Aking Igagalang ka !!!(pangako #1)

20 0 0
                                    

Bilang pagpapahalaga ko sa iyo
Kaya aking ipinapangako sayo
Na ikaw ay lubos na igagalang ko
At bibigyan ng mataas na respeto
Na mula sa mga paniniwala mo
Pati narin sa mga opinyon mo
Moralidad moy pangangalagaan ko
Lalo na ang damdamin mo
Karapatan mo ay isasalang alang ko
At ang mga desisyon na naisip mo
Iingatan ko ang iyong puso
Lahat mga ito ay aking paninindigan sayo
Pagkat ikaw ay sinisinta ko
Natatanging babae sa buhay ko

MGA TULA KO PARA KAY CHRISCHELLE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon