KABANATA IV

77 50 3
                                    

Hi Althea Cabanacan. Alam kong iiwan mo na 'ko pero you're always here in my heart. Love you nak!

Enjoy reading!

Kabanata 4

Andy's POV

Sa canteen nga niya 'ko dinala at alam mo kung ano yung masaya? Nilibre niya 'ko.

Nung una nahihiya pa 'ko, syempre naman, marunong naman akong tumanggi pero napilit niya din ako. Naman! Kapag mga libre, hindi dapat tinatanggihan. Grasya 'yan. Tsaka mas masarap ang pagkain 'pag libre sa totoo lang.

"So tell me about yourself" sabi ko saka tiningnan siya maigi. Well, interviewer ang peg ko ngayon. Mahirap na, baka member pala 'to ng gang. 'Tas bigla akong tutukan ng baril. OA mo din Andy.

"Kaya nagustuhan agad kita eh."

Yung totoo? Shiboo ba 'to? Jusmiyo baka babae ang gusto nito.

"Kung anuman yang iniisip mo, hindi ako ganun. Masarap na lalaki ang gusto, don't worry. " Hala, wala nga kong sinasabi eh. Ang bilis ko bang mabasa? Baka naoffend ko siya hala.

"Okay lang. Naiintindihan kita tsaka hindi ako naoffend. Sorry ang kulit ko."

"Wala ka bang superpowers? May sagot ka agad sa mga iniisip ko. "

"Ang bilis kayang basahin ng mata mo. Kaya malalaman kung nagsisinungaling ka, malungkot, masaya o natatakot ka." Talaga? Hindi ko nga alam yun eh. Iba din talaga 'to eh noh, kung ano-ano sinasabi.

"Okay, huwag ka masyadong mag-isip diyan. So magpapakilala muna ako, I am Trinity Montes."

"Yun lang?" Napakadaldal kanina tapos ngayon, ang sarap din sampalin.

"Ikaw muna" kapal din.

"Ikaw na muna, ako nagtanong eh."

"Ikaw na muna saka ako magkukwento. Dali, nilibre naman kita eh. " So parang kasalanan ko pa? Sana hindi mo nalang ako nilibre. Parang ginamit pang-blackmail eh.

"May magagawa pa ba 'ko?" Saka ako nagkwento sa kaniya. Halatang interesado siya sa mga kinukwento ko. Wala namang problema sakin yun. Hindi naman sikreto ang naging buhay ko. Gusto ko pa ngang gawing inspirasyon para sa iba.

After kong magkwento, siya naman ang pinagkwento ko.

"Wala namang exciting sa kwento ko or sa buhay ko. Pero like you, I am also an independent woman dahil wala na 'rin ang magulang ko. Kaya nandito ako kasi kailangan ko din ng work para mabuhay ang sarili ko. Nakapagtapos naman ako ng pag-aaral kaya sana makahanap ulit ako ng magandang trabaho."

"Buti ka pa nakapagtapos ka na." nalungkot lang ako bigla.

Iba talaga kapag nakapagtapos, promise. Kaya wag sasayangin ang buhay or ang pera ng magulang. Kapag aral, aral dapat. Masuwerte nga yung iba may pampaaral at nagpapaaral. Ako nga, kailangan ko pang magtrabaho para matustusan ang mga pangangailangan ko.

"Why? Marami namang opportunities diyan para makapag-aral ka. Kaya kung ako sa'yo, mag-aral ka ulit. Tandaan mo, iba parin ang nakapag-tapos."

"Alam ko naman yun. Siguro hindi lang ngayon yung tamang panahon pero dadating tayo diyan. Ilang taon ka na ba?"

"23. Ikaw?"

"19"

"Bata ka pa nga pero atleast, malayo pa ang mararating mo sa buhay kaya laban lang." ngumiti na lamang ako sa kaniya.

"Taga-linis ka din ba dito?" tanong ko. Kasi hindi siya nakauniform. Nakapang-formal attire siya kaya nakapagtataka.

"Naku hindi, napaaga kasi ang dating ko dito eh saktong nakita kita pero mamaya pupunta na din ako dun para pumila.
Magpapainterview kami kay boss mamaya. Madami ngang nag-apply kaya kailangang galingan later. Kailangan niya kasi ng bagong secretary." akala ko naman tagalinis siya. Antaas pala ng posisyong inaapplyan niya.

"Ano bang pangalan nung boss dito?"

