FATED 14

3.7K 77 11
                                    


Naiinis ako kahit nakikita kong lahat sila ay nakangiti sa hindi ko malamang dahilan. Naiinis din ako kasi panay ang pagpisil ko sa mukha ko para matigil ang pamumula nito. naiinis ako dahil hindi ko malaman kung bakit ako namumula. Nakakainis kasi namumula ang pisngi ko at wala akong makapa na kasagutan kung bakit.

Wait? dahil ba ito sa interaksyon namin ni Sir? Walang hiya Kaye! Tumigil ka nga!

Isang upuan lang ang pagitan namin at nasa gitna namin ang Hindi ko kilalang babae tulad ng katabi nito magkapareho sila ng hugis ng ilong ng mata at ng kilay.

Mabilis akong umiwas ng tingin dahil sa kahihiyan sa babaeng pumagitna sa amin. Ngumuso siya at tiningnan ako tsaka nilingon ang katabi nito.

May binulong ang lalaking nasa tabi niya. Mabilis siyang lumingon saakin, hindi ko talaga siya kilala. Hindi ko makilala ang hugis ng mukha niya sa pamilya ng mga kaibigan ko bago lang siya sa paningin ko at nalilito na ako kung bakit halos kamukha nito ang katabing nakaupo sa dulo.

"Hi ate Kaye para sayo po" At may inabot siyang isang paper bag. Ngumiti ako at hinayaan ang paper bag na nasa ere habang hawak niya.

Tiningnan ko lang siya at mukhang nakuha niya ang mga tinging iyon. Mabilisan niyang inayos ang sarili at pormal na humarap saakin. Mas lalo lang ako nalito dahil mag kamukhang magkamukha talaga sila ng katabi niya sa dulo. Sinulyapan ko ang lalaking nasa dulo at ngumuso ng bahagyan. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa babaeng kaharap ko tsaka lang nasagot lahat ng katanungan ko nang magsalita ang babae.

"I'm Mica Klyne Aquino. brother ko siya" Tsaka siya ngumuso sa kabilang bahagi niya. Napalaki ang mata ko, literal na malaki dahil shucks kapatid niya ang kaharap ko.

"Kuya ayaw niya yata ng gift ko, ayaw niyang tanggapin" Sabi niya at nilapag sa mesa ang kaninang nasa ere na paper bag. Kaagad ko iyon kinuha at itinabi saakin.

Napalingon naman saakin si Mica sa ginawa ko bago siya ngumiti ng napakaganda.

"Ang ganda ganda mo ate" Bigla niya sinabi at sinuri ang bawat anggulo ng mukha ko. Pakiramdam ko namumula na naman ang dalawang pisngi ko sa ginawa niya.

Kinapa-kapa ko ang bawat parte ng mukha ko. Lalong-lalo na ang pisngi ko dahil dito sila nakatingin. As in silang dalawa.

"ma-may dumi ba ako sa m-mukha?" Halos hindi ko na mabuo buo ang bawat salitang binitawan ko habang hawak pa rin ang magkabilang pisngi.

Sabay silang umiling

"Ang ganda mo kaya ate mas lalo na kapag namumula ka" Panunuya niya sa akin.

Iba ang anong ko iba rin ang sagot niya. Nginusuan ko nalang siya at tumingin sa paligid. nagsi-uwian na ang iba at iilan nalang ang naiiwan. Ang iba naman ay paalis palang.

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng kwartong puno ng palamuti. Napangiti ako ng palihim at sinamsam ang masayang araw na ito. Lahat ng table na kulay asul ay nagsisilbing palamuti na lamang dahil wala ng nakaupo bukod sa table namin. Hinanap ng mata ko ang mga kaibigan ko ngunit hindi ko sila mahagilap.

Isang tikhim ang nagpabalik sa ulirat ko. Isang tikhim na sobrang manly. isang tikhim na nakakapanindig balahibo ko. Iang tikhim at kaagad kong nilingon ang lumikha nito.

Hindi ko mapigilang punain ang kasuotan niya ngayon. Sobrang ganda ng gwapo niyang mukha, idagdag pa ang nakakaakit niyang kasuotan. Wearing his long sleeve red and black pants make him so much hotter than ever.

He's so hot kahit hindi kita ang buong katawan niya. Tinaasan niya ako ng kilay na mas lalong nagpapadagdag ng ka-hot-an niya ngayon. Pinagtaasan ko rin siya ng kilay para pantay. Bumalik ang presensya ko kay Mica nang sinimulan niyang haplusin ang kuko ko. Oo kuko ko dahil siguro'y naakit siya sa ganda ng kulay nito.

"Ang ganda ate gusto ko ring magpalagay ng ganyan" Umirap lang ang kuya niya sa pagpupuna ni Mica sa nail polish ko.

"Sige b-ba kapag may time ako at dapat magkapareho tayo ng kulay" ngiti kong sabi. Tumango naman siya. Mukhang excited sa plani namin.

"Yaaay I'm so excited" Tuwa niyang sigaw. Napalingon ako sa katabi niyang upuan nang mariin siyang sinuway ang kapatid. Napanguso na lang siya at inayos ang sarili.

Pagkarating sa bahay kaagad kong kinuha ang lahat ng regalong bigay ng mga bisita namin. Akala ko pa naman simpleng kainan lang 'yung tipong kami lang tatlo pero napaisip din ako na baka hindi ako ganito kasaya kapag kaming tatlo lang. Mabuti nalang naisipan ni mommy na mag imbita.

Tsaka natutuwa ako sa mga kaibigan ko na nagpunta parin kahit may sari-sarili silang handa sa kanila. Nakonsensya tuloy ako kasi inimbitahan nila ako pero tinanggihan ko tapos nang inimbitahan sila ni mommy hindi na sila nag dalawang isip kundi pumunta. Kung hindi ko lang talaga sila mga kaibigan baka isipin kong pagkain lang ang habol nila. w
Waaaah ang sama ko huhuhu

Inakyat ko sa kwarto ko ang dala dala kong boxes and paper bags. Pagkatapos ay pumasok ako ng banyo at nagshower.

Pagod man ako ngayon at least sumaya ako at nagsasaya ng paunti-unti ang durog kong puso. Posible pala 'yun no? Akala ko hindi na ako sasaya ulit pero nagkamali ako dahil sa isang ngiti niya lang sumisigaw na sa sobrang tuwa ang puso ko.

Mali man ang magmahal sa hindi mo kalevel. Hindi mo maiiwasang isipin na tama dahil nagmahal ka lang at sumasaya ng marahan ang puso mo. Mali man sa mata ng iba ay wala na akong pakealam dahil alam kong nagmamahal lang ako at higit sa lahat alam kong tama lang dahil minahal ko ang isang tulad niya. Taas noo na lamang ako at hindi nalang intindihin ang maaaring sabihin ng iba. Hindi niya man ako mahal ayos lang hindi ko naman hinihiling na mahalin niya ako pabalik. Pero sana oo

Hindi tugma ang takbo ng isip at puso ko at hinddi ko alam kung kailan ko gagawing balanse ang takbo nito. Pulang-pula ang mukha ko ngayong nakaharap ako sa salamin. Ewan ko ba pansin ko na lang nitong araw lagi nalang akong nagmumukhang kamatis.

Napabangon ako kahit na nakapikit pa rin ang dalawang mata ko dahil sa sunod sunod na pagkatok. Sino ba naman hindi magigising? Agad kong tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang kanina pang kumakatok.

"Hindi ka pa bihis?" Sabay nilang tanong. Napadilat tuloy ako ng wala sa oras at isa isa ko tiningnan ang mukha ng mga kaibigan ko na bihis na bihis na pang beach attire. Tsaka ko lang naalala na mag a-outing nga pala kami ngayon.

Hindi pa ba ako bihis? eh kakagising ko lang, hindi ako magigising kung hindi dahil sa mga katok nilang parang gigiba ng bahay!

"Ang aga niyo naman" Tsaka ko sila pinagsarhan ng pinto. Nakakahiya Kaye

Hindi pa ako nakakalayo sa pintuan nang may kumatok na naman ng maraming beses.

"WHA--" sisigawan ko sana ang kumatok ng maraming beses ngunit natigilan ako dahil hindi na mga kaibigan ko ang nambwisit saakin. Kundi itong kahugis ng mukha niya gosssh nakikita ko siya rito.

"Hi ate sasama kami ni kuya" Masigla niyang sabi.

Sasama sila? As in S-I-L-A ? kasama siya? as in S-I-Y-A ? Waaaaaaah

Bumaba na ako pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng dadalhin. Naabutan ko silang nag-iingay sa sala at may pinagkaguluhan na ewan. Tumikhim ako kaya lumingon sila at ngumiti saakin.

"Kuya ang tagal mo" Suway ni Mica sa kakarating lang niyang kuya.

He's god damn handsome and hot. Our eyes met and there's something that shines on his two eye balls! Naintindihan ko na kung bakit tuliro ang puso ko pagdating sakanya. Halos mahilo na ang lumilipad sa aking tiyan sa sobrang lalim ng titig niya. Abot tenga ang ngiti niya na mas lalong nagpatuliro sa puso kong tulirong-tuliro na.

Nakakamatay pala ang ganoong titig. Ganong ngiti! Kaya pala. Kaya pala ganito nalang kabilis ang pagtibok ng puso ko kapag siya ang kaharap. Para akong hinuhukay ng mga mata niya! Mapanuri at punong-puno ng emosyon!

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Where stories live. Discover now