Salamat at naranasan

6 1 0
                                    

Mga maliligayang sandali natin
Na gustong -gusto kong gunitain
Noong ikaw ay malapit pa sakin
Sanay maibalik ulit natin

Pangungulila ay dinadaan sa tula
Sa mga panahong di ka nakikita
At sa isip ay laging sumasagi ka
At sa aking panaginip ay kapilng ka

Sa AMA akoy nagpapasalamat sinta
Sapagkat ikaw ay nakasama pa
Naging maligaya ang aking puso nga
Naway muling maranasan ko pa

Kaya ako sayo ay nakikiusap
Na ako ay iyong mapatawad na
At samahan ay manumbalik pa
Sa bawat araw na satin ay lilipas nga

3-46

MGA TULA KO PARA KAY CHRISCHELLE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon