boses ni Mama. Sakanya ako nagmana. Hahaha. At ang pagtugtog ng gitara ay namana ko siguro kay Dada/Papa.

Huminga ko ng malalim bago sinagot muli ang tanong ni Mama..

"Ma, for the nth time. Wa-la-po-a-kong-boy-friend-na-ka-hit-si-no. Okay po?" sabi ko at saka kinuha muli ang gitara ko at sinubukan na ulit na tumugtog.

"Aynako, Shontelle. Bahala ka. Wag lang kitang makitang nakikipag-date sa Kester na yun ng hindi mo muna pinapupunta dito ha. Sige na, at ako'y magluluto pa.." sukong sabi ni Mama bago ako iniwan ulit sa kwarto ko.

Binaba ko yung gitara ko saka chineck yung cellphone ko na iniwan pala ni Mama. Naka-save na nga yung mga contacts. May kanya-kanya ng pangalan yung nasa inbox at call logs ko. Nakita ko din dun yung call log ni Kester.

Itext ko kaya?

Hmmm..

*type type*

-Lagot ka sakin

*Sending....*

*Save in outbox!*

At dahil dun, hinagis ko na lang sa tabi ng kama ko yung cellphone ko.

Pano ko nga naman kasi maite-text. Di naman ako nagloload. Hahayy.

Bayan. Feeling ko..

Hindi ako karapat-dapat magka-cellphone. Hahaha

--*

"Pst. Hoy." Sitsit ko sa lalaking nakatalikod sakin at busy sa pagkalikot ng kung ano sa bag niya.

"O Shontelle, bakit?" tanong nito ng makita ako.

Bago pa man ako sumagot, binigay ko na sakanya yung gitara, songbook, at mga librong dala ko maliban sa backpack ko. Muntik pa siyang tumaob sa kinauupuan niya. Hayy. Hina ng balance. Tss.

"Ano to? Anong gagawin ko dito?" maang na tanong niya.

"Di ba yan ang gawain ng mga boyfriend. Taga-bitbit ng gamit ng girlfriend?" plain-expression kong sabi sakanya. Samantalang siya, kitang-kita mo ang pagtataka. Maya-maya pa eh ngumiti ng pagkaloko-loko ang pokemon!

Hah! Kala niya ha. Sige, ipaliwanag mo ng sarili mo sakin. Ng makita kitang maaligaga. Hmp!

"Okay, sorry. Hindi ko naman alam na darating ka agad." Nangingiti niyang sagot bago inayos yung mga gamit ko.

Aba't! Gustong gusto naman ng loko! Siraulo to ah!

"Akin na nga yan!" sabay bawi ko ng mga gamit ko, "Asyumero ka talaga! Kainis!"

"O teka. Akala ko ba boyfriend mo na ko? Mahaa-"

"Heh! Abnormal ka! Akin na yan!" Sigaw ko habang pilit na inaagaw yung mga libro ko na hawak padin niya.

"Wait muna. Hahaha. Bakit ba kasi bigla bigla ka sumusugod tapos girlfriend na agad kita?"

Bwiset! Tawa pa! Napahiya na ko kanina tae talaga!! Bakit nagkabaliktad?!

"Nevermind it! Ikaw nga tong nagsabi sa pamilya kong boyfriend kita eh! Asyumero!"

"Ano? Wait lang ah," saka nito tinago sa likod yung libro para tuluyan ko ng di makuha, "Ah.. alam ko na. Na-misinterpret lang nila yun. Easy ka lang. Kwento ko sayo. Upo ka dito dali." Sabi pa niyang pinagpag yung upuan sa tabi niya.

At ako?

Syempre, hindi ako nagpa-uto no! Lelang niya!

"Ayoko. Ikwento mo. Para alam ko kung pano ko ipapaliwanag kina Dada yang pagka-asyumero mo." mataray na sagot ko.

"Gusto mo ako na lang magpaliwanag sa parents mo?"

"Hindi na oy! FC ka na masyado ha! Wag na nga. Akin na libro kundi di kita tutulungan sa event!" pananakot ko pa.

"Ang taray talaga. O eto na.." at masuyo niyang ibinalik sakin yung mga libro ko. Agad kong kinuha yung mga yun, "Next time, text mo ko. Susunduin kita." At ngumiti pa ang loko.

"Mukha mo. Diyan ka na nga. Hmp." Saka ako madaling naglakad.

Nakakainis! Siya dapat tong.. Ugh! Kainis talagaaaa.Hayy Mama. Kung ganitong boyfriend rin lang, thank you na lang po. Hmp.

-----

One note updated! Kamusta po? Okay lang ba yung flow ng story para sainyo? :) Any comments? :) Hihi. Thanks sa mga avid readers :) Mas masaya siguro kung mag-vote din kayo :) lol. Haha. De jk lang :) Basta salamat guyth! Godbless!

SIXTH STRING (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now