Chapter 20 [Part 2] - Steps

Start from the beginning
                                    

"Nung namimilipit ka sa sakit, tinakot mo ko ng husto. Akala ko kung ano na ang nangyayari sayo. Madami akong na-realize.... I want to take care of you, I want to be with you....", sabi ni Luigi.

 Hinawakan nya ulit ako sa mga braso ko.

"Kanina sa practice ikaw lang ang naiisip ko Laureen, gusto ko ng matapos agad kami, gusto ko ng makauwi agad.... Makauwi sayo", seryosong sabi ni Luigi.

*dug-dug-dug-dug-dug-dug* Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, sa bawat salitang binibitiwan ni Luigi para akong unti-unting inaangat mula sa lupa, kasabay ng paglamon sa akin ng matinding kaba.

"Lu-ui-gi....", mahina at mabagal kong sabi.

Nakatingin si Luigi sa mga labi ko at mas lalong nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.

Nung malapit ng magtama ang mga labi namin ay umiwas ako at tinakpan ang mga labi ni Luigi gamit ang kamay ko.

"L-Luigi, t-teka!", mahina kong sabi sa kanya.

"*Ehem* Sorry Laureen", nahihiyang sabi ni Luigi, "I got carried away", sabi nya pa. Namumula ang mukha nya.

"Ikaw talaga....", mahina pero nangingiti kong sagot.

"Hindi ka kasi nagsasalita", sabi ni Luigi, nakangiti sya ng bahagya.

"Eh pano kasi ang lapit-lapit ng mukha mo sa akin! Hindi ko talaga kinakaya pag masyado kang malapit sa akin. Naka-cloud ang utak ko", walang preno kong sabi.

Oh sheeeeems!

Kumunot ang noo ni Luigi. Pero saglit lang yun dahil biglang may nag-form na smile sa mga labi nya.

Dahil don napalakad ako pa-atras.

"Ganon Laureen?", nakangising sabi ni Luigi, "Hindi mo kinakaya ang charms ko?", nanunukso nyang sabi.

Humakbang si Luigi palapit sa akin.

"Siraulo ka talaga Luigi, dyan ka lang!", natatawa kong sabi sa kanya.

Love Will Find A WayWhere stories live. Discover now