ang puso ko ay napangiti mo

4 0 0
                                    

Minsan na akong nasaktan
At minsan pa'y nangulila
Pagkat ako ay sadyang umasa
Ngunit wala palang pagasa

Di naman sinasadya sinta
At di ko rin ito inaasahan
Sinubukan namang pigilan
Na ikaw ay aking magustuhan

Ngayong ito ay nababatid mo
Ay nais kong ipaalam sayo
Na ikaw munti kong giliw
Ay nakapagpapasaya sa akin

Sa akin ikaw ang nagpaunawa
At syang nagpahalaga pa nga
Kaya salamat sayo aking sinta
At ang puso ko sayo ay napangiti

MGA TULA KO PARA KAY CHRISCHELLE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon