Note 5 - Her First String
High dive into frozen waves
where the past comes back to life
Fight fear for the selfish pain
And it's worth it every time
Hold still right before we crash
Cause we both know how this ends
our clock ticks till it breaks your glass
And I drown in you again
Cause you are the piece of me
I wish I didn't need
Chasing relentlessly
Still fight and I don't know why
If our love is tragedy why are you my remedy
If our love's insanity why are you my clarity..
Why-
"Santy, anak.."
I stopped strumming my guitar and look at my Mom. I smiled faintly.
Narinig na naman niya ko. Aish. Why am I always forgetting to lock my room everytime I want to sing this song? Hayy.
"Yes Ma?" sagot ko sakanya.
She just sat down beside me on my bed and slowly combing my hair. Ugh. What's her problem anyway?
"Mama, ano po yun?" tanong ko ulit. Binitawan ko na muna si Elay bago hinarap muli ang nanay kong di ko malaman kung anong gusto. Hayy.
"Anak, imbitahin mo naman yung boyfriend mo dito sa bahay natin. Hindi yung puro date date kayo sa labas." Malambing na sabi ng nanay ko. Habang ako, hinawakan ang noo niya at idinilat ng mabuti ang mga mata niya. Agad naman niyang tinapik ang kamay ko.
"Santy! Ano bang ginagawa mo? Nilapirot mo na yung mata ko. Aynako kang bata ka."
"Kayo po? Ano po yang sinasabi niyo?" tanong ko, "Chineck ko lang po baka nagdedeliryo kayo."
"Wag ka ng mag-deny, nak. Okay lang naman samin ng Dada mo at ng Kuya mo.."
"Ma, wala po akong ide-deny. Kasi wala naman po talaga. Hayy. Saan niyo ba napulot yan?" nakasimangot kong tanong habang nagte-turn pages sa songbook ko para humanap ng panibagong tutugtugin.
Nai-stress kasi ako. Kung bakit kasi pinairal ko na naman yung bright ideas ko. Hmp. K. Gusto ko lang talaga inisin si Kester. Di ko naman alam na ganito kahahantungan ng pagkamaldita ko. Hayy.
"Tumawag dito ang boyfriend mo kanina. Naiwan mo cellphone mo kaya kami na ang sumagot."
Iniwan ko talaga yun. Enebe. Sino naman kaya yung tumawag? Ayos ah. Nagka-boyfriend ako bigla!
"Mama naman eh. Dapat hinayaan niyo na lang tumunog hanggang ma-lowbat."
"Anak naman."
"Sino daw po ba? Naka-save po ba yung number?" tanong ko kay Mama na biglang naging poker-face ang mukha at kinurot ako ng magaan. Oo, magaan lang. Parang nangalabit lang. Hahaha., "Aray naman Maaa" biro ko pa.
"Ikaw talagang bata ka. Panong naka-save eh wala naman kahit anong contacts ang naka-save sa cellphone mo! Kanina lang namin nalaman, kahit mga cellphone numbers namin ng Papa at Kuya mo, hindi naka-save."
Kabisado ko naman kasi yun eh.
"Bago po kasi yun diba. So hindi ko pa nalilipat. Hayaan niyo save ko na po later." Nakangiti kong sagot.
YOU ARE READING
SIXTH STRING (SLOW UPDATE)
Teen FictionAnim na kwerdas lang ang kailangan ko para matugtog ko ang gitara ko. Katumbas nun ang anim na bagay at tao na kailangan ko para mabuhay. Sa anim na yun, kaya ko ng sumaya. Pero paano kung mawala ang isa? Maging maganda pa kaya ang tunog ng gitara...
