Natawa lang ito

"Bukal sa loob ko iyon ,sige na mauuna na ko hanggang sa muli" matamis na ngiti ang binigay nito bago lumisan este umalis shet nakakahawa yung pagkamakata niya

Nakakahiya naman kung hindi siya magbabayad

"Lucas!"sigaw niya rito

Napalingon ito

"Bakit Binibini...?"

"Yayain san kitang mag tanghalian mamaya sana makapunta ka ...bayad ko yun sa pagsama mo sakin!"

"Lubos akong nagagalak binibini ,maraming salamat darating ako mamaya pangako" at saka ito kumaway paalis

Ang sarap pakingan sa Binata ang pagtawag sa kaniya nito ng Binibini

Ang lakas maka lumang panahon

                ...................................

Nakabasta na ang lahat ng makakain nagluto siya ng Kaldereta...naalala niya kasi si King , Kare Kare at Chapsuy

May kumatok sa pintuan niya at agad naman niyang pinagbuksan iyon

"Bihis na bihis tayo Lucas ah"pangaasar niya dito"halika pasok"

Para kasi itong mag mo-mall

Napakamot pa ito ng ulo

"Malakas kang mangbuska binibini"

"Hahah sorry halika na kumain na tayo"

Napasarap ang kuwentuhan namin habang kumakain

"Masarap kayong magluto Binibini hindi lang maganda may talento rin sa pagluluto "

"Alam ko yan hindi ko i di-deny" at nagtawanan lamang kami

"Ilang taon ka na nga pala...?"kuryoso kong tanong

"Labing pito binibini"

"Batang bata ka pa nagaaral ka pa dapat" ngunit kahit bata ay maganda na rin ang pangangatawan nito

"Hindi kasi kaya ni Tatay naubos ang pera niya para sa pagpapagamot kay nanay ngunit iniwan din naman niya kami"bakas ang sobrang lungkot nito sa mukha

"Sorry"

"Ayos lang iyon binibini sa totoo ng naaalala ko ang Nanay ko saiyo masarap din siyang magluto"

Ayos may instant junakis

"Talaga...?nakakatuwa naman"

"Siyang tunay Binibini "bumakas ang lungkot sa mukha nito at pangungulila"maari bang makahingi ng yakap binibini...?"

Agad na lumambot ang mukha niya dito at tumango mukhang nahihiya pa ito kaya siya mismo ang yumakap dito

May impit hikbi na nanggagaling dito ...

"Alam mo ang alam ko ang pakiramdam mo ...wala narin akong magulang kahit isa pero itinaguyod ko ang sarili ko at nagaral ako at tiwala ako na maabot mo rin ang mga pangarap mo"

"Kaya ako nagsisikap binibini ,panghahawakan ko ng sinabi mo"pursigidong turan nito

Natapos na ng tanghalian nila at pinabaunan niya ito hindi ito tumanggi dahil mukhang sarap na sarap talaga ito sa luto niya

Kaya pala ganon makatingin sa kaniya ang binata sapagkat nangungulila ito sa ina

"Salamat muli binibini "

"Naku walang anuman Ginoo" nagtawanan pa sila dahil dito at nagpaalam na ito sa kaniya at umalis

Ang sarap sa pakiramdam na mag bagong nakikilala

My Past Obsession (COMPLETED)Where stories live. Discover now