FATED 3

10.9K 133 24
  • Dedicated to francine_015
                                    

DEDICATED TO: fictionstorywriter

------------------------------------------

Lumabas ako kaagad nang magring ang bell. Hindi ko na sila hinintay at mas lalong hindi ko na hinitay ang hudyat na nire-release na kami ni Sir!

Sobrang todo-todong pahiya ito. wala na yata ako mukhang maipapakita sakanila! Ayoko na tuloy pumasok ng klase niya. Eh kung magpa-swap ako ng ibang student pwede rin naman iyon.

Mas maaga mas madali. Dapat ipaalam ko na kaagad na gusto kong lumipat sa ibang klase.

Pumasok ulit ako at kinuha ang bag. Tingnan niyo sa sobrang taranta pati bag ko nakalimutan ko ng dalhin. Tsk tsk tsk lakad-takbo ginawa ko. Makalayas lang sa lugar na 'yon!

"Sister saglit lang!" Sigaw ni France.

Hmm bahala kana riyan. Letche kang bakla ka. Isa ka pa eh!

Dumiretso ako ng canteen at naupo sa usual spot namin.

"Sister naman!" Pambungad niya saakin. Kasama niya rin pala si Mei at Shaya.

Inirapan ko sila.

"Ano? Uupo kayo o uupo?!" Masungit kong tnong ko sakanila. Tinawanan lang nila ako .

"Anong choice namin, eh iisa lang naman ang gusto mong gawin namin!" Umiiling na sabi ni Mei.

"Ako na ang o-order!" Sabi ni Shaya. If I know nasa pilahan na naman ang Long time crush niya.

"Kumekerengkeng na naman!" Pabulong ni France.

"Yaan mo na" sabi naman ni Mei.

Nakakainis naman itong si Lester. Mukha ayaw akong siputin. May utang siya saakin for fate sake.

Me:
Ano? Hindi mo ako sisiputin, naku subukan mo lang lester.

Message sent.

Nagbabangayan parin 'tong dalawa pero wala akong maintindihan. Kaya bahala na sila. Tinitext ko si Lester!

Lester:
Papunta na nga. Matitiis ba kitang hindi siputin?

Lester:
At your back

Lumingon naman ako pero sana hindi nalang.

Ayan. Sinusundan yata ako ng Teacher namin. Char .Hahaha

Sakto kasing paglingon ko si Sir kaagad ang nakita ko. He's busy talking with someone.

Sino kaya ang kasama niya?

"Sino 'yang kasama ni Sir?!" pabulong na tanong ko kay France.

Sinundan naman nila ang nguso ko at namilog ang mga mata.

"Hindi ba siya 'yung babaeng Prof sa college PE 1? " Tanong ni Mei .

Aba malay ko hindi ko nga siya kilala.

"Sino ba siya?!" tanong ko curious lang ako.

"Ayon sa gravity lol Haha. Siya si ewan. Aba ewan ko kung sino siya Hmm!" Mataray na sabi ni France.

" Knock-knock!" Biglang sulpot ni Lester.

Tinarayan ko lang siya. Isssh nakakaasar siya!

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Where stories live. Discover now