"Troy Montero. Jusko po, napakagwapong nilalang. Parang hindi tao. Hindi din kasi normal ang kagwapuhan. Yung mga mata niya, katulad nung sayo, parang nangungusap. Yung feeling na gusto niya 'kong kainin sa mga titig niya. His lips, the way na nagsasalita siya parang gusto niya 'kong lamunin. Manipis and mapula, parang ang sarap tikman. Kaya magtatry ako mamaya kasi baka sakaling makapasa bilang girlfriend." sabay kindat sakin. Halatang amaze na amaze siya dun sa lalaki ah.

"Ang OA naman ng pagkakadescribe mo."

"Kala mo lang OA pero I am telling the truth. Pero strikto daw at bossy pero wala na 'kong pakielam dun. Ang sakin lang ay matikman namin ang isa't-isa." Waw.

"Ang baboy mo ah. Kapag talaga hindi 'yan pumasa sa standards ko, pata---" napatigil at nagulat ako nang bigla akong yugyugin ni Trinity. Kababaing tao oh.

"Andy, andy! Ayun yung boss na magiging boyfriend ko." awtomatikong napatingin ako dun sa tinuro ni Trinity. And binabawi ko na yung mga sinabi ko kanina dito sa katabi ko.

Shet, our boss is freaking hot and handsome.

Nagulat naman ako nung mapatingin siya sa direksyon namin and nagkatinginan kami.

Shet hindi ako nakahinga. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Stop.

Pero bigla din niyang binawi ang tingin at dumeretso sa elevator.
At ako, naiwang nakatulala.

"Anong masasabi mo? Mali ba 'ko?" may katabi pa pala 'ko.

"Mali, mali ako." and by that, napaisip din ako. Is it really normal? I mean yung itsura nung boss namin?

"Oy Andy, akin si Troy ah, alam kong mas maganda ka sakin pero sana 'wag mo siyang agawin. Mag-aaway talaga tayo."

"Bakit? Kayo na ba? Diba hindi pa naman?" sarcastic kong sabi.
Nakita ko siyang natulala sa sinabi ko. Jusko, nagbibiro lang naman ako.

"Oy joke lang noh, tsaka hindi si Troy ang tipo ko ng mga lalaki. Masyado siyang mataas." talaga ba Andy? Talaga? Panindigan mo 'yan.

"Pinakaba mo 'ko Andy. Halika na, pipila na 'ko at baka hinahanap na 'ko ng magiging boyfriend ko hihihi." Kanina natatawa pa 'ko sa ginagawa niya. Nung makita ko yung itsura ni Troy parang ang panget ng tingnan kay Trinity. Shocks, ang bad ko na talaga.

Nagpaalam na 'ko at nagsimulang maglinis. So siya pala ang boss namin.

Well, gusto ko lang ishare na NBSB ako. Never pa 'kong nagkaboyfriend. Sa ganda kong 'to ay hanggang ngayon ay single parin ako. Well, dadating tayo diyan. Tsaka lahat may perfect timing.

Hindi naman talaga dapat madaliin ang pagboboyfriend. Kusang dadating yung tamang lalaki para sa atin. Yung iba, nagbebreak agad na magkasintahan kasi hindi pa nila oras, hindi sila ang para sa isa't isa. Ibibigay ni Lord kung ano ang para sa atin kaya wait lang.

Yung iba pa nga napagkakamalang magkasintahan kami ni Luke pero hindi. Sa ngayon, matalik na kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. Nothing more, nothing less. Pero mahal na mahal ko 'yun. Kaya kung may mahalin man siya, susuportahan ko siya. Kasi buhay niya yun and kasiyahan niya yun.

Balik tayo dito sa boss namin, mukhang mas sisipagin akong magtrabaho ah. Kaya siguro nag-apply dito si Trinity. Kahit sino namang makakita eh magagwapuhan talaga. Ang lakas ng appeal. Mag-apply din kaya ako? Joke lang, asa naman akong mapansin ako nun. Magagandang babae ang gusto nun, ibang ganda at hindi ako pasok sa standards nun.

Alam mo yun? Yung feeling na ang lapit lang niya pero ang layo niya. Ano daw? 

Magtatrabaho na nga ako. Baka maka 3 points ako kay Madam.

A/N: Thank you for reading this chapter. Mahal ko kayo.

#nandiyannasitroy
#anggandaniandy

Love Of My LifeWhere stories live. Discover now