pag-asa ka sa aking puso

3 0 0
                                    

Sa bawat tagpo na dumarating
Maliligayang sandali sa atin
Patuloy na pinagsasaluhan
Ala-alang kapwa hindi malilimutan

Hanggang sa aking mga pananaginip
Tunay ikaw ang aking kapiling
At madalas kang laman ng aking isip
Sa bawat gabi at araw na dumarating

Ikaw ang nagbibigay pag-asa
Sa puso kong umaasa sa dalisay na pag-ibig
Kaya patuloy na aasa sayo
Kahit di mo man ako gusto

Damdamin sayo lamang itinatalaga
Puso ay sayo inilalaan
Ako'y palaging makakaagapay mo
At lagi handang magpahalaga sayo

MGA TULA KO PARA KAY CHRISCHELLE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon