Chapter 1 : The Girl

Comenzar desde el principio
                                    

"B-beach?? " Like seriously?? May sakit na siya gusto niya pang mag beach??

"Please? Ihatid mo lang ako sa terminal. Ako ng bahala. A-alam ko, nakakaabala na ko. " sabi pa niya.

Nakonsensya naman ako dahil sa sinabi niya. Minabuti ko na lang na maging tahimik at di na kumibo pa.

Tahimik akong nag drive para ihatid siya sa terminal na sinasabi niya. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa kanya. Sobrang nanghihina ang kanyang katawan base sa nakikita ko sa kanyang mga mata. Mapupungay ito at maputla ang kulay ng kanyang labi.

"Bakit ayaw mong ibalik kita sa hospital?? " seryusong tanong ko sa kanya.

"Ayuko na doon. Kung ano-ano ang nilalagay sa katawan ko. Sobrang pagod na ko. " matamlay niyang tugon sa akin.

"Ayaw mo na ba talaga?? " sabi ko pa.

Tinitigan niya ako ng malalim sabay iling niya. Ewan pero sobrang affected ako lalo na sa nakikita ko. Sobrang lungkot na para bang wala na talagang pag-asa na gumaling siya sa kanyang sakit.

"Sabi ng doctor, 50 days na lang akong mabubuhay. " naramdaman ko ang bigat ng kanyang dinadala at sobrang sakit nito para sa akin.

"Kailan pa naging Diyos ang mga doctor na iyan!? Bakit kailangan nilang magbigay ng taning sa mga maysakit!? Para saan pa at naging doctor sila dapat sila pa nga ang nagpapalakas ng loob sayo na gagaling ka! " paglalabas ko ng opinyon.

"Wag mo silang sisihin. Para saan pa ang pagpapalakas-loob nila kung sa huli mamamatay din naman. "

"Alam mo napaka negative mo! Bakit gusto mo ng mawala!?" tanong ko sa kanya na siyang kinagulat niya dahil sa pagtaas ko ng aking boses.

Natahimik naman siya at hindi na muling nagsalita pa. Hays. Napahawak na lang ako sa sumbrero ko.

"I'm sorry. " paghingi ko ng tawad dahil sa sinabi ko pero nanatili lang siyang tahimik at di na kumibo. Marahil dumagdag pa ako ng sama ng loob sa kanya.

Siguro nga choice na natin kung anong pipiliin natin. Kung mabuhay o pumanaw na lang.

Hindi ko pa rin talaga magets kung bakit gusto niyang pumunta sa beach. Malaking palaisipan pa din sa akin ang tanong na iyon.

Dumaan muna ako ng bahay at kumuha ng ilang gamit. Buti na lang at wala akong nadatnan sa loob dahil kung nagkataon hindi ko alam kung paano ako magpapalusot lalo na ang halimaw kung Daddy.

Mula kanina ay tahimik pa rin siya at hindi nagsasalita. Marahil pagod siya o marahil dinidibdib niya pa rin ang mga nasabi ko.

Hays. Di kasi ako nag-iingat.

Napatigil ako ng pagddrive ng matanaw ko ang mga pulis sa unahan.

"May checkpoint yata. " tanong ko sa hangin.

Mabilis naman siyang gumalaw na parang walang sakit.

"I-itago mo ko. Please Mister. Baka hinahanap nila ako. " sabi niya sa akin.

"Bakit?? " tanong ko. Tinitigan niya ako at nagmamakaawang umiling.

Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magtago at ako naman nadala na naman ng mga malungkot niyang tingin sa akin.

Mabilis kong hinubad ang jacket ko at sumbrero para ipasuot sa kanya.

"Suotin mo iyan. " sabi ko ng ibinigay ko ang jacket at sumbrero ko.

Tinulungan ko pa siyang magsuot dahil nahihirapan siya. Damn! Sobrang bilis ng tibok ng aking puso na para bang sasabog. Bago pa mahuli ang lahat ay hinayaan ko na lang siyang magsuot at tumingin sa malayo.

Anong nangyayare sa akin?

Ibinalik ko ang aking tingin sa kanya. Tumango naman siya bilang sang-ayon na handa na siya.

