Kupas na Bituwin

8 0 0
                                    


Subukan mong tumingala-
Titigan natin ang mga tala,
Maningning, kumikislap
Parang ang ating mga pangarap.

Malinaw sa ating balintataw
Ang kagandahan ng isang butuwin--
parang isang mananayaw na humahataw,
sa sariling nitong entablado.

Ang kalangitan na nagsisilbing-
Tahanan ng mga bilyong-bilyong mga tala.
Bawat isa,
may sari-sariling estorya.

Sa mga pagkakataon...
na ako'y humihiling-
sa mga bituwin,
Hindi sa mga manininingning ako tumitingin.

Sa dinami-rami nila,
Ilan kaya ang napagod na sa pakikinig?
Sa mga kwento ng bawat tao-
Tuwing sumasapit ang dilim.

Tuwing umuulan-
Sumasagi sa aking isipan.
Katulad nang pagkawala ng mga tala,
Kapag nais nang ibuhos ng ulap ang kan'yang dinadala.

Ang mga tala bang handang makinig sa atin-
ang liwanag ba nila'y may katapusan?
Sila ba'y parang tao lamang,
Nawawala kapag umuulan o dumidilim ang kalangitan?

Kahit anong ningning-
anong tugatog?
Kapag dumidilim?
Nagtatago rin?

Mga Piyesang KumupasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon