Chapter 2 : The Old Woman

En başından başla
                                    

"Ang sakit! " ang paulit-ulit niyang daing.

Wala naman akong magawa kundi tingnan lang siya. Sobrang nahahabag ako sa kanyang sitwasyon.

Bakit ayaw niyang bumalik sa ospital?? Mas makakabuti iyon para sa kanyang atensyong medikal.

"Dalhin na kaya kita sa ospit----"

"No! Yan ang isang bagay na wag na wag mong gagawin! Kahit mamatay ako. " sumbat niya sa akin.

Natahimik ako dahil sa galit niya. Ipinikit niya ulit ang kanyang mga mata habang nakahawak sa kanyang ulo.

Ewan ko ba! Kung tutuusin, pwede naman na akong umuwi at iwan siya pero---The other side of me ay gustong malaman ang lahat tungkol sa kanya. She's sick pero sobrang napakamisteryosa niya.

Bakit kaya siya hinahanap ng mga pulis?? At bakit ayaw niyang bumalik ng ospital??

Sa isang pasyenteng kagaya niya at may malubhang kalagayan ay mas makakabuti kong mananatili na lang siya sa loob ng ospital. At kung may kaso siya ayon sa aking iniisip ay bibigyan din siya ng wastong treatment ayon sa kanyang sakit.

Pero bakit ayaw niya??

Tumigil ang bus sa stop over nito upang kumain at mag cr ang ilan. Nagsipagbabaan naman ang iba.

"Cristine, iihi ka ba?? Kakain ka?? " sabi ko pa pero deep inside ang lakas ng kaba ko.

Tumango lang siya at dahan dahang tumayo. Buti na lang at nakababa na ang ilan kaya hindi na pahirapan pang bumaba. Nakaalalay ako sa kanya hanggang sa pagbaba baka kasi mamaya mag collapse na lang siya. Kahit mabagal ang kanyang lakad ay inalalayan ko pa din siya hanggang sa labas ng cr ng babae.

Kumuha ako ng isang stick ng yosi at agad na nagsindi. Mabilis ang aking paghithit sa sigarilyo para kahit paano ay makaramdam ako ng init sa aking katawan.

"Iho! Iho! " tawag sa akin ng matanda.

Lumingon pa nga ako sa likuran ko pero wala akong makitang iba kundi ako lang. Lumapit ako sa kanya at doon ko napagmasdang maigi ang mukha ng matandang babae.

"Ikaw yung kasama ng babae diba?? " tumango ako na nakatingin sa kanya. "Mukhang malubha ang kanyang kalagayan. Sa tantiya ko, konting panahon na lang ang natitirang araw niya. "

"Ho?? " gulat kong sabi.

"Marahil ikaw ay nobyo niya? "

"H-hin----"

"Ang swerte naman niya. Sa kabila ng kanyang kondisyon ay nariyan ka para damayan siya. " Napakunot ang aking noo dahil sa tinuran ni Lola. Akala niya ata ay kasintahan ako ni Cristine. "Mahirap mawalan ng minamahal Iho. Hanggat maaari wag na wag kang mag-aaksaya ng oras habang nabubuhay pa siya. Pasayahin mo siya sa abot ng iyong makakaya. Iparamdam mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Gawing mong makulay ang huling mga araw niya. "

"Lola kasi--" Hays. Paano ko ba ipapaliwanag kay Lola.

"Saka mo lang marerealize ang lahat kapag huli na. Saka mo lang masisisi ang sarili mo kung saan ka nagkulang! Kung naging sapat ba lahat. "

Hindi ko lang masabi kung may pinagdadaanan ba si Lola dahil sa mga sinasabi niya.

"Walang kapantay na makita ang ngiti ng taong iniirog mo. Parang sinag ng araw kung kuminang. " matalinhaga niyang sabi. Napakunot na lamang ako ng aking noo.

"Lola hindi ko po kayo maintindihan. " saad ko.

"Sa tamang panahon, maiintindihan mo din ang lahat Iho. Marahil sa ngayon, ikaw ay naguguluhan. Subukan mong tumingin sa hinaharap at makikita mo ang kasagutang hinahanap mo. "

Tinitigan ako ni Lola na para bang may nais siyang ipahiwatig. Ewan. Hindi ko siya maintindihan dahil unang una hindi ko naman kasintahan ang babaeng tinutukoy niya.

"H-hector! " mahinang tawag sa akin ni Cristine. Agad akong lumingon at nabigla ng makita ko siyang nakahawak sa pader.

"Cristine! " tawag ko at mabilis na lumapit sa kanya. Sobrang lakas ng aking kaba. Mabilis akong umalalay sa kanya. "Okay ka lang ba?? "

"Namamanhid ang kamay ko. " daing niya at dahan dahang humakbang. "Sino ba yang kausap mo. " dagdag pa niya.

"Ah.. Si---" lumingon ako kung saan ko iniwan si Lola pero wala na siya dun. Bilis niyang maglaho. "Wala. " saad ko na lang.

Inalalayan ko siyang makapasok sa loob ng canteen para kumain. Marahil kung sino sa amin ang makakita ay aakalain talagang mag syota kami. Sa bagay, maganda naman siya at marahil iisa ang kanilang iisipin.

Ako na ang nag order ng pagkain para sa aming dalawa. Nagugutom na din ako. Habang nakapila ako ay panay sulyap ko sa kanya.

To be honest, ngayon lang ako naging ganito. Ngayon lang ako naging concern sa isang tao lalo na sa isang babae.

Isa akong istriktong boss ng kumpanya. Halos lahat ng empleyado ay napapagalitan at nasisigawan ko lalo na kapag may kailangang tapusin at kailangan ng benta. Tapos ngayon bigla na lang nag iba ang takbo ng mundo ko.

Sign ba ito para magpakabuti na ako??

Hays. Kung alam lang niya kung anong sinakripisyo ko para lang tulungan siya. Saka ko na ipapaliwanag sa lahat kung bat ako nandito. Ang dami kong iniwang trabaho just to help her. Kailangan niya ako.

"Kumain ka na. Kagabi pang walang laman ang tiyan mo. " sabi ko saka iniabot ang pagkain. Umorder ako ng gulay saka isang basong gatas.

Tiningnan niya ako ng masama matapos mahain ang pagkain.

"Kailangan mo yan para lumakas ka. "

"Alam mo, hindi ako kumakain ng gulay. Pasensya na. " tugon niya sa akin na siyang kinakunot ng aking noo.

"Paano ka lalakas niyan? Paano ka gagaling kung hindi mo kakainin iyan---- " napatitig ako sa kanya na parang naubusan ako ng aking sasabihin.

"Ayukong gumaling. Sapat na sa akin na makita ko ang lugar na iyon bago ako mawala. Pasensya ka na. "

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong gusto mo ng mawala ka? Ang sarap kayang mabuhay. " sabi ko pa. Mas lalong lumugkot ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko.

"Your not in my shoes. Hindi mo alam kong anong nararamdaman ko. " emosyonal niyang sabi. And I felt guilty dahil sa sinabi ko. "Anytime, pwede mo na akong iwan. "

Mabigat niyang hinawakan ang baso na may lamang gatas at marahang ininom. Tikom ang aking bibig na nakatingin sa kanya.

"I'm sorry. " sabi ko.

Hindi niya ako pinansin at tahimik na kinain ang pagkain. Tahimik sa loob ng canteen at tanging boses lang ng reporter sa television ang naririnig.

"Magandang gabi. Patuloy pa ring pinaghahanap ang anak ng politician matapos itong tumakas------ "

Mabilis akong hinila ni Cristine.

"Tara na. " sambit niya. Hindi ko na maintindihan kung ano ang sinasabi ng reporter sa television. Hindi ko rin nakita ang mukha ng hinahanap nila dahil hinila ako ni Cristine palabas.

"What's wrong? "

"Aalis na yung bus. " saad niya at marahang umakyat ng hagdan.

Weird. May tinatago ba siya?? Hindi angkop ang kanyang galaw sa kanyang sinasabi. Hays.

Umakyat na din ako upang sundan siya. Sa aking paglalakad sa loob ay inikot ko ang aking mata. Isang taong gusto ko ulit makita. Gusto kong makita si Lola. Pero---Wala akong nakita sa loob na matandang babae.

Nakapagtataka lang dahil wala siya sa loob ng bus. Kumpleto na ang mga nakaupo pero wala siya.

Weird! Naguguluhan na ako! Nasaan si Lola?? At paano niya nalaman yung tungkol kay Cristine??

His MillionaireHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin