In a certain part of the campus, elves were decorating and preparing for Duke's party, and so were the demigods and other creatures as well. Napangiti nalang ako habang nakatingin ako sa decoration na ginagawa nila.


"Huh! Kapag ako nagbirthday, pupunuin ko ng pudding 'tong campus."
Nakangising sabi ni Hoshi habang kumakain siya ng pudding. He's been into pudding these days that I had to stop him at certain times dahil parang nababaliw na siya sa pudding.


"If this was my birthday, ipapa-auction ko si Seth."
Tiningnan agad ni Seth si Jayden na nakaupo sa tabi ko.


"Kahit hindi mo naman birthday, ibebenta mo parin siya."
Natatawang sabi ni Walter dahilan para tumaas na ang kilay ni Seth. Humarap siya sa akin at pinagkrus ang mga braso niya sa harap ng dibdib niya at angat-labing nakatingin sa amin. "I'm expensive." He said cockily and smirked at us. Umakto lang si Jayden na parang nasusuka siya.

"Tumahimik ka nga. Bente pesos ka lang." Jayden retorted dahilan para humagalpak ng tawa sina Milo at Matthew.


"Kung bente pesos lang ako, ba't mo pa ako ibebenta?!"
Inis na tanong ni Seth kay Jayden na nakangisi lang habang nakatingin sa kanya.


"Wala lang. Gusto lang kitang ibenta."
Pasimpleng sabi ni Jayden at humiga sa hita ko. Tinaasan lang siya ng kilay ni Jun at inalis ito tsaka pinahiga sa hita ni Joshua.


"Mangangawit siya."
Sabi ni Jun pero umismid lang si Jayden at bigla nalang gumapang si Xy sa hita ko at siya na ang humiga rito. Milo also came closer and leaned his back on my back and continued to play his games. "'Wag kang madamot. And besides, Xin smells nice." Sabi ni Milo habang nakatingin parin sa cellphone niya. Napabuga nalang ng hangin si Jun at hindi na sila pinakialaman.

Pumunta nalang siya dun sa field at sumali kina Walter at Wolfie na naglalaro ng soccer. Sa paglalaro nila ay bigla nalang tumilapon ang bolang sinisipa ni Wolfie sa mukha ni Hoshi.


"And.. that's a foul!"
Natatawang sabi ni Dino at natawa narin sina Jayden dahil dito. Tiningnan ko nalang si Hoshi na nakahawak sa mukha niya habang nakatuwad at parang namimilipit sa sakit. Lumapit agad si Wolfie sa kanya at tsaka kinuha 'yung bola.


"Sorry, Hosh. Kasalanan ko bang parang magnet ng bola 'yang mukha mo?"
Natatawang sabi ni Wolfie sa kanya. Wolfie does have a strange mood, huh? Parang kahapon lang galit na galit siya dahil kay Baley, and now he's smiling. Tumingin lang si Hoshi sa kanya at naibaba nalang ni Wolfie ang bola habang nakatingin sa namumulang noo ni Hoshi.


"Ang sama mo."
Tiningnan lang namin si Hoshi na parang nagtatampo at tumalikod pa sa kanya. Napapikit nalang si Wolfie dahil dito. Well, Hoshi is sensitive sometimes. "Wo, ano ba? 'Yung bola!" Sigaw ni Walter kaya pasimpleng tinapon ni Wolfie ang bola sa kanila kahit hindi ito nakatingin at sa mukha ni Walter naglanding 'yung bola.

Wolfie wasn't even sorry at bigla nalang nag-iba ng anyo. I just looked at his wolf form as he slowly bowed down in front of Hoshi. Ngumiti kaagad si Hoshi sa kanya at sumakay sa likod nito. Nakita kong napairap nalang si Wolfie at tinakbo-takbo na siya sa field.


"Ewan ko sa dalawang 'yun."
Dino said and sat beside me.


Matapos nilang maglaro sa field ay parang tapos narin sa pagdedecorate ang mga student ng UHT. They said that there will be a program for their birthdays. Wow, they must love Duke at Vernon so much, huh?


"I wonder if they'll celebrate your birthday like this."
Nawala agad ang ngiti ko nung narinig ko na naman ang boses niya. Napabuga nalang ako ng hangin at tumingin sa mga studyanteng pumupunta na sa field.

Team AlphaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt