Note 3 - First Talk, First Smile
"So, ikaw pala ang nag-nominate sakin? " maanghang ngunit mahinahon kong tanong kay Kester.
"Oo. Bakit may problema ba? Dapat ka pa nga mag-thank you sakin, Ms. President." sagot naman niyang nang-aasar pa.
Bwisit ka talagang lalaki kaaaaa! Humanda ka sakin! Hmp!
"Wala naman." sabay ngiti ng nanlilisik ang mata sakanya.
"So, kumpleto na tayo. Can we now start the meeting? " sabi nung babaeng taga-school namin dati.
"Sige, Ate Demi. Start mo na yung agenda natin. Magpapaikot na ko ng attendance sheet. " aba. Close na agad si Yassi? Feeling secretary. Amp.
Ah, oo nga pala. Siya ang newly-elected secretary ng M4P.
Hindi ko talaga alam. Actually, kakabasa ko lang sa bulletin board. Hehe
At nabasa ko din na si Kester ang Vice-President. Bwisit talaga. Hmp.
Nagsimula na yung meeting. Pero di ako interesado. Kunwaring nagte-take down notes pero nagdo-drawing lang ako. Oo. Music lover ako. Pero hindi dun kasama yung maging Officer sa Music world ko. Hayy. Kainis!
Gusto ko lang tumugtog at kumanta.
"Ikaw, Ms. Ortiz-Luis. Anong suggestion mo sa project ng mother org natin?"
Napahinto ako sa pagdo-drawing sabay tingin dun sa nagsalita.
Hindi ko siya kilala. Taga-ibang school.
"Ako, wala. Baka si Mr. Vice-President meron."
"Kakasabi ko lang nung akin. You are not listening. "
Pak. Malay ko ba. Tss.
"Hindi ko narinig. Pakiulit. "
"Okay. Ang sabi ko, tutal may kanya-kanya naman tayong mga banda per schools, makipag-deal na lang tayo sa mga local bands na baka pwede tayo sumama sa Concert for a Cause nila. Tapos hikayatin natin yung mga students na pumunta. Then afterwards, saka natin kunin yung share natin para icredit sa org natin at ibigay sa mga typhoon victims. " masyadong mahaba yung paliwanag niya.
May naintindihan naman ako kahit pano.
At hindi ako sang-ayon.
"So what do you think? " tanong naman ni Lally.
"I disagree. " *with matching paikot ng ballpen sa mga daliri ko.*
"Bakit hindi ba okay yun? Kas-"
"Gaano ka kasiguradong makikipag-deal sayo yung mga local bands? "
"Syempre kay-"
"Mahirap yang proposal mo. "
"Member naman ako ng Writer's Block. Kaka-"
"Hindi padin tayo sigurado. Malabo sa 50-50 yan. Mahirap mag-aksaya ng oras sa wala. "
Saglit na katahimikan ang namayani.
May nasabi ba kong mali? Mahirap naman talaga yung sinasabi niya. Masyadong kumplikado. Saka magulo. Tss.
"Tayo na lang ang gumawa ng sarili nating Concert for a Cause. Mas madali. Walang ganong hassle. And lastly, mas flexible para sa mga estudyante." suggestion ko. A statement and not a question.
YOU ARE READING
SIXTH STRING (SLOW UPDATE)
Teen FictionAnim na kwerdas lang ang kailangan ko para matugtog ko ang gitara ko. Katumbas nun ang anim na bagay at tao na kailangan ko para mabuhay. Sa anim na yun, kaya ko ng sumaya. Pero paano kung mawala ang isa? Maging maganda pa kaya ang tunog ng gitara...
