Chapter 21 [Part 2] - Changed and Unchanged

Magsimula sa umpisa
                                    

Natawa na lang din tuloy ako.

"Bes, putek! Ang sweet-sweet nyo naman! Yeeeeee! Hihihi", hindi mapigilan ni Charms ang kiligin.

"Charms naman eh!"

"'Habulin mo ko! Habulin mo ko Luigi!', yan ang drama nyo ni Luigi kagabe sa may pool! Wahahaha", pangaasar ni Charms.

Natawa din tuloy ako.

"Gaga ka talaga Charms!"

"Nyahaha! Haba ng hair. Naaapakan ko na! Harhar", sabi pa ni Charms.

"Siraulo ka talaga!", sabi ko naman.

"Hangtamisss! Hindi ka ba nangangati? Hampasin natin yang mga pantal mo bes, gamit yang mahaba mong hair! Para mawala ang kati! Wahaha. Yung parang sa albularyo lang. Wahaha", natatawang sabi ni Charm.

"Bruha ka talaga! Umayos ka nga Charmie!"

Parehas kaming natatawa.

"Kilig na kilig ka bes noh?", tanong ni Charms sa akin.

"Eeeh, oo na nga. Kaso baka alam mo na. Sabi ko naman sa'yo, hinay-hinay lang bes. Ayoko ng umiyak. Tsaka diba may pagka-playboy yan si Luigi", paalala ko sa kanya.

"Malay mo nagbago na yung tao. Parang nagbago naman na si Luigi diba?", sabi ni Charms.

"Tignan natin", sabi ko sa kanya, "Hinay-hinay lang siguro"

"One step at a time? Yun yung sabi ni fafa Luigi diba? Yiheee! Wahaha!", sabi ni Charms.

"Ate, may nagpapabigay po sa inyo", may lumapit sa aming estudyante na sa tingin ko eh freshman lang.

"Ako? Baka sa kanya", sabi ko sa estudyante at tinuro ko si Charm.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Charm.

"Kayo po si ate Laureen dela Cuesta diba?", sabi ng estudyante.

"Oo, paano mo nalaman?", sabi ko.

"Taga-IT din po ako", sabi nya, "Kayo po yung Ms. IT diba?"

T__T

"Para sa inyo po ito, pinapaabot po ni kuya na may nakasabit na T-square sa balikat. Ayaw po pasabi pangalan eh", sabi ng estudyante.

"Ahmm, ok sige, salamat. Pakisabi sa kanya, salamat", sabi ko sa bata.

Pagkatapos ay umalis na sya.

"Galing kay fafa Luigi-honeydoodles?", sabi ni Charm, "Hihihihi. Hangsweeet!"

"Umalis sya ng maaga kanina eh", sabi ko kay Charm.

"Oo! T-square? Si Luigi na yun! Tsaka kaya nga umalis ng maaga para makabili ng flowers!", sabi ni Charms, "Ang tamiiiiiiis!", sabi nya pa.

Nailing na lang ako habang nakangiti, at inamoy ang bulaklak. Ang sweet naman ni Luigi! Hindi matanggal ang ngiti ko habang inaamoy ang bulaklak.

"O, bago yan?", tanong ni Charm sa akin.

"Ang alin?", tanong ko sa kanya.

"Yang bracelet mo", sabi ni Charm, lumapit sya at hinawakan ang palawit, "Ganda ah! Magkano bili mo?", sabi ni Charm.

Hindi ako nakasagot.

Napatingin si Charm sa akin at tumaas ang isang kilay nya.

"Bigay ni Luigi.... ", sabi ko kinagat ko pa ang lower lip ko.

Parang nag-twinkle ang mga mata ni Charm, "I just died!", sabi nya at kunwaring napasandal sa may locker namin habang nakapikit sya at naka-spread ang mga braso nya.

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------

;)

*dedicated to eiffiquete :) Thank you sa mga comments and votes! :) Pati na sa messages sa twitter :)

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon