Chapter 4

14K 326 12
                                    


Ashley POV

Nang matapos kong makausap si Tita ay dali dali na kong gumayak at magpalit manlang ng damit bago umalis sa ospital kung saan ako namalagi ng saglit mag gagabi na pala nakalimutan kong i text si Rome kung nasan ako ng buksan ko ang phone ko ay may 15 messeges na pala si Rome at 5 missed calls babasahin ko na sana kaso nahagip ng mata ko yung unknown caller kanina medyo kinabahan ako parang may hindi magandang mangyayari.at binasa ko na nga ang mga messeges ni Rome

Hey Ash nasan ka bat wala ka sa ospital...?

Nasan ka...?

San ka pupuntahan kita ...?

Napakarami di ko na pinagkaabalahang basahin at tinawagan ko nalang siya.isang ring lang ay sumagot agad siya

Babati pa lang ako ng

"Ashley my god asan ka...?kanina pa kita hinahanap este namin hinahanap tinetext kita tinatawagan dibka manlang sumasagot inumaga na ko aba "sunod sunod na sermon niya

"Sorry Rome di ko sinasadya nahimatay kasi ako habang ka meeting ko yung friend mo at dinala ako sa ospital,di ba manlang niya sinabi sayo...?"ok may mapapasahan tayo ng sisi ,joke

"Yung asshole na yun talaga, sige pinapatawad na kita kahit pinagod mo ko magdamag "may pangongonsensiya pang sabi nito

"Luh huy wala namang ganyanan di ko naman alam na hihimatayin ako eh sorry na ,nga pala pasundo ako dito sa Infinitea sa kanto lang "pakiusap ko pa ,diba kapal mukha

Narinig ko pa siyang bumuntong hininga

"Sige sige papunta na ko dyan hintayin mo nalang ako"pagpayag niya

"Sige bye "hindi ko na siya hinintay sumagot at pinatay na ang tawag

Naku kamusta na kaya si Lola Romelits este Romelita naku ma mi miss ko siya pati si Manang Sheng kapag inalagaan ko na yung judas na yun damay na rin si Rome syempre

Nagikot ikot muna ako at nakita ko yung paborito kong chocolate kaso may mas pinaglalaanan ako kaya deadma muna sasakit lang ngipin ko diyan eh

Mamaya lang nakita kong pumasok si Rome at dumiretso sakin,nagulat ako ng yakapin niya ko

"Ok ka na ba...?sorry sinermonan pa kita eh kakagaling mo lang sa Ospital...."

Kinurot ko yung tagiliran niya ,humalakhak ang loko

"Ikaw ha Rome tigil tigilan mo ko diyan sa payakap yakap mo at baka ikaw naman ang ma ospital"saway ko

"Di talaga ako makalusot sayo ,oh siya siya tara na at naghihintay si Lola Romelits sayo actually kagabi pa"

"Wag mo na nga akong konsensiyahin sakalin kita jan eh"usal ko

Tumawa nanaman siya ,buti hindi siya pinagkakamalang baliw ng mga tao sa gilid,may itsura naman kasi si Rome gwapo ika nga, 'lamang ng sampong ligo si ano' dinidimonyo nanaman siya ng isip niya sumagot yung isa pang dimonyo sa kabila 'alalahanin mo kung pano ka niya sinaktan at iniwan deadma sa sampong ligo ' teka bakit puro dimonyo wala manlang angel grabe naman,nabalik ako sa katotohanan ng may pumitik sa noo ko

"Aray "asik ko sabay hilot sa noo

"Kinakausap kita ng maayos dito tapos bumubulong ka nalang bigla diyan ng dimonyo,gwapo ko namang ganon" sabi pa nito

Napalakas yung sabi ko shit

Napahalakhak nalang siya at gumanti ng pitik sa noo

"Hindi naman ikaw yung sinasabihan kong dimonyo guilty agad"sabay halakhak muli niya napailing nalan ito

My Past Obsession (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum