FATED 30

3.1K 59 0
                                    

Wala kaming ginawa kung hindi magkulong sa loob ng kwarto niya. Nakakarelax dito kaya himbing na himbing kaming natulog. Kaso lang naalimpungatan ako nang may marinig akong ingay sa baba may pusa ba sila rito?

Tinatamad namang ako bumaba para itsek iyon kaya nahiga nalang ako sa tabi ng natutulog kong boyfriend. Hinalikan ko siya sa labi ng saglit lang kasi narinig ko na naman ang ingay sa baba.

Kainis ayoko pa sanang gisingin itong mahal ko kaso no choice ako. Takot naman akong bumaba baka multo iyon o hindi kaya magnanakaw.

"Klein, baby " Tawag ko sakanya at hinimas-himas ang braso niya para magising siya. Napamulat siya ng mata at nginitian niya ako.

"Why baby? Gutom ka?" Tanong niya, umiling naman ako kaya tiningnan niya ako ng may pagtataka.

"Ano may mga ingay kasi sa baba" Sabi ko sakanya. Na-alarma naman siya kaya napatayo siya bigla. Natakot naman ako sa inasta niya kaya lumapit ako sakanya at nagtago sa likuran niya habang tinatahak namin ang daan pababa.

"Tawag na tayo ng pulis baby" Bulong ko sakanya kasi may mga kaluskos pa rin sa baba.

"Sssssh huwag kang maingay baby" Suway niya sa akin. Sinuway pa ako wala namang mali sa sinabi ko ah siguro may topak ito.

"Bahala ka nga tss" Tapos tinulak ko siya at naglakad na ako pabalik sa kwarto niya. Minsan kasi nakakainis na siya hindi ko maintindihan nag-iingat lang naman ako paano kung magnanakaw iyon? Tapos may dalang baril edi tegok siya.

"OMG kleeeeeein!" Isang talanding babae ang kumaripas ng takbo at hinalik-halikan ang baby ko. Kahit sa pisngi lang iyan hindi pa rin pwede.

Tumawa lamang si Klein sa ginawa ng babae sakanya. So ganon na gustuhan niya? tsaka bakit ba ito nandito?

"Ikaw lang, Lea?" Rinig kong tanong ni Klein sa babae.

Umiling-iling naman ang babae at niyakap na naman siya. Nanggigigil lang eh.

"No, nasa kusina sila. OMG so it's true, malaki nga ang pinagbago mo. Ang astig ng dating mo" I just rolled my eyes. Ang sarap ipamukha sa babaeng Lea na ito na nandito ako. Ako lang naman ang girlfriend Malvin Klein.

Tinalikuran ko na talaga sila at bumalik ako sa kwarto niya. Ni lock ang pinto. Hay naku hindi man lang ako pinakilala sa babaeng Lea. Kaya ba ayaw niyang magpatawag ng pulis dahil alam niyang may darating ngayon. Tapos hindi man lang nagsabi.

Nakinig nalang ako ng iba't ibang kanta sa cellphone ko hanggang sa nakatulog na ako ulit. Nagising ako nang may naramdaman akong nagkumot sa katawan ko. Sinilip ko naman iyon gamit ang isang mata ko. Hindi siya makatiis noh, buti nga.

Tatabi na sana siya sa akin nang may kumatok. Tumayo siya at lumapit sa pintuan.

"Aalis na muna ako Klein may susunduin kasi ako. Sana naman pagbalik ko gising na ang girlfriend mo" Narinig kong sabi ng babae kay baby ko.

I just rolled my eyes again and again, kainis lang.

Ipinikit ko kaagad ang mata ko nang isinara na niya ang pinto. Ngumuso na lamang ako sa isipan ko.

Tumabi siya saakin at nahiga, nakishare na rin ng kumot. Hinila niya ako palapit sakanya tapos yumakap. Yumakap na rin ako kasi namiss ko siya. Oo namiss ko siya kahit magkasama naman kami kanina.

"Galit ba ang mahal ko?" Bulong na tanong niya saakin. Hinalikan niya ang noo ko kaya hinigpitan ko ang yakap ko sakanya. Nanatiling nakapikit ang mata ko.

"Sleep muna tayo saglit" Masayang bulong ko sakanya.

Nakadilat na ang mata ko ninakawan niya kasi ako ng halik kaya napadilat ako. Ang bad niya kasi saglit na halik lang ang ginawa niya.

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Where stories live. Discover now