kung gabi sa aking paghimlay

2 0 0
                                    

Sa paglalim nga ng gabi
Sa mga huling sandali
Bago tuluyang makaidlip
Ay ikay sumasagi sa isip

Sa aking pananagip ay kasama ka
At doon ay kapwa tayoy masaya
Mga alinlangan ay di alintana
Nasasabik makapiling ang isat isa

At sa mga oras ng pagpapahinga
Ng aking katawang nagpagal nga
Napapawi ang taglay kong pagod pa
Kung ikaw ay aking nakakasama

MGA TULA KO PARA KAY CHRISCHELLE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon