FATED 11

4.7K 79 11
                                    


Parang hangin lang kung dumaan ang bawat araw na mulat ako. Hindi ko alam kung gumagana pa ba ang mga parte ng katawan ko. Ang alam ko lang para akong zombie-ng hindi alam kung anong gagawin.

Papasok ako sa oras, kakain sa oras at uuwi sa tamang oras. Hindi ko alam kung may nakakapansin ba sa mga kinikilos ko pero malakas ang kutob kong nawiwirduhan na saakin ang Mommy ko.

Para akong na-aaral sa bagong eskuwelahan na walang kaibigan at hindi pamilyar sa mga paligid at isa lang ang alam iyon ay ang daang pauwi.

Kung dati ang ingay ingay ko ngayon naman para akong nakamute at hindi makausap. Laging lumilipad ang isip ko, nagbago ako simula noong gabing may nasabi ako.

Nakakahiya!

Ano bang nangyayari saakin? Bakit ba ako nagkakaganito? Gusto kong bumalik sa dati. Gusto kong ibalik ang Kaye na matrip at masayahin.

"Anong bang nangyayari sayo?" Kadalasan nilang tanong. Tanging tingin lamang ang kaya kong isagot sakanila. Wala akong lakas, kung bakit ay hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko!

Tama nga na ang lahat ng maling desisyon ay hindi mo magugustuhan. Lahat ng nagawa mo hindi mo na kayang balikan at gawin nanh mas maganda ang maling desisyon. Hindi mo kayang gawing tama.

May tama sa maling desisyon at may mali sa tamang desisyon na ginawa ko. Ano bang pag-iisip ang meron ako at simpleng nagay ay hindi ko masagot? Parating blangko ang utak ko, walang pumapasok kundi hangin.

Kaye! Ano bang mali sayo? tama naman ang desisyon mo ah, pero bakit ka ganito? bakit para kang napag-iwana. Para kang nasaktan, para kang nawalan ng buhay!

Parang bumigat ang ulo ko dahil sa pag-iisip sa kung anong maling nangyayari saakin. Maibabalik ko pa ba ang dating ako? Sa tingin ko hindi na at naiinis ako kung bakit wala akong mahanap na kasagutan sa nangyayari saakin.

Saka ko lang narealize noong dumaan ako sa gilid ng mall.

"Mahal mo siya" Sigaw ng isang matandang babae saakin.

Luminga-linga ako upang hanapin kung sino ang kinakausap niya pero bigo ako dahil ako lang ang saktong napadaan sa pwesto niya.
Kagaguhan 'yan lang ang mabilis kong bulong sa sarili ko kagaguhan dahil hindi pa ako nakaramdam ng sinasabi niya.

Mahal? Salitang hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang mahal? Madali lang ba ito? masarap ba ito sa pakiramdam?

Tsaka ko lang naintindihan ang salitang pagmamahal nang natuklasan kong nagmamahal na pala ako. Nagmamahal na pala ang puso ko, ito na pala ang tibok ng pagmamahal. Ganito pala ang tibok nito, masakit, mariin.

Ang pagmamahal ay may dalawang sangkap kasiyahan at kalungkutan. Alin sa dalawa ang gusto mong maramdaman? alam kong pipiliin niyo ang kasiyahan. Sino ba naman ang pipili ng kalungkutan.

Sabi nga nila masakit sa ngayon pero pagdating ng pagkakataon na pwede na tsaka mo pa lang maramdaman ang sarap ng pagmamahalan. Iyong walang hadlang, iyong alam mong pareho kayo ng nararamdaman.

"ATE KAYEEE!" ISANG pamilyar na boses ang tumawag saakin. Nagising naman ang diwa ko at bumalik sa ulirat.

Marahan ko siyang nginitian tsaka ako tumunganga. Ewan ko ba, pakiramdam ko naging sangkap na ito ng araw ko. Parang walang lasa ng araw ko kung walang Kaye na nakatunganga at malayo ang tingin.

Napapitlag ako nang mabilis niya akong niyakap. Mahigpit na mahigpit,hindi ko siya kayang yakapin pabalik dahil hindi ko alam kung anong nangyayari saakin gayong nakikita ko na ngayon ang dahilan ng lahat na ito.

Nakikita ko na ngayon ang taong nagparamdam saakin ng samut-saring emosyon!

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa oras na magkatitigan kami hindi ko masasabing hindi ako iiyak dahil iiyak talaga ako kapag magkasalubong ang paningin namin. Ilang araw rin ang lumipas, iniiwasan ko siya at sa tingin ko ganon din siya saakin.

Kung anong pinapakita ko ganoon din ang sinusukli niya. Hinahayaam niya ako, sa tingin ko ako lang ang nakakaramdam ng ganito. Wala lang para sakanya, normal lang. Dahil ako naman talaga ang abnormal, puso ko ang abnormal!

What's wrong with me? ano bang kahibangan ito? Kung pwede lang bumalik sa nakaraan ginawa ko na at hindi nalang nag-enrol sa unibersidad na ito.

Dahil ang lahat ay nagsimula sa eskuwelahan na ito. Sa klase kung saan siya ang nagbibigay ng kaalaman. Higit pa sa kaalaman. Higit pa sa mga leksyon na pwede kong matutunan.

"Kahit hindi mo sabihin alam kong may problema ka, pwede mo namang ipagkatiwala saakin. Kahit ano pa 'yan makikinig ako" biglang sabi ni Loraine. Hindi ko alam pero bigla na lang ako humagulgol ng iyak.

Unang pagkakataong umiyak ako sa ibang dahilan. Bagong dahilan!

"It's okay ate, ilabas mo lang. I can be your tissue when you need it. I can wipe those tears" Sus marunong na siyang magsalita ng ganito.

Parang kailan lang ako ang nag-aalo sakanya. Ngayon naman siya na ang nagpapakalma saakin.

"Ay sus nainlab ka lang kay France naging ganito kana" Umiiyak kong bulong. Humagikhik lang siya.

"Sus nauubusan na ako ng pasensya sa baklang 'yun. Ang tagal magtransform, naiinip na ako. Gusto ko ng maging sweet siya" Naiinis niyang sabi.

Natawa ako sa naririnig sakanya. Ganito ba talaga ang pagmamahal? bakit parang one sided love? bakit hindi pwede mutual feelings!

"Buti hindi ka sumuko kaagad" Sabi ko naman.

"Kasi ate kung kayang pang habulin. Hahabulin tulad nga ng sinabi mo" mabilis niya sabi

Lumunok ako ng sunod sunod at umubo. Ipinikit ang mata. Tutal gagraduate na ako sa susunod na araw at promise kong hindi ako dito magkokolehiyo dahil sa kahibangang to. Baka saan pa ito mapunta at magawa pa ako ng kasalanan!

"I think I'm inlove" Nauutal kong sabi sakanya. Namilog ang mata niya at nagpaulan ng sunod sunod na tanong.

"and it's forbidden. Nagmahal ako sa maling tao, mali dahil mali talaga. Basta ang alam ko pinapatibok niya ng marahan ang puso ko" Kumunot ang noo niya.

Hinayaan kong maproseso ni Loraine ang sinabi ko. Nakakatakot pa lang ang umibig. Marami kang pwede maranasan, hetong nararamdaman ko ngayon simula pa lang ito. Hindi pa ako nakakahalati, wala pa ito sa nararamdaman ni Loraine.

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Where stories live. Discover now