Ininspeksyon naman kami ng mga pulis. May hinahanap daw silang babae na tumakas sa ospital. Malubha raw ang kalagayan ng babaeng iyon at kinakailangang ibalik sa ospital. Napatingin pa nga ako sa kanya na marahil siya ang tinutukoy nito.

"Clear. " narinig ko pang sabi ng pulis saka ako nag drive.

Sobrang gulo na ng aking isipan. Simula ng tulungan ko ang babaeng ito sunod sunod na ang nangyayare.

"Ikaw ba ang hinahanap nila?? " tanong ko.

Matagal bago siya tumango.

"Bakit!? Bakit ka nila hinahanap!? May kaso ka ba?? " tanong ko ulit sa kanya at muli siyang umiling.

Tiningnan ko siya ng malalim dahil ayaw niyang magsalita. Paano ko malalaman kung ano ang mga nangyayare. Ako yung tumulong sa kanya pero parang ako pa yung suspect dito!

"P-please----Aaahhh!! " sumigaw siya ng napakalakas habang nakahawak sa kanyang ulo.

"Miss. "

"Aaahh!! Aaahh!!" paulit-ulit niyang sigaw habang namimilipit sa sakit.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Pati ako natataranta dahil to be honest I have no idea kung anong nangyayare. Sa nakikita ko sobrang hirap siya.

"I don't know what's going on! Are you okay?? " taranta ko pang sabi. "Miss? Miss? "

"It's hurt! Ang sakit ng ulo ko. " daing niya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang inaantay na mawala ang sakit sa ulo niya.

"Gusto mo ibalik na kita sa ospital. "

"No! Please. Kaya ko! "

Ang dami ko ng problema sa company tapos kumuha pa ako ng problema. Sana di na lang ako tumulong sa kanya.

Hays.

***

"Sure ka bang kaya mo?? " tanong ko ulit sa kanya ng makarating kami ng terminal.

Tumango naman siya.

"Salamat. " sabi niya sa akin at dahang dahan bumaba.

Nakasunod ang aking mga mata sa kanya habang dahan dahan siyang naglakad patungo sa bus. Ewan ko ba pero may sinasabi ang aking isip.

Makakaya ko bang hayaan siyang mag-isa?? Paano kong may mangyareng hindi maganda at pumanaw agad siya??

Nakokonsensya ako. Kaya ko ba?? Tuluyan na nga siyang nakaakyat sa loob ng bus at di ko na nakita pa.

Mabilis akong bumaba ng aking sasakyan at agad na pumasok sa loob ng bus. Mabilis ko siyang hinanap.

Bakit ganito ang nararamdaman ko??

Napatingin ako sa gilid kung saan siya nakaupo. Nakasandal siya sa bintana habang nakatingin sa malayo. Nakakaawa siya.

Nagulat siya ng makita ako.

"B-bakit?? " takang tanong niya sa akin.

Mabilis akong umupo sa tabi niya na siyang kinagulat niya.

"A-anong ginagawa mo?? Pwede mo na akong iwan dito. " sabi pa niya.

"Hindi ako makakampanti. Obligado kita. Ayukong masisi ang sarili ko. "

"Mister please, wag mo na ako aksayahan ng panahon. I'm going to die. Hayaan mo na ako. " mahina niyang sabi.

"Pasensya na pero hindi ko kaya. I'll stay with you. Sasamahan kita hanggang sa huli. " sabi ko. Determinado na talaga akong samahan siya hanggang sa huli.

"Naririnig at naiintindihan mo ba ang mga sinasabi mo Mister?? Ok lang ako. May susundo naman sa akin pagdating ko doon. " paliwanag niya sa akin pero nagmatigas ako.

"Kahit anong sabihin mo. Sasama ako. Simula ng tumakas ka sa ospital ay responsibilidad na kita. " sabi ko.

Natahimik na lamang siya at muling sumandal sa bintana.

Thanks. Sumuko din siya.

Isa lang ang alam ko ngayon, gusto kong tulungan siya. Alam ko na hindi na siya magtatagal pa pero kailangan kong tulungan siyang gawin yung mga bagay na gusto niyang gawin bago siya mawala.

His MillionaireